Chapter 2: Letter
••
Yvaine's POV
Inaamin kong hindi ako pinatulog ng lintik na somewhere na sinasabi niya.
'Kakaiba ka talaga, Kuya. Tss.'
Iba ang angas ni kuya kaya madaming nagkakandarapang babae sa kanya kaso halos lahat naman ay tinataboy niya. Tignan niya pa lang ang mga ito ay aalis na agad. Si kuya din ang nakamana ng talento ni Mama, halos lahat ng armas ay alam niya kung paano gamitin. Siya din ang pinaka mataas sa lahat ng subjects niya kaya siya din ang nangunguna sa buong year level nila.
'Nakakahigit sa lahat, kaya kinainggitan...'
Napapangisi na lang ako ng mapagtanto kung ano ang iniisip ko pero hindi ko na lang ito pinansin pa.
"Hoy Yvaine!"
"Ha? Bakit?" Takang tanong ko kay Jennie, siya kasi ang kasama ko ngayon dahil yung iba ay may klase pa.
"Jusme, buti nakuha mo pa akong pansinin noh?" Seriously, hindi ko alam na tinatawag niya pala ako.
"Ano bang gusto mong sabihin?" Daldalera talaga. Wala na nga akong tulog, ganito pa? Tyaka kagabi halos durugin na nga nito yung eardrums ko eh. Tss.
"May napapansin kasi ako ma----" Bigla na lang itong natigilan sa pagsasalita niya ng sa hindi ko malamang dahilan.
Jennie's POV
I know what I saw there. I am very very sure.
'Your crazy!'
"Hey! Jennie! Are you listening?! Bakit ka naiyak?!" Napatingin naman ako kay Yvaine at parang bulang naglaho ang tinitignan ko at parang bulkan na sumabog ang luha ko kaya niyakap niya ako.
'Sana mali ako, sana hindi ganito kaaga. Please. Ayoko pa.'
"Shhh. Tama na, wag ka ng umiyak." Iniharap niya ang mukha niya sakin, at fuck! Gusto ko na lang tumakbo at pang habang buhay na lang na iwasan si Yvaine.
"Wag ka ng umiyak, kung ano man ang dahilan kung bakit ka umiiyak ay kalimutan mo na lang. Dahil hindi ka dapat umiiyak." Nakangiting sabi niya sa akin.
'Sana nga madali lang kalimutan kung ano 'man ang nakita ko, sana nga ganon na lang kadali.'
"Tama, hindi dapat ako u-umiiyak." Pagsasangayon ko na lang sa kanya dahil alam kong oras na sumangayon ako sa sinabi niya ay hindi na siya muling magtatanong pa, dahil ayaw niya ng balikan kung ano ang nagpaiyak sayo.
'Kung ano ang nagpaiyak sa kanya.'
Mabilis na lumipas ang oras at maguuwian na, "Ahh. Teka lang guys, ha? May bibilhin pa kasi ako sa mall eh. Mauna na lang kayo, pwede ba?" Sabi ko sa kanila dahil hindi nila ako pwedeng hintayin.
"Ah, ganon ba? Pero kaya mo ba------"
"Ayiiieeeeee." Kantsaw nilang lahat sa amin. Ano bang meron? Lagi na lang silang ganyan eh.
YOU ARE READING
Seven Sins | On-going
Teen FictionHeaven and Hell. Saan ka nabibilang? One person, seven sins. How do you love someone that is slowly dying because of his sins? > > >