※ Chapter 7 (Revised) ※

229 6 9
                                    

Chapter 7: Nightmare

•••••••

Yvaine's POV

Nagising na lang ako na nasa ibang lugar na ako. Damn, where the heck am I?

"Grace! Jennie! Nasaan kayo?!" I shouted.

But no one answered me hanggang sa nakaramdam ako ng sakit ng ulo. And then I remembered what happened yesterday.

Tinignan ko ang cellphone ko at nagtaka ako na 23% na lang ito ngayon na 100% naman kahapon and then there, I saw the date that makes my body tremble.

It was fvcking 2 weeks ago when we entered this damn forest.

Ngayon. Nasaang lupalop na naman ako? Nakakainis na talaga.

Nababadtrip ako as in. Paanong mapupunta na lang kasi ako dito bigla ng wa----

Wtf? Naaalala ko na kung anong nangyari sakin.

FLASHBACK

"You can eat first, alam kong pagod kayo. Mauuna na muna ako, ihahanda ko lang ang matutulugan niyo dahil malapit na ding gumabi." Sabi sa amin nung matanda.

What the hell? Umaga lang kanina ah? Tapos ngayon mag gagabi na?

Tinignan ko ang cellphone ko at nagulat ako sa nakita ko dahil totoo nga, 6:32 pm na at ako lang yata ang nagulat sa oras dahil parang wala lang sa kanila.

Parang may nangyari na di ko alam, parang lumipad na lang bigla ang oras, bumilis bigla? O baka naman guni guni ko lang ang mga yun.

"Salamat po." Ngiting sabi ni Elyza sa matanda sabay kuha ng slice ng cake at uminom ng kaunting juice.

Ganoon din ang ginawa ng iba, tanging ako, si Kenji, Arthur, Keisha, Jennie, at Grace lang ang hindi kumuha ng pagkain.

"Handa na yung mga kwarto niyo. Kahit anong oras ay maari na kayong matulog." Sabi sa amin ng matanda.

"Ngunit huwag na huwag kayong pupunta sa dulo ng hallway. Yun lamang at ako'y matutulog na din." Sabi niya at tyaka ngumiti sa amin.

"Maraming salamat po." Ngiting sabi ni Elyza sa matanda.

Nagtaka ako sa sinabi ng matanda, ano bang meron dun?

I promise, it gives me goosebumps being here at this mansion. This was all cursed.

Nung pakiramdam ko ay parang naubusan ako ng laway ay bigla ko na lamang nainom ang juice na inihanda ng matanda kanina hanggang sa parang unti unting nanlalabo ang mga mata ko.

ENDS

"Dahil yun sa juice. Tama ako. Dahil yun sa juice na ininom ko." at tama ako, isang puzzle ang pinasukan namin.

Hindi biro ang pakiramdam ko dito. Naguguluhan ako ng sobra. Sa tingin ko hindi na gumagan ng ayos ang utak ko. Hindi nagpoprocess.

'Anong kailangan naming gawin dito?'

Author's POV

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabuwag ang kanilang grupo. Nagkawatak watak at nagkahiwahiwalay. Sino nga ba ang tunay na salarin? Ang matanda ba? O isa sa kanila?

Ang hindi nila alam ay nasa iba't ibang bahagi lamang sila ng mansyon ng matanda. Nasa loob sila ng iba't ibang kwartong puro ilusyon lamang. Walang katotohanan ang kanilang tinatapakang lugar.

Kasalukuyang nasa sementeryo si Yvaine. Na hindi niya pa mawari dahil nasa ikalawang palapag siya ng isang museo ng isang namayapa na.

Lahat ay ilusyon lamang at kailangang makalabas ng bawat isa sa lugar na iyon.

Pero ano ang magagawa nila?

"Argh! Nasaan ba ako?" saad ni Yvaine ng bigla niyang maapakan ang isang buto.

"Ahhhhhhhhhhh!" tili niya at narinig ito ni Kenji.

Si Kenji na nasa kabilang kwarto lamang.

Pero ang hindi niya maintindihan ay nasa loob lamang siya ng sasakyan sa isang tulay. Hindi niya malaman kung nasaan si Yvaine.

"Yvaineeeee!" tawag niya sa pangalan neto pero hindi sumagot si Yvaine kahit naririnig niya ito.

"Anong nangyayari?" bulong ni Yvaine sa kanyang sarili.

Yvaine's POV

Tsk. Nasan na ba ako? Jusko naman, hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito.

Teka.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at nagulat ako sa nakita ko dahil ngayon ko lang narealize na ako pala ay nasa loob ng isang museo ng isang namayapa na.

Anong ginagawa ko dito?

"Nagtataka ka ba? Kung bakit ka nandito Yvaine?"

"Sino ka? Nasaan ka?!"

Nilibot ko na ang paningin ko ngunit hindi ko makita kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

"Isa lang ang makakalabas sa lugar na ito. Matira ang matibay. Sino kaya ang mga demonyo sa inyo?" sabay tawa ng isang nakakakilabot na boses.

"HAYOP KA! SINO KA BA?! LUMABAS KA AT MAGPAKITA KA SAKIN?!" nagagalit na talaga ako sa ginagawa niya o kung sino man siyang demonyo.

Alam kong makakalabas kaming lahat dito. Alam ko.

Hahanapin ko sila. Kailangan ko silang hanapin para sabay sabay kaming aalis sa lugar na ito.

This is just a nightmare.





----------------------------

Twt: @AnassaViolet

Please read this!!!
https://my.w.tt/JHhuY3MGfN

Seven Sins | On-goingWhere stories live. Discover now