• Thirty One

4.9K 159 46
                                    


Dalawang araw ko na ring ikinukulong yung sarili ko sa condo unit. Sinusubukan akong kausapin ni Dax pero hindi ako sumasagot. Parang wala lang akong nakikita. Kinukwento niya sakin si Jamie pero hindi ako nagsasalita.

Sobrang sama pa rin ng loob ko sa kanilang lahat. Dahil pakiramdam ko, lahat sila pinag kaisahan ako.

Alas tres pasado na pero katatapos ko lang mananghalian. Wala na rin kasi sa tamang oras yung pag gising ko at pag kain ko.

Pinagmasdan ko sa salamin ang sarili kong repleksyon. Halatang napabayaan ko ang sarili ko dahil mukha na kong losyang. Nakasoot lang ako ng manipis na tshirt at maiksing cotton shorts. Gulu gulo ang buhok at lumalim yung eyebags ko.

"Dapat pa ba kong mabuhay?" Napalunok ako sa sinabi ko sa sarili ko. "Haaay Jillian! Jillian! Jillian! Nababali--" napahinto ako sa pagsasalita dahil narinig ko yung mga tawa ni Jamie. Nung mga panahong naglalaro kami pinoy henyo. Ganung ganon yung tawa niya. Yung mga halakhak niya na ang sarap pakinggan. Miss na miss ko na siya... at bukas dadalawin ko na siya.

Napailing na lang ako at nagpunta na sa kama. Pahiga na dapat ako ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at bumungad si Dax.

"We need to go to the hospital. You have to come with me."

Dirediretso siyang lumapit sakin at hinila ako. Nagulat ako sa inakto niya kaya hindi na ko nakapag salita at nakatutol.

Nakakapanibago dahil hindi siya nag sasalita. Napakatahimik namin sa loob sa kotse. Napapalingon lingon ako sa kanya pero hindi niya pinapansin yun.

Nakarating kami sa hospital na hindi nag uusap. Kinakabahan ako habang papunta sa room niya. Hindi ko alam kung masama pa rin yung loob niya sakin dahil sa mga sinabi ko kay mama. Hindi ko rin alam kung anung ipapakitungo ko sa kanya. Kung iintindihin ko pa ba siya o magbubulagbulagan na lang ako. Iisipin ko na lang na wala siya dun.

Napangiti ako ng makita ko si Jeremy na nakatayo sa labas ng kwarto ni Jamie. Alam kong siya yun kahit na malayo pa lang. At least nandun siya. Medyo gagaan yung pakiramdam ko habang nandun ako.

"Jeremy!" Tinawag ko siya at narinig din naman niya ko. Ngumiti ako nung papaharap na siya sakin. Hindi ako nagkamali.

Pero nawala yung mga ngiting niready ko nung tuluyan na siyang nakaharap sakin. Namumula yung mga mata niya. Nakatakip yung bibig niya ng isang kamay niya na para bang pinipigilan niyang umiyak.

Kinakabahan ako habang mabagal na naglalakad papunta sa kanya. Nilingon si Dax pero umiwas siya ng tingin sakin ng magtama yung mga mata namin at hindi nakaligtas yung pagkinang ng mata niya. Alam kong luha yun...

"J-jelly..." tuluyan ng napaiyak si Jeremy ng makalapit ako sa kanya.

Nag unahan na rin magpatakan yung mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko.

Umiling iling ako at pinilit kong ngitian siya habang pinupunasan yung mga luha ko sa pisngi.

"K-kamusta ka na? Okay ka lang ba? Bakit ka--b-bakit ka umiiyak?"

"J-jillian." Hinawakan niya ko sa pisngi ko at tumingin siya sa pinto ng hospital room ni Jamie.

Dahan dahan akong pumasok at kasunod ko sila. Naririnig ko yung mga iyak ni mama.

"Jamie... nandito na si ate." napatingin siya sakin at nagliwanag yung mukha niya.

Nginitian ko siya at gumanti siya ng ngiti sakin.

"A-ate..." halos pabulong na lang yung pagtawag niya sakin. Nakangiti pa rin siya sakin. "S-sorry."

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko yung luha sa mga mata niya.

"Sshh... ako dapat yung mag sorry eh. Mahal na mahal ka ni ate ha..."

"M-mahal na mahal din kita ate..."

"S-sige na... magpahinga ka na. Nandito lang si ate sa tabi mo. H-hindi na kita iiwan. M-magpahinga ka na..."

Hinalikan ko siya noo at pinaghele. Nakangiti pa rin siya habang unti unting pumipikit. Hinawakan ko siya sa kamay at inilapit ko yung bibig ko sa tenga ko.

"I-iyakap mo ko ako kay papa ha..."

Tuluyan na kong napahagulgol ng marinig ko yung tunog ng machine. Yung nakakabinging tunog. Yung tunog na kahit kelan, hindi ko gugustuhing marinig. Kasabay nun ang tunog ng pag dadalamhati.

Patakbong lumabas si Jeremy para tumawag ng doctor. Agad namang nagpasukan yung mga doctor at nurse. Lumapit diyan siya sakin at niyakap ako. Napasubsob ako sa dibdib niya at mas lalo lang akong napaiyak.

"W-wala na si J-jamie... h-hindi na siya mahihirapan." Naramdaman ko na humigpit yung yakap niya sakin.

"Wala na siya..." napasigaw ako sobrang sakit. "H-hindi ko man lang siya n-nabigyan ng magandang-- ng magandang buhay. H-hindi ko natupad yung--yung mga p-pangako ko sa kanya."

"Anak..." Lumapit sakin si mama at yayakapin niya ko pero tinabig ko yung kamay niya.

"Anak? Anong klase kang nanay? Ha?! Kasalanan mo to! Mayaman ka diba? Marami kang pera! Pero wala kang nagawa! Wala kang ginawa! Hinayaan mo kami! Pinabayaan mo kami!"

Lumabas ako ng kwarto at naupo sa sahig... wala na yung taong pinagkukunan ko ng lakas. Siya na lang yung meron ako. Siya na lang...

Napasubsob ako sa tuhod ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin sa mga susunod na araw na walang Jamie...

May naramdaman ako ng lumapit sakin... napatingala ako at nakita ko si Dax sa harapan ko na nakaluhod.

"Nandito lang ako Jelly... hindi kita papabayaan..." halatang nagpipigil siya ng iyak at mamula mula pa yung mga mata niya.

Hinila niya ko at niyakap.

"Hindi ko ipaparamdam sayo na nag iisa ka..."

Gumaan ng konti yung pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Gumanti na din ako ng yakap dahil alam kong meron pa din akong karamay.

"Kaya natin to Jillian... basta wag kang aalis sa tabi ko..."

(c) Eilramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon