※ Chapter 3 (Revised) ※

337 7 0
                                    

Chapter 3: Old Woman

•••

Adrian's POV

Nakarating ako sa bahay ng hating-gabi na kasabay ko ngayon si Jennie pero mas nauna siya dahil aasarin nila kami kung magsasabay kami ng pasok sa bahay.

§ FLASHBACK §

Hindi si Jennie ang nakita ko sa eskinita, ang nightmare ko ang nakita ko.

Pero nakita ko si Jennie na galing sa likod ng isang ospital. 'Gubat ang likod nun ah?'

Ng mapatingin siya sa direksyon ko ay agad akong nagtago sa kotse sa gilid ko. Sinundan ko siya ng sinundan dahil baka mapahamak siya dahil 10pm na rin, masyado ng gabi para lumabas ang isang babaeng katulad niya.

"Bakit lilinga linga siya?"

Halata sa kanyang balisa siya at halatang may iniiwasan. Kaso sino naman ang iniiwasan niya? Ang alam ko wala naman siyang kaaway o iniiwasan ah? Kahit malayo siya sa akin ay halatang pawis na pawis na siya at may... 'may sugat siya?'

Binilisan niya ang lakad niya at sinadya kong tumawid para magkabunggo kami.

"Aaaaaahh!" Nagulat ako dahil sa bigla niyang pagsigaw, hindi ko pa siya nabubunggo pero sumigaw na agad siya.

"A-ah, sorry p-- Jennie?" Pagmamaangmaangan ko sa kanya, "A-adrian i-ikaw pala y-yan?" Parang nakahinga siya ng maluwag dahil ako pala ang nakasalubong niya.

'Bakit? Sino ba ang inaasahan mo na bubulaga sa iyo?'

"Ah, oo. May pinuntahan kasi kami ni Ly, ikaw? Di ka pa pala nauwi? Gabi na, ah." Such a liar, Adrian. Very bad, tsk tsk.

"P-pauwi na rin ako. Hehe." Napapakamot ulo niya pang sabi sa akin, "S-sabay na kaya t-tayo?" Hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagkakautal-utal niya.

"Sige sabay na tayo, pero pag dating natin doon sa may labas ng bahay, ikaw ang mauna para hindi nila tayo asarin na sabay tayong umuwi." Dahil alam kong aasarin nila kaming lahat na nag-date lang kami kaya pareho kaming nawala.

"Ah? O-oo naman, hehe. Sige lang." Parang pilit, ah?

Pagkatapos nun ay sabay na kaming umuwi.

§ END OF FLASHBACK §

Pagkabukas pa lang ni Jennie ng pintuan ay agad na bumungad sa kanya si kuya Arthur kaya agad ko ring sinundan ng pasok si Jennie.

"Saan kayo galing?" Ha? Paano niya nalaman? Sa tono ng kanyang pananalita ay mahahalata mo na agad na alam niya ng magkasama kami or I mean sinundan ko si Jennie.

"Ah k-kuya, nagkasalubong lang kami ni Adrian." Mabilis na sagot niya dahil alam niya din na tiyak si kuya na magkasama kami.

"Palalagpasin ko toh dahil may pupuntahan tayo bukas. Matulog na kayo, maaga pa tayo bukas." Nakahinga lang kaming dalawa dahil hindi niya kami pinarusahan sa paglabag sa utos niya.

"Sige na matutulog na ako."

"Teka lang."

"Bakit?"

"Jennie, ten'o clock pa lang sarado na ang mall pero pasado 11 na ng magkasalubong tayo. Saan ka galing? Tyaka bakit may sugat ka? Na paano yan?" Kailangan kong malaman kung bakit galing ka sa likod ng ospital kung nasaan ang gubat at kung bakit ka nagkasugat sa braso mo na hindi naman napansin ni kuya Arthur.

Seven Sins | On-goingWhere stories live. Discover now