※ Chapter 4 (Revised) ※

272 10 0
                                    

Chapter 4: Forest

••••

Yvaine's POV

Laking pasasalamat ko pa rin dahil matapos kong makita ang matandang iyon ay nakatulog pa rin ako hanggang sa nagising na lang ako sa ingay sa loob at labas ng kwarto.

"Hoy! Gemma, Cheska! Gumising na nga kayo!" Ang boses ni Jennie ang agad bumungad sa umaga ko, kaya ayan sira na. -_-

"Hoy! Gemma, Cheska! Gumising na daw kayo! At Jennie! Nakalimutan mong gisingin ang prinsesa na hanggang ngayon ay tulog na tulog." Sabi na at second demotion lagi itong si Graciana eh, este Grace, mga panira ng umaga!

"Mga leche! Hindi niyo na ako kailangang gisingin pa dahil sa mga bunganga niyo pa lang na daig ang naka-microphone eh gising na gising na ako! Pestengyawa!" Oo, sobra akong iritado dahil gabing gabi na nga ako nakatulog or I must say na umaga na nga ako nakatulog tapos ang aga aga pa nila akong gigisingin?! Nasaan ang hustisya doon?! Pwede bang pakiabot na lang sakin yung kutsilyo tapos isasaksak ko na lang sa sarili ko?!

"Taena, Yvaine Manliquez. Diba sabi ko sayo kagabi na maaga tayo aalis bukas?! Ay hindi. Ikaw pa nga mismo ang nag sabi sa akin eh! Kinakalampag na nga tayo ng mga boys doon, oh! Bakit daw ang bagal bagal natin?! Edi syempre kasalanan ng mga Maria Clara ng bahay na ito dahil sobrang kukupad kumilos!" Nakakarindi na talaga ang boses ni Jennie dahil para na akong mabibingi dahil sa tinis ng boses ng lecheng toh.

"Ewan ko sayo! Hoy Gemma at Cheska! Aba, tayo na! Mapapagalitan na tayo ng nanay at lola natin!" Sabi ko habang pababa ng kama at nakita ko silang tatawa tawa sa amin.

Alam niyo? Minsan naiisip ko kung kambal ba itong si Gemma at Cheska eh, sobrang tahimik pero kapag nagsalita naman wala ding preno! Nagtataka tuloy ako kung bakit nila naging kaibigan ang mga takas sa mental na katulad namin.

"Jennie, bakit may sugat ka? Di ko napansin yan kagabi ah?" Totoo naman kasi, madilim na kaya nun, inaaninag ko na nga lang yung mukha niya kagabi eh.

"Psh, masama na bang magkasugat ngayon?" Ang taray talaga ng bruhildang toh kahit kailan eh. -_-

"Ewan ko sayo! Sana yang sugat na yan may lason tapos unti unti kang papatayin niyan at pahihirapan dahil ang taray taray mo!" Ang harsh ba? Haha. Hindi pa yan harsh, Jennie. Mild pa lang yan, haha.

"Gaga! Maligo ka na nga!" Halatang nainis siya pero tinawanan lang namin siya. Nakakatawa kasi eh, haha.

At dahil sa pinagmamadali na nga ako nina Grace at Jennie sabayan mo pa ng pagkalampag sa pinto nina Zack, Adrian at Mikko ay talaga namang haharurot ka sa pagmamadali. Pagkalabas ko nga ay hindi na ako hinayaan pa na mag ipit dahil sa byahe na lang daw ako mag-ipit.

"Oh, andito na tayo sa sala, ah? Andito na si Zack, Adrian, Mikko, Nathan, Kenji, Grace, Jennie, Cheska, Gemma, and of course me. Ang tanong nasaan ang magaling kong kuya? Madaling madali ako tapos siya naman pala ito-------" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sumabat na sa usapan si Kuya.

Ayoko na nga siyang tawaging kuya! Wala din namang deperensya, ganon pa rin. Tawag ko na naman sa kanya yun dati eh.

"Andito na ako pwede na tayong umalis."

"Saan naman ba tayo pupunta Arthur?" As usual hindi na siya nagulat sa pagtawag ko sa kanya ng Arthur, sanay na yan eh.

Seven Sins | On-goingWhere stories live. Discover now