Dirsten
"I will group each of you into five. Every group consist of six members, one will be the leader." Sabi ng teacher namin. Nag assign na siya ng groupings.
Ang mga naging kagrupo ko ay sila Christie, Mon, King, Ashley, at si Zeun.
Zeun pala ang pangalan nung lalaking nagligtas sa akin nung gabing yun. Mukhang asiwa yung dalawang ako ang nakagrupo nila. Kung makatingin naman kasi parang ang laki ng kasalanan ko sa kanila. Tama, si King at si Zeun ang pinupunto ko.
"Now, choose a leader." Sabi ni sir.
"Group one?"
Nagsipagturo naman ang mga magkakagrupo kay "Flores!" Sabay-sabay pa nilang tugon.
"Group two?"
"Andy sir."
"Group three?"
Tumitig ng masama sa akin yung dalawang lalaki at saka ako tinuro. Sabay pa sila kaya sumabay na rin si Mon sa pagturo. Maliban kay Ashley.
"Ayoko.." bulong ko sa kanila. Ayoko ngang maging leader. Naku baka ako pa ang asahan nila palagi.
Nagtaas ng kamay si Ashley.
"Ako nalang p---" hindi na niya naituloy."Ok, Ms. Margaux. You're the leader." Sabi ni sir.
Dismayado ang mukha ni Ashley. Napatawa naman si Mon sa kanya.
"Group four?"
"Si Chander po."
"And last, group five?"
"Mylene po."
"Now listen to the instruction and take down all the important details i will tell you." Sabi ni sir.
"After two weeks from now, our school will be having a intermition of seniors for the arrival of alumni. These are the top class of the past ten years."
"So now, you will create a new intermition number. It needs to be original. This will serve as your project to my subject. The more presentable it is, the more high grades you'll get."
Sinabi na rin ni sir ang criteria niya sa paglalagay ng grades namin.
"We only have two weeks okay. So we have to set our practice as soon as possible." Sabi ni Ashley. Naiwan ang grupo namin ngayon dito sa loob ng classroom. Sabi kasi ni Ashley magmemeeting daw kami.
"So kailan niyo balak simulan?" Tanong ni Mon.
"I prefer magsearch muna tayo ng idea para makakuha tayo ng tema." Suggestion ko.
"Tss." Inip na nakaupo si King sa upuan niya. Kinukutkot niya yung desk.
"Nababagot na ako dito. Pwede bang bilisan niyo naman?" Sabi niya pa.
Ang yabang talaga. Kala mo naman ang laki nang maiaambag dito.
"Maghintay ka kaya. Gusto mo umalis ka na kung hindi ka makapaghintay." Tinarayan ko na siya. Nakakainis kasi kanina pang yun ang kinikilos niya. Kung ayaw niyang makipagcooperate, then he must go.
Walang anu-ano'y tumayo na siya at naglakad palabas ng classroom.
"Hayy! Kahit kailan talaga!" Palatak ni Zeun.
"Kita mo na? Umalis na tuloy siya." Nakasimangot na saad ni Ashley.
"Bakit? Sinabi ko bang gawin niya yung sinabi ko?" Sagot ko.
"Pero sinabi mo parin. Wala na tuloy siya. Kasalanan mo!"
"Ano naman? Malaking kawalan ba? Pwede namang sabihan siya pag nagkita mamaya e." Naiinis na ako sa babaeng ito a.
YOU ARE READING
A Secret Love Story
RomanceFrom Kennelton Academy, Dirsten dreamed to be a normal teenager as the others should be without knowing the true reason behind everything. As she go along the flow of her destiny, she met a guy who had her heart beat in a million at once. But a deep...