chapter 1

26 1 0
                                    

Dirsten

Nagising ako sa sikat ng araw na nakatutok sa mukha ko. Bahagya akong nag-unat. Para bang galing ako sa mahabang pagkakatulog. Hindi ko mawari yung pakiramdam ko. Iginala ko ang paningin ko sa kwarto ko. Umupo ako sa kamang hinihigaan ko ng mawaring ibang kwarto ito. Hindi pamilyar sa akin. Bakit parang nasa ibang lugar naman ako?

"Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang paligid. May isa pang kama sa gilid ko. Dalawang kama sa isang kwarto? Ano ba ito? Hindi na ako nag-atubili at binuksan ko na ang pintuan para lumabas. Paglabas ko nakita ko kaagad ang iba pang pintuan. Parang nasa hotel ako. Pero imposible naman. naglakad ako sa pasilyo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, nakasuot lang ako ng pantulog na pajama at blouse, magkaterno pa talaga. May nakita din akong magkapares na tsinelas na bunny kaya yun nalang ang sinuot ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang elevator. Pinindot ko lang iyon. Bakit parang walang tao? Anong oras na ba?
Sa tingin ko maaga pa naman pero sumikat na ang araw. Wala talaga akong maalala, kahit man lang kagabi. Nagbukas na ang elevator at pumasok na ako. Pinindot ko yung ground floor. Nasa 5th floor pala ako.

Nang makalabas na ako nagtaka naman ako dahil wala talagang tao. At hindi ito kagaya ng hotel na may recieving area at may lobby. Wala ring parking. Ano ba talaga ito? Bakit ba ako nandito? Iginala ko ang paningin ko ng may marinig akong parang may mga nagsisikantahan. Sinundan ko ang tunog na iyon.

Nagulat ako ng makarating ako sa likod ng isang building. May open ground doon at maraming mga estudyanteng nagkakantahan. Parang flag ceremony.

Doon ko lang napansin ang buong paligid. Mula sa kinatatayuan ko, isa pala itong eskwelahan.

Nakita kong may mga teacher na papalapit sa direksyon ko, nagtago naman ako sa likod ng poste para hindi nila makita na nandito ako. Baka pagalitan nila ako e.

Nang makadaan na sila, bumuntong hininga naman ako.

"Haaay! Akala ko makikita nila ako."

Pero pagtalikod ko, nabunggo ko naman ang isang teacher na lalaki.

"Ah.. s-sorry po." Nakayuko kong sabi. Ano ba yan akala ko ligtas na ako.

"Bakit hindi ka sumasama sa flag raising ceremony?" Tanong niya.

"Ahmm... k-kasi po.." wala akong maisip na palusot.

"At bakit hindi ka pa nakabihis?"

"A-ano po kasi.. ahmm.."

"Ano!"

"Kasi po, tinanghali po ako ng gising." Sabi ko.

"Ngayon, ano pa ang hinihintay mo ha?" Ano bang sasabihin ko? Hindi ko naman alam e, wala nga akong maalala.

"W-wala po." Sagot ko. Pinipisil ko nalang ang mga daliri ko dahil wala talaga akong maisagot.

"Sir." Tawag ng isang babaeng teacher din.

Pumunta naman siya doon at saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Hayy! Akala ko matsutsugi na talaga ako." Bumalik na lang ako sa kwartong pinanggalingan ko. Bakit ba nandito ako? Hindi ko nga alam kung saang lugar ito. Naisipan kong maghalungkat sa mga gamit na nandito sa loob ng kwarto.

May dalawang malaking closet, may pangalan na nakadikit doon.

[MARIE]

[DIRSTEN]

Teka, ano nga bang pangalan ko? Sino ba ako?

Natauhan ako ng biglang may pumasok sa kwarto. Isang babae, nakauniform siya.

Base sa naamoy ko amoy yosi siya. Pwede ba yun dito sa school na ito?

Tiningnan niya lang ako bago lumapit sa isa sa cabinet, siya pala si Marie.

"Bakit hindi ka pa bihis?"  May pagkasigang tanong niya, pero hindi siya nakatingin sa akin at may hinahalungkat sa cabinet niya. Tomboy ba ito. Parang hindi naman, kasi nakaayos nmn siya ng pangbabae at nakamake up siya, baka may pagkaboyish lang.

"Sabi ko bakit hindi ka pa nakabihis?" Ulit niya, tumingin na siya sa akin.

"Ahh.. t-tinanghali kasi ako ng gising." Sabi ko.

Wala naman talaga akong maalala, hindi ko alam kung sino ako pero parang kilala niya ako. Bakit hindi ko alam?

"Ah, M-marie..?" Alangan kong tanong.

Hindi siya sumagot. "Sino ba ako?" Tanong ko.

Napahinto naman siya sa paghahalungkat ng gamit niya.

"Nagpapatawa ka ba?" Sabi niya.

"Hindi."

"Seryoso?"

"Oo.."

"Napuyat ka lang. Nananaginip ka pa yata." Humahalakhak niyang sagot.

"Hindi, bakit ba---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may naisip ako.

Hindi dapat ako nangtitiwala sa kahit na sino, paano kung dinukot pala ako? Paano kung kasabwat siya? Dapat hindi ko ipahalata na wala akong alam dito.

"Bakit ba kita tinatanong? Ako si Dirsten!" Napatingin ako sa cabinet na may nakadikit na pangalan.

"Sige na. Matulog ka na nga. Aalis na ako."

"Teka, saan ka ba pupunta?"

"Sa baba, sa klase ko. Ok ka lang ba? Tss." Umalis na rin siya.

Mabilis na akong kumilos, dumiretso na ako ng banyo at mabilis na naghilamos at nagtoothbrush. Hindi naman ako mabaho kaya hindi na muna ako naligo malalate na kasi ako.

Nagbihis na ako pagkatapis at saka kinuha yung gamit ko na nakapatong sa side table ng kama ko.

May nakita akong schedule sa likod ng notebook kaya yun ang sinundan ko.

Unang klase ko pala ay English. Nakita ko yung pangalan ng school. Kennelton Academy. Pamilyar sa akin. Pero hindi ko maalala. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Naglalakad na ako ng mapansin kong nakatingin sa akin ang mga estudyanteng nadadaanan ko.

Ano bang meron sa akin? May dumi ba ako sa mukha?

Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa classroom na nakasulat sa schedule. Madaling hanapin yun dahil may mga pangalan ang bawat classroom at sunod-sunod lang iyon base sa section at year level.

Nagsisimula na ang klase ng makarating ako. Nakatayo sa harapan yung teacher at nagdidiscuss na.

"You're late Ms. Margaux." Sabi ni Ma'am.

"I'm sorry ma'am. Hindi na po mauulit." Sabi ko at saka naupo na sa isang bakanteng upuan. Bandang likuran iyon, pangalawa sa dulo.

.
.
.
.
.
.

A/N: una sa lahat, sorry po kung nawala yung first construction ng story. Nabura po kasi yung story plot ko.. pero mas better naman po itong new plot ko.. parehas lang naman yung flow nung story kaya sana suportahan pa rin. Tao lamang po ako at nagkakamali, isa pa beginner pa lang po ako sa paggawa ng story dito sa wattpad.

Please follow my account too.
@RoseYChick_01

Sorry po talaga sa mga ilang nagbasa na nabitin dun sa unang plot. T_T
Don't worry, I'll assure you guys that you will be entertained enough when you read this story.

A Secret Love StoryWhere stories live. Discover now