Dirsten
"Uh.. b-bakit m-mo ako hinalikan?" Wala sa sariling naitanong ko sa kanya habang hawak ko parin yung labi ko.
"Coz that's what you deserve for disobeying me." Confident na sabi niya.
Katulad lang ng una nagwalk out na siya.
Naiwan na naman akong tulala. Sino ba naman kasi yung nanghahabol sa kanya at kung makapagtago siya parang kakainin siya ng iyon.
"Ice cream nga isa." Sabi ko sa nagtitinda. Estudyante rin siya, binigay ko sa kanya yung tatlong Tokens ko. Naglakad ako hanggang makarating ako sa nagtitinda ng Cups and headbands.
"Magkano itong headband?" Tanong ko.
"Five tokens." Sabi ng nagtitinda.
"Sige kunin ko na itong isa." Sabi ko at ibinigay ko na ang limang tokens.
Sinuot ko na iyon habang kinakain ko yung ice cream ko. Paubos na rin yun dahil isang cup lang naman iyon.
May photo booth pa, lumapit din ako doon. May natitira pa palang five two tokens. Sakto pala yun para sa tatlong pictures.
Lumapit ako sa photo booth at nagselfie ako sa iba't-ibang backgrounds.
Naupo muna ako sa bench habang tinitingnan ko yung picture ko. Maliwanag ang parte ng lugar na ito dahil nasa ilalim ako ng isang lampost.
"Mas masaya siguro kung may kasama ako." Nasabi ko iyon ng may makita akong magkakaibigan na dumaan sa harapan ko.
Napansin ko rin ang ibang mga estudyante magkakasama sila. Nagkakasayahan, nagkakatuwaan.
Tumayo na ako at saka naglakad na pabalik ng kwarto ko nang madaan ko ang nagtitinda ng bracelets na gawa sa mga makikintab beeds. Parang mga birth gems.
"Bili ka na ate. Five tokens lang." Sabi niya.
Tiningnan ko lang yung nga bracelets.
"Kailan ba ang birthday mo ate?" Tanong niya.
"Uh.. kailan nga ba?" Tanong ko sa sarili ko nang mapagtantong hindi ko maalala kung kailan nga ba ang birthday ko.
"Uh, hindi ako bibili. Sige sa susunod na lang." Sabi ko.
"Sa susunod? Next year na siguro yung susunod ate." Sabi niya pero hindi ko na lang pinansin at umalis na rin ako.
"Babalik na nga lang ako sa kwarto ko."
Naglakad na ako pabalik. Nakayuko lang ako at nakapasok ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko.
Pero napahinto ako sa nakita ko.
Nakita ko yung isang lantern na lumulutang sa hangin. Hanggang sa dalawa, tatlo, apat, lima na ang nakita ko. Hindi nagtagal ay nakita ko na napakarami na ng mga sky lanterns na paakyat na sa himpapawid.
Ang ganda. Ang liwanag sa buong lugar. Iba't-ibang kulay ng sky lanterns.
Parang huminto ang lahat, parang nasa loob ako ng isang teleserye, ang ganda dito. Hindi ko akalain na mangyayari ito at makikita ko ito sa personal.
Parang lantern festival.
"Ang ganda nila hindi ba?" May biglang nagsalita sa bandang likuran ko, tumalikod ako para makita ko kung sino iyon.
Si Zeun. May hawak siyang sky lantern. Nakatingin lang ako sa aky lantern na hawak niya.
"Sabi nila kailangan munang magwish bago paliparin ang sky lantern." Sabi niya sa akin.
"Magwish ka na." Inilapit niya iyon sa akin.
Napangiti naman ako sa ginawa niya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit at magwish...
"Sana bumalik na ang ala-ala ko. Sana maalala ko na ang nakaraan ko at ang dahilan kung bakit ako nandito. Sana may pamilya pa ako."
Wala na akong pakielam kung makita man niyang lumuluha ako. Idinilat ko ang mga mata ko at saka ngumiti sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha ko.
Umaasa parin akong matupad ang hiniling ko kahit na alam kong hindi naman iyon matutupad ng isang lantern lang.
Pinalipad na niya ang lantern at pinanood naming dalawa iyong lumipad sa langit.
"Sabi nila kung maniniwala kang matutupad ang kahilingan mo, matutupad iyon." Nakangiting bigkas ni Zeun.
"Bakit?" Tanong ko.
"Huh?"
"Bakit mo binigay sa akin yung lantern mo?"
"Huh? Uh.. k-kasi, wala lang. Nakita lang kitang parang masayang tinitingnan yung mga lumilipad na lanterns. Yun, kaya lumapit ako sa'yo." Sagot niya.
"Bakit ba ang bait mo sa akin?"
"Huh? Mabait na ba iyon? Hindi ba pwedeng natutuwa lang ako sa'yo?"
"Minsan nagtataka rin ako e, kung bakit naging kaibigan mo yung mga yun." Sabi ko.
"Ah, sila King ba?"
"Oo. Lalo na siya. Parang ang sama-sama kong tao kapag kaharap niya ako. Palagi siyang nakasimangot o di naman kaya mukha siyang kakain ng tao kapag nakikita ko siya." Sabi ko.
Parang may binulong siya pero bindi ko naintindihan.
"Huh? Ano yun?"
"Ah, wala. May sasabihin sana ako sa'yo." Sabi niya.
"Ano iyon?"
"Magkapatid kami ni Zeun." Pag-amin niya.
"Huh? Talaga ba?"
"Oo, kaya wag ka nang magtaka kung palagi kaming magkasama."
"Ahh, hindi naman halata. Ang layo niyo kung ikukumpara, una---"
"Hayy, magkaiba talaga kami at hindi mo na dapat ipagkumpara yun." Bigla siyang umakbay sa akin at naglakad siya kaya naglakad din ako.
"Tara na, ihahatid na kita sa kwarto mo." Kinuha ko muna yung id ko sa token booth at saka naglakad na kaming dalawa papunta sa kwarto ko.
"Salamat ah." Tinapik ko yung braso niya.
"Ano ka ba wala yun." Nakangiting sabi niya.
"Ah, sige. Goodnight."
"Pumasok ka na. Bye." Naglakad na siya papasok ng elevator.
Wala pa si Marie, hihintayin niya pa sigurong matapos yun. Nagbihis na ako ng pantulog at nahiga sa kama.
Biglang nagflash sa isip ko yung scene kanina.
Hinalikan ako ni King...
Lubdub..lubdub..lubdub..lubdub..Ang ingay ng puso ko. Biglang lumakas ang kabog, yun na ba ang epekto ng halik noya sa akin? Pero sa halip na mainis bakit parang nagustuhan ko pa?!
Aisshh! Kung ano ano na ang pinag-iisip ko.
"Or else I'll kiss you." Hala.. bigla ko nalang naririnig.
Parang familiar yung halik na yun. Ewan, basta yung feeling iba.
Ipinikit ko na lang ang mata ko at sinubukang matulog pero ayaw akong dalawin man lang ng antok.
Napapaisip tuloy ako, ayokong gawing big deal yun kasi sa isang tulad ni King, alam kong laro lang sa kanya yun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.RoseYChick_01
YOU ARE READING
A Secret Love Story
RomanceFrom Kennelton Academy, Dirsten dreamed to be a normal teenager as the others should be without knowing the true reason behind everything. As she go along the flow of her destiny, she met a guy who had her heart beat in a million at once. But a deep...