Dirsten
Unang araw pa lang pero parang ang dami ko nang kailangang gawin. Bakit ganun wala akong maalalang kakilala ko dito. Kahit man lang isa. Kahit kapamilya ko wala akong maalala. Alien ba ako?
"Duh!" Biglang pumasok si Marie sa kwarto. Amoy yosi na naman siya.
Ibinagsak niya ang sarili sa kama niya.
"Saan ka galing? Bakit amoy sigarilyo ka?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin habang nakahiga parin.
"Tss. Jan sa labas. Wala ka na dun kung amoy yosi ako. Malamang humithit ako." Bakit ba parang galit itong isang ito?
Napahinto ako sa pagsusuklay ng buhok ko ng bigla siyang mag-salita.
"Bakit bigla ka na lang nagtransfer dito?" Tanong niya.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil wala akong maalala.
"Huh?"
"Ibig kong sabihin, bakit tinanggap ka agad ng ganun kabilis? Unfair yun ah." Sabi niya. Parang ang daming alam nito tungkol sa eskwelahang ito.
"Mapagkakatiwalaan ka ba?" Sabi ko.
Dumapa naman siya para harapin ako.
"Bakit? Ano ba yung sasabihin mo?"
"Alam mo natatakot talaga ako e." Sabi ko.
"Bakit naman?"
"Wala kasi akong maalala."
Lumapit ako sa kanya at saka ko siya binulungan.
"Hindi ko kasi alam kung bakit nandito ako. Wala talaga akong maalala."
Matapos kong ibulong sa kanya ito ay hindi mapaliwanag ang mukha niya.
Natulala lang siya saglit.
"Hahahahahaha!!"
Bigla ba namang tumawa.
"Huy! Wag mo nga akong pinagloloko. Sa'yo ako natatakot e."
Natatawang sabi niya."Bakit naman?"
"Nakakatakot ka e. Baka galing ka sa mental hospital, hahahaha.. ano ba yang pinagsasabi mo?" Inayos na niya ang kama niya ang sarili niya at kinuha ang tuwalya niya.
"Totoo yung sinasabi ko. Hindi ko nga kilala yung sarili ko e. Ako ba talaga si Dirsten?" Tanong ko.
"Hahaha.. alam mo, matulog ka na. Puyat lang yan. Sige maliligo muna ako. Nakakahiya e.. amoy yosi ako." Sabay amoy niya sa hininga niya.
Natatawa siyang pumasok nang banyo.
Bahala na nga. Kailangan kong alamin ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito at wala akong maalala.
Sa tingin ko naman isang normal na eskwelahan lang ito at hindi naman siguro ako kinidnap at dinala dito.
****
Naglakad na ako papuntang first class ko. History.
Narinig ko na ito daw ang pinakaboring na subject sabi ng ilang estudyante dito. Paano ba naman ay matandang lalaki ang teacher namin.
English speaking pa.
"Mr. Alexander! Stop yawning!" Suway ni Sir Elpidhio. Halos magkasya na kasi yung buong klase sa laki ng paghihikab ni Alexander.
Pagkatapos ng klase ay nagpunta na ako sa sunod na klase ko.
FILIPINO na ang sunod.
Masungit naman na babaeng mga Mid-30's ang teacher namin.
YOU ARE READING
A Secret Love Story
RomanceFrom Kennelton Academy, Dirsten dreamed to be a normal teenager as the others should be without knowing the true reason behind everything. As she go along the flow of her destiny, she met a guy who had her heart beat in a million at once. But a deep...