chapter 3

4 0 0
                                    

Dirsten

Maraming estudyante ngayon sa hallway. Darating daw kasi yung bagong principal. May mga hawak kaming flaglets para i-welcome yung principal.

"Naku, bago na naman yung principal. Masungit din kaya yun katulad ng dati?" Narinig kong nagchichismisan yung katabi ko.

"Oo nga. Pero sana naman hindi thunders! Kay na ako sa middle age." Sabay silang nagtawanan.

Ang ingay nga lahat yung iba excited. Yung iba naman natatakot. Wala pa akong masyadong kakilala dahil mag-iisang linggo pa lang ako dito.

Sigawan ang lahat ng estudyante ng dumating na nga ang baging principal sakay ng kotse niya.

"Siya na nga yan!!!" Sigaw ng mga estudyante.

"Let us all welcome the new school administrator! Mr. Martinez!" Sabi sa speaker kaya naman iwinagayway na namin ang mga flaglets na hawak namin.

Bumaba na nga ang nasabing principal. Isang di naman katandaan na babae. Nakashades pa siya. Maputing matangkad. Sa tingin ko marangya ang pamumuhay niya base sa pisikal na appearance niya.

Tinamad na akong panoorin sila kaya pumasok na ako sa classroom namin. Boring naman kasi. Panonoorin lang naman siya. Hindi naman siya artista.

Pero pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko yung isang lalaking nakaupo sa bandang hulihan ng classroom.

Parang kilala ko siya.

Lumapit ako sa kanya. Nakapikit lang siya at nakahalukipkip. Nakapasak sa tenga niya yung headset niya.

Tama, siya nga yung nakita ko kagabi.

"Sandali nga. sino ka ba?" Tanong ko nang bitawan niya ang kamay ko.

Hindi siya nagsalita. Pipi ba ito?

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Tss. Hindi ba obvious? Para iligtas ka!" Sagot niya.

"Bakit? Wala naman akong sinabing iligtas mo ako a. At isa pa bakit mamamatay ba ako?" Sagot ko.

"Magpasalamat ka na lang, kung hindi dahil sa akin na--" natahimik siya sa pagsasalita.

"Ano? Kung hindi dahil sa'yo ano?"

...

Tama nga, siya yun. Kaklase ko ba siya?

"Baka matunaw ako sa titig mo." Natauhan naman ako nang magsalita siya bigla. Kanina pa nga pala ako nakatingin sa kanya. Nakatingin na din pala siya sa akin.

"Ah. H-hindi naman kita tinititigan e."
Naupo ako sa upuan sa harapan niya pero nakaharap ako sa kanya.

"Sabihin mo nga sa akin, kilala mo ba yung mga lalaking yun kagabi?"

Tinanggal niya yung headset niya at saka inilapit sa mukha ko ang mukha niya.

Ano naman kayang gagawin nito?

Omay! Kalamay! Nakakaduling. Pero ang gwapo pala nang isang ito. Kung itutuloy man niya okay lang. Gwapo naman siya.. nanatiling nanlalaki ang mga mata ko at pigil ang paghinga. I can't help it but to think

"Kung ano man yung nakita mo kagabi... mas mabuting kalimutan mo na." Yun lang at saka na siya umalis. Naiwan akong tulala.

***

Hindi ako nakikinig sa tinuturo ng teacher, pinipindot ko lang ng paulit ulit yung ballpen ko.

Parang ang sarap sa tenga. Baliw lang?

A Secret Love StoryWhere stories live. Discover now