"What if I'm not there?" Galit na sinabi sakin ni Dax ng makarating kami sa parking lot.
"What are you talking about?"
"About what happened earlier? For goddamn sake, Jillian! Ganon mo na lang ba kakailangan ang pera, para maging girlfriend ng isang dirty old man?"
"Akala ko ba pina-private investigate mo ko? Mukhang nag aksaya ka lang ng pera sa pagbabayad dahil mali ang information na binigay sa'yo." Yes I accept money from DOM, but it doesn't mean that they owned me. They just need me, and entertaining them is not part of my job.
"Look, I'm sorry... but next time choose your client. Nakita ko ang reaction mo kanina, you're not prepared for that kind of bullshits. Anyway, there will be no next time. If you signed the papers, you'll not make a deal with anyone."
Pag ka park niya ng sasakyan, bumaba agad ako at nag punta sa elevator. Sayang yung ipinunta ko dun! Buti na lang, nag bigay na yung matandang yun ng downpayment.
Hinintay kong makapag park si Dax at nag sabay na kaming sumakay sa elevator. Walang nagsasalita samin hanggang sa lumabas kami sa 8th flr. Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkapasok sa unit. Nag hubad agad ako at nag shower.
"Bwisit talaga!"
Pagkatapos kong mag shower, nag soot lang ako ng pom pom shorts and spaghetti strap na sando dahil sa sobrang banas ko. Lumabas ako at naabutan ko si Dax na naka short at tshirt na lang din. Pasalampak akong nahiga sa sofa at ipinatong ko yung paa ko sa sandalan ng sofa.
Naupo si Dax sa may sofa na hinihigaan ko at sinandalan niya yung legs ko.
"Pst!" Kinalabit niya ko at nung tinignan ko siya, nginitian niya ko kaya naman inirapan ko siya. "Huuy!" Inirapan ko ulit siya. "Wag ka ng magalit oh? Lika dali! Nagpadeliver ako ng pizza tapos icecream."
"Tse! Ayoko nga!"
"Dali na! kaen na tayo."
"Kumain ka mag isa mo."
Nagulat ako ng biglang humiga si Dax sa tiyan ko itinapat yung tenga niya dun.
"Ano bang ginagawa mo diyan? Dun ka nga sa kabilang sofa!"
"Gutom ka na eh!!! Sabi ng tiyan mo kruk kruk kruk. Tara na kasi. Wag ka ng magalit. Lalo kang mangangayayat niyan."Tumayo si Dax at hinila ako sa kamay at dahil gutom na nga ako, sumunod na lang ako.
Hinila niya ko papuntang kitchen at mas nagutom ako ng makita ang dalawang box ng pizza na nakaopen tapos meron na ding wine sa mesa.
Naupo na kami at nag simulang kumain. Kinuha ni Dax yung cellphone niya at umusod siya papunta sa tabi ko.
"Picture tayo. Ngiti ka dali."
Nakailang shots din kami ni Dax. Langya. Ang adik pala nito sa picture. Kalalaking tao, ang vein.
Nakakarami na ko ng kain sa pizza, pero siya isa pa lang at hindi pa nangangalahati. Puro pa rin kasi siya cellphone. Iniharap niya sakin yung cellphone niya at halos mapunit yung labi niya sa pagkakangiti.
"Tignan mo!"
Ang walanghiya... nag upload pala ng picture. At caption, nakakaloka.
"May 'With mah main' kapang nalalaman diyan. At may heart heart pa. Jusko. Pag nakita yan ni bakla at ng magulang nun, nako. Yari ako sa baklang yun."
"Wag kang mag alala. Hindi ko naman friend sa facebook yun. Actually, bilang lang sa daliri yung kamag anak ko na friend ko sa facebook. At hindi sila kasama dun."
"Kahit na no. Pano kung may nakakita saking kamag anak niyo nung wedding anniversary ng parents niya?"
"Wala yan. Wag kang mag alala."
"Siguraduhin mo lang ah! Malilintikan ako."
"Oh huh!" Tumawa ng malakas si Dax na parang nababaliw.
"Nilike ni Lorraine yung picture natin... hindi lang yun. Nagcomment pa siya."
"Ano namang sabi?"
Iniharap niya sakin yung cellphone niya at pinabasa yung comment ni Lorraine.
'Who is she, best? Is that for real? You never post pictures together with your flings. I have to meet her tomorrow."
Napairap lang ako.
"Sabi na eh... magseselos to. Sinasabi ko na nga ba. Pano ba yan? Bukas na magsisimula ang mission mo."
"Oo na. Oh siya, kwentuhan mo ko tungkol sa mga yan pati na dun sa mahal niya."
Nag make face si Dax sa sinabi ko.
"Kafling niya lang yun!"
"Ewan! Ang labo mo. Oh siya, sige na. Umpisahan na ang kwento."
"Ganito kasi yun, kababata ko si Lorraine. Classmates kami simula elementary hanggang highschool. Nung graduation nung highschool, nagtapat ako sa kanya. Sabi ko, gusto ko siya. At liligawan ko siya pag malapit na kami grumaduate sa college. Pero binasted ako. Etong pogi kong to, babastedin niya? Huh! Baka nabubulagan lang kasi yun. Tinitake for granted lang siguro nun yung feelings ko para sa kanya. Nung nag college kami, schoolmates na lang kami. Since magkaiba kami ng course, hmm, meron din pala kaming subjects na classmate kami. Basta inseparable kami nun eh. Tapos nung third year college na kami, may dumating na asungot. Tapos nagkukwento siya sakin na crush daw niya yun. Sakit men! Kala niya siguro nakalimutan ko na, na mahal ko siya. Pero ang totoo, mahal ko pa rin siya. Hinahayaan ko lang siya na mag daydream tungkol dun sa asungot na yun. Para pag dumating yung time na ikakasal na kami, may thrill ikwento yung love story namin."
"Oh ayan. Ganito bang thrill gusto mo? Yung tipong kailangan mo pa ng tulong ko at kailangan mo pang magbayad ng malaki para lang sa puppy love mo?"
"Oy! Hindi yun puppy love lang no. She's my one greatest true love."
"Ang korni mo! Kumain ka na nga lang."
"Ano pang kakainin ko? Eh inubos mo na?"
"Hoy! Ayan pa isang box oh! Ilapit mo nga sakin yan nga maubos na."
"Grabe ka! Ang lakas mong kumain, pero payatot ka pa rin!"
"Hindi ako payatot!! Sexy ako! Sexy!"
Iniabot niya sakin yung isang box ng pizza.
"Oh ayan... baka pag naubos mo yan, sumexy ka na. Magtira ka ng space sa bituka mo, may ice cream pa."
"Don't worry. Malaki ang bodega ko."
"Hindi halata."
"Nakakarami ka na ha! Sige, sasapalkan ko ng box ng pizza yang bibig mo."
"Pikong payatot."
Dinilaan ko lang siya at inirapan. Kahit sandali ko pa lang siya nakakasama, parang at home na at home na ko.
(c) Eilramisu
![](https://img.wattpad.com/cover/5502408-288-k288963.jpg)