chapter 7

6 0 0
                                    

Dirsten

Weekend!!!! Most beautiful part of my days here. Yun lang kasi ang panahon ko para magpakasaya. Sa loob ng isang buwan ko dito, nasanay na rin akong makisama sa kanila.

Pero hindi ko parin nakakalimutang alalahanin ang dahilan kung bakit ako nandito at kung sino nga ba talaga ako.

Gusto ko mang buksan ang account ko sa facebook kung meron man ako, hindi ko naman magawa dahil hindi ko alam ang email at password ko.

Pati kung saan ako nakatira talaga, gumawa ako ng bagong account ko pero nahihirapan parin akong maghanap. Pero hindi ako susuko.

Sinubukan ko na ring halungkatin lahat ng gamit ko para makahanap man lang ng clue pero wala akong mahanap kasi puro bago ang lahat ng gamit ko na nandito.

Pag weekend nakabukas ang buong campus para sa mga estudyante. Pwedeng gumala anytime basta within this campus border lang. At isa pa ay pwedeng magsuot ng kahit na anong gustong suotin pag weekend.

Naalala ko may malaking library nga pala dito. Pumunta ako doon at naghanap ng libro na pwede kong magamit.

Humiram ako ng dalawang libro. Tinungo ko ang garden. Malawak ang garden dito. Dahil maaga pa may mga estudyanteng nagjojoging sa gilid ng mini park. Ngayon ko lang narealize na maganda naman pala talaga ang Kennelton Academy. Naupo ako sa ilalim ng malaking puno, may mga bato kasing nakapaligid dito. Perfect pagtambayan habang nagbabasa ako.

"Ehem!" May lalaking naupo sa tabi ko. Pagtingin ko nakita ko si Tres.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang ako, heart." Sabay wink niya pa.

"Heart ka jan?"

"Bakit?" Kinuha niya yung isang libro na nasa tabi ko.

"Hindi ako si Heart. Dirsten ang pangalan ko."

"Ah, edi Dirsten.. Heart." Nagbasa na rin siya.

"Akin na nga yan. Ako ang nanghiram niyan sa library." Kinuha ko yung hawak niya at tumayo na ako, aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Sandali. I think this is yours." Pagtalikod ko hawak niya yung isang blue card ko. Yun yung pass ko sa library para makahiram ng libro.

"Akin na yan!" Sinubukan kong agawin pero itinaas niya ang kamay niya.

"Isa! Akin na yan!" Bulyaw ko pero lalo niya pang itinaas.

Naiinis na ako sa kanya.

Inaabot ko parin pero hindi niya parin binibitawan. Sumandal siya sa puno at itinaas niya pa ang kamay niya.

"C'mon here and get it." Sabi niya. Nakangisi pa ang loko.

Binubwisit niya talaga ako.

"How cute Dirsten Heart. Come and get it if you can."

"Humanda ka sa akin pag nakuha ko yan!" Lumapit ako sa kanya at sinubukang abutin pero mas matangkad siya sa akin.

"Hahahaha.. you can't!" Panunuya niya.

"Terrence? Babe!" May babaeng nagtawag sa kanya kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Teka ang ginagawa ko lang ay abutin yung blue card ko at wala nang iba.

"Sino yan?!" Lumapit sa amin ang babaeng yun. Girlfriend niya for sure.

Mukhang kakagaling lang sa jogging ang babaeng ito, yun kasi ang outfit niya.

Dahil nakita nga naman kaming magkasama ni Tres at nakikipaglaro itong si Tres, bakit kaya hindi ko na rin patulan? Yeah! Right idea.

"Uhm.." tumingin muna ako kay Tres na magsasalita na sana pero inunahan ko na.

A Secret Love StoryWhere stories live. Discover now