※ Chapter 5 (Revised) ※

207 8 0
                                    

Chapter 5: Elyza

•••••

Elyza's POV

Ang boring dito sa bahay. -_-

Makapunta na nga lang kina kuya, kukulitin ko na lang sila dun.

Hindi naman matagal ang byahe papunta sa kanila kaya mabilis din akong nakapunta sa kanila. Nagtaka lang ako dahil may mga sasakyan sila pero iba yung gamit nila, nakita ko kasi sila sa loob ng ibang sasakyan bale nasa tapat na kalsada kasi ako.

May lumabas na isang babae sa loob ng bahay nila pero hindi ko mamukaan kasi naka mask ba naman!

Imbes na bumaba ako ng kotse ay sinundan ko na lang sila. Saan kaya pupunta ang mga yon?

Lumipas ang dalawang oras at nakarating kami sa isang gubat. Hindi na lang ako nagpakita sa kanila dahil isusurprise ko na lang sila na nandito ako!

Nawala ang paningin ko sa kanila ng may tumawag sakin.

Keisha calling...

Aish. Istorbo talaga toh eh! Sinagot ko na lang yung tawag bago muling tumingin sa gawi na pinuntahan nila kuya pero agad din naman nawala yung mga sasakyan.

"Hello? Bakit ka tumawag?"

[Ly, nasaan ka? Wala ka kasi dito sa bahay niyo eh.]

"Bakit? Anong ginagawa mo diyan?"

[Tumawag kasi ang maglilinis ng bahay ng kuya mo, yung pina-hire mo sakin para maglinis dun? Remember? Nawawala daw kasi sila, tapos may note pa nga daw na iniwan, nakalagay dun sa may door knob.]

Naguluhan naman ako sa sinabi ni Keisha. Anong nawawala? Eh andito sila sa gubat ah? Magcacamping pa nga yata.

"Anong sabi doon sa note?" May pa note note pang nalalaman eh.

[Ang sabi daw doon sa note, 'Wag niyo na kaming hanapin, hindi na kami babalik dito.' Yun lang yung nakalagay dun sa note eh.]

"What?! Eh nasa gubat sila ah?!" Anong ibig nilang sabihin na di na sila babalik? Ano yun? Doon na lang sila sa gubat?

[Nye? Saang gubat ba yan? Pupuntahan kita.]

"Nasa liblib na gubat ako eh, malayo sa tao. Mga two hours din bago ka makapunta, puntahan mo na lang ako dito."

[Okay, I will be there in two hours. Just wait for me, okay? Bye.]

"Okay, bye."

Naghintay pa ako ng dalawang oras dahil hindi ko din naman kakayanin na ako lang mag-isa ang pumasok sa gubat na yan. This forest is far from people kaya kahit sumigaw ako dito walang makakarinig sa akin kaya it's better to wait Keisha.

"Ly! Ang layo naman dito!" She said habang naglalakad papunta sa akin.

"Yeah. Let's go inside of that forest, andyan sina Kuya eh." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita dahil naglakad na ako papasok ng gubat, medyo maghahapon na din kasi, tanghali pa ako dito eh.

Seven Sins | On-goingWhere stories live. Discover now