Dirsten
Naalimpungatan ako dahil sa pagka-uhaw. Bumangon ako at saka tinatamad na bumangon. Gabi na pala. Nakauniform pa ako, naalala ko kanina nakatulog nga pala ako.
"Hayyy!!" Naihampas ko na lang ang dalawang kamay ko sa noo ko.
"May tubig kaya dito? Hayy! Bakit nakatulog ako? Absent tuloy ako sa ilang subjects ko." Nasulyapan ko naman si Marie na nakahilata na. Ang lalim na ng tulog niya. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko, 10:30 pm.
Wala namang tubig dito. Dumiretso na lang ako sa closet at saka kinuha yung pantulog kong damit at panjama.
Tahimik akong pumunta ng cr para doon na ako magbihis. Binuksan ko yung ilaw. Nakapatay na kasi yung ilaw sa kwarto.
Paglabas ko nahiga na ako muli sa kama ko pero hindi man lang ako dalawin ng antok.
Pinikit ko yung mata ko pero kung ano-ano lang ang naiisip ko.
Biglang naalala ko yung nakita ko nung gabing yun.
"Walang hiya! Akala ko ba nilinis niyo na yun?"
Bumangon akong muli. Dahil hindi pa naman ako inaantok, napagpasyahan kong lumabas ng kwarto. Alam kong bawal dahil lights off na ng 9 pm. Pero hindi talaga ako pinapatahi.ik ng konsensya ko sa narinig ko. Nacucurious parin ako.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin. Nakalabas naman ako ng building ng ligtas. Nakita ko yung isang guard mukhang ang sarap na tulog niya, nakaupo siya sa gilid ng main door ng dorm.
Nakalampas na ako ng canteen ng walang nakakapansin sa akin. Malapit na ako ng may marinig akong nagtatawanan. Mga kalalakihan na ngtatawanan. Sinundan ko yung ingay na yun. Papuntang basement ng isang dormitory ng mga seniors.
Madilim doon pero pumasok pa rin ako. Nakita ko yung ilang estudyante sa di kalayuan. Nagtatawanan sila, may lamesa sa gitna nila. Wala naman akong naaamoy na sigarilyo kaya hindi naman sila nagyoyosi. Wala din akong naaamoy na alak. Ano naman kayang pinagtatawanan nila?
"Mabuti na rin sa kanya yun!" Sabi nung isang lalaki.
Medyo madilim sa loob kaya naaaninag ko lang sila.
"Sabi ko naman sa inyo e. Wala talagang palag yun, tiklop na siya ngayon! Hindi na siya makakaganti pa!" Sabi naman nung isa pa.
Pamilyar ang boses niya...
Maingat akong umatras para lumabas na ng kwarto pero nauntog ako.
"Ouch!" Saad ko.
Takte! Hindi pala bato yung napag-untugan ko, dibdib pala yun ng isang lalaki. Bagong dating, papasok siguro siya at sakto naman palabas ako.
Sheteeee!!! Paano na?
Tumingin ako sa mukha niya nang dahan-dahan.
Nakangisi pa siya. "Shhh!" Nagsign ako na manahimik siya. Pero sino nga ba ako para naman mauto ko siya? Hinila niya ako sa braso at saka lumapit siya sa mga kasamahan niya.
Tinulak niya ako sa harapan nila.
Natahimik naman yung mga lalaking nagtatawanan lang kanina.
Nakatakip naman yung mukha ko at nakayuko. Nakakahiya! Paano na yan! Baka ako na ang pagpyestahan nila. Oh my! kalamay!
"Naninitktik!" Sabi nung lalaking nangaladkad sa akin.
Bwiset na ito. Ginawa pa akong espiya! Sa bagay, ano nga bang ginagawa ko diba?
"H-hindi ako.." nauutal kong salita pero biglang nagsalita yung lalaking nakasando lang, blonde yung buhok niya, nakaupo siya at nakataas pa ang paa sa lamesa.
"Sinong nag-utos sa'yo?" Tumayo siya at saka lumapit sa akin.
Tumingin ako sa kanya pero natatakot na ako kaya yumuko nalang ako.
"Sabihin mo!" Hinawakan niya ako sa kamay ko na parang kakainin niya ako ng buhay. Anong gagawin ko?
"W-wala akong a-alam sa sinasabi mo."
"Hahaha, e kung ganun bakit ka nandito? Lights off na hindi ba?"
"Tama na yan King." Pigil ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanya.
"I-ikaw?" Siya yung lalaking nag ligtas sa akin nung gabing yun.
Binitiwan na ako nung King daw.
"Ako nga. Hindi ba at sinabihan na kita, kung ano man yung narinig mo kalimutan mo na, ngayon bakit ka nandito?"
Napaatras ako sa sinabi niya. Nakaramdam na ako ng takot.
"A-ano bang klaseng tao kayo? B-bakit niyo ba ginagawa ito?"
"Anong sinasabi mo?" Tanong niya.
"Pati rin ba ako papatayin niyo?" Natatakot kong sabi.
Natahimik silang lahat at ilang sandali pa ay humagalpak sila sa tawa.
"Hahahaha.... ano bang pinagsasabi niyan dude?" Tanong ng isa pa sa mga lalaking kasamahan nila. Medyo chinito siya. Lalo pang nawala yung mga mata niya ng tumawa siya.
"Oo nga. Anong papatayin? Hahahahaha" tawanan lang sila.
"T-teka! Anong ibig niyong sabihin?" Bigla silang nagsitigil sa pagtawa.
Nakakunot na ang mga noo nila sa parang sinasabing hindi nila alam ang sinasabi ko.
"H-hindi kayo pumapatay? P-pero p-paanong---" hindi ko na naituloy.
"Sino namang papatayin namin? At bakit naman? Hindi naman kami ganun kabrutal miss." Sabi nung isang lalaking nakatopless. Infairness hunk siya ah.
"Pero narinig ko kayo. Kagabi sabi niyo, nilinis niyo na yun. Hindi ba ang ibig sabihin ay pinatay niyo na yun?" Paliwanag ko.
"Ah yun ba? Hindi yun ang ibig naming sabihin. Kasi---" hindi na naituloy nung lalaking nakatopless ang sinasabi niya. Tinakpan kasi yung buong mukha niya ng kamay nung lalaking napag-untugan ko.
"Manahimik ka na Tres." Suway niya. So Tres pala ang pangalan niya.
"Ikaw. Kung ano man yung narinig mo, iba yun sa pagkakaintindi mo. Wala kaming ginagawang masama at lalong hindi kami pumapatay. Where the hell did you get that idea?!" Seryosong sabi niya.
"Mabuti pang manahimik ka na lang." Sabi naman ni King.
Atleast ngayon nalinawan na akong walang ginagawang kababalaghan itong mga lalaking ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.RoseYChick_01
YOU ARE READING
A Secret Love Story
RomanceFrom Kennelton Academy, Dirsten dreamed to be a normal teenager as the others should be without knowing the true reason behind everything. As she go along the flow of her destiny, she met a guy who had her heart beat in a million at once. But a deep...