• Thirty Two

4K 109 34
                                    

Si Dax ang nag asikaso ng burol ni Jamie sa isang chapel. Hindi ko kasi alam ang mga gagawin ko. At hindi ko rin alam kung kaya ko.

Kung noong namatay si tatay, kailangan kong maging matatag dahil meron pa kong kapatid na sakin lang kumukuha ng lakas, ngayon namang nawala na si Jamie... si Dax ang naging karamay ko. Hindi rin ako pinapabayaan ni Jeremy. Araw araw din siyang nasa burol para damayan ako... para samahan.

Nandun din si mama, madalas nasa isang sulok lang siya... umiiyak mag isa. Kahit na galit ako sa kanya... hindi ko pa rin maiwasang maawa at parang dinudurog din yung puso ko pag nakikita siyang ganon. At gaya ko, si Dax lang din yung kinakapitan niya.

Busyng busy si Dax dahil ngayon na ang libing ni Jamie. Nag aasikaso siya dahil magsisimula na ang mass.

"Condolence, Jelly." Napatingala ako sa nagsalita... si Lorraine. Ngayon lang siya nagpunta sa burol.

"Thank you..." naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"No words can ease your pain, Jel. All we can do is to sympathize..."

"Jelly..." dumating si Arx at hinalikan ako sa pisngi. Nagpunta na din siya dito nung unang araw ng burol ni Jamie. "Be strong, okay? We're always here for you. Isipin mo na lang na tapos na yung paghihirap ni Jamie, at magkasama na sila ni Tito."

"Thank you Arx... thank you sa inyo. Naaappreciate ko yung pag aalala niyo sakin at pagpapagaan niyo ng loob ko."

Magsasalita pa sana ko pero dumating yung pari.

Bago pa mag start, lumabas na ko ng chapel. Ayokong makinig sa kanya. Hindi ko siya kailangan. Pinabayaan na nga niya ko eh. Bakit pa ba ko lalapit sa kanya.

Napangisi na lang ako habang tumutulo yung luha ko. Siguro kung mamamatay ako ngayon, demonyo ang sasalubong sakin.

"Nandito ka lang pala... kanina ka pa namin hinahanap."

Hindi ko na nilingon yung nagsalita para lang malaman ko kung sino siya.

"Gusto ko lang mapag isa kahit sandali."

Naramdaman ko na naupo siya sa tabi ko.

"Ganito na lang..." hinawakan ako ni Dax sa kanang braso ko kaya nilingon ko siya at hinawakan niya din yung kabilang braso ko at iniharap niya ko sa kanya. "Tutal umiiyak ka na lang din naman... oh eh di sige. Iyak!"

"Huh?"

"Umiyak ka. Yung malakas... yung todong iyak. Tapos last na yun ah. Hindi ka na ulit iiyak pa. Nadudurog yung puso ko eh..."

Napaiyak nga lalo ako sa sinabi niya. Isinandal niya ko sa dibdib niya at hinahagod hagod niya ng daliri yung ulo ko.

"Sana... sana eto na yung huling iyak mo na nasasaktan ka. Sana kung umiyak ka man sa susunod, eh dahil masaya ka. Gusto ko mang pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo, kaso naisip ko na hindi naman ako ikaw eh. Hindi ko napagdaanan yung hirap na dinanas mo... pero alam ko yung pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Pero sana marealize mo na kahit merong nawala, meron pa rin namang natira na nagmamahal sayo."

Ilang minuto din kaming magkayakap ni Dax ng lapitan kami ni Jeremy. Tapos na yung mass at eulogy kaya isasakay na yung casket ni Jamie sa funeral car.

Lumapit ako sa kabaong niya at tinignan ko siya sa huling sandali. Nakatulala lang ako habang hinahatid na namin si Jamie sa huling hantungan niya. Totoo pala na pagkasobrang iyak eh wala ng mailuha.

Nakarating kami sa memorial park at iilan na lang kami. Konti na lang yung mga taong hindi ko kilala.

Hinagisan namin ng white roses yung kabaong ni Jamie habang ibinababa na siya.

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon