• Eight

23.1K 316 3
                                    

"Haaay. Ganito ba talaga tong bestfriend mo Lorraine?"

"No. Actually, sa'yo lang. Nakakapanibago ah."

"Ganito talaga siguro ako pag nakita ko na yung babaeng para sakin."

Siguro kung iba yung sitwasyon namin ni Dax, kikiligin ako sa mga sinasabi niya.
Hanep tamaan ng pag ibig to. Nagiging mais sa kakornihan.

"Wag na dito babe." Hinawakan ko siya sa ilong at pinisil pisil yun. "Nakakahiya kay Lorraine. Lagi na tayong magkasama eh."

"Laging mag kasama?" Tanong ni Lorraine.

"Uh huh. Dun ako sa condo niya nakatira." Paliwanag ni Dax.

"Damn you Dax! Totoo na nga to. I'm not dreaming anymore."

"I told you." Inakbayan ako ni Dax at pinisil pisil ang braso ko. Kaya humarap ako sa kanyabat nginitian siya ng ubod tamis.

"There you are!" Nakatingin si Lorraine sa likuran namin ni Dax. "Excuse me." Tumayo siya kaya sinundan namin ng tingin ni Dax kung saan siya papunta.

"Nandito na'ng asungot, nandito na'ng asungot." Gusto kong matawa sa pagkanta ni Dax. Ang kulet lang mag selos. Parang bata. Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong kurutin siya sa pisngi. Saktong nakatingin pala si Lorraine at yung "asungot" na sinasabi ni Dax. Nakangiti si Lorraine habang tinitignan kami. Tumayo kami ni Dax at lumapit sa kanilang dalawa. Habang naglalakad kami papunta sa kanila, naka lagay yung braso niya sa bewang ko.

Hinawakan ni Lorraine sa braso yung asungot na titig na titig sakin. "Aldrin, this is Jillian, yung kinuwento ko sayo kagabi na girlfriend nitong si Dax. Jillian, this is Aldrin, kaibigan ko." Kinilig si Lorraine ng ipakilala niya si Aldrin sakin. Kerengkeng na babae.

"What's your surname, Jillian?" Tanong sakin ni Aldrin. Grabe kasi yung titig niya sakin, sobrang seryoso pa. Hindi man lang ngumingiti. Iniisip ko rin kung kilala ko siya. Baka kasi mamaya niyan, naging client ko na pala siya. Yari kami ni Dax kay Lorraine.

"Sandoval. Jillian Sandoval." Inunahan ako ni Dax sa pagsagot. Kaya nginitian ko na lang si Aldrin.

Nakita ko na unti unting lumambot yung facial expression niya. Tumingin siya sa ibang direksyon at tumawa.

"Why?" Curious na tanong ni Lorraine. Ako man eh naweirdohan kay Aldrin. Eto ata ang bipolar eh.

"May problema ba dude?" Seryosong tanong ni Dax kay Aldrin.

Tumingin sakin si Aldrin na parang hindi pa rin makapaniwala.

"Marami akong gustong itanong sa'yo, Jelly." Napakunot noo na ko sa sinabi ni Aldrin. Yung kagwapuhan niya, napalitan ng creepiness.

"Like what? Have we met before?" Tanong ko sa kanya.

"Arx, Jelly. Ako si Arx! Marx Aldrin Servantes."

Literal akong napanganga at nanlaki talaga ang mga mata ko sa narinig ko.

"Arx..." halos pabulong ko na lang nabanggit yung pangalan niya dahil gustong sumabog ng puso ko sa tuwa.

Lumapit sakin si Arx at niyakap ako. Tuluyan na kong umiyak nung nayakap ko siya. May naramdaman din ako na parang may tumulo sa balikat ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan niya ko sa noo.  Halo halong emosyon yung nararamdaman ko sa mga oras na to.

"So... you know each other huh." Sabi ni Lorraine. Halata sa tono ng boses niya na naghahanap siya ng kasagutan.

Tumango tango si Arx habang magkayakap kami. Binuhat niya ko at inikot kaya napatili ako habang tumatawa. Nung binaba niya ko, bumitaw siya sa pagkakayakap. Nagpunas naman ako ng luha ko.

Nung napatingin ako kay Dax, seryoso lang siya. Si Lorraine naman, nakoconfuse.

Nilapitan ko si Dax at inakbayan siya. Muntik ko na kasing makalimutan na trabaho pala ang ipinunta ko dito.

"Babe, si Arx, bestfriend ko siya nung highschool."

"That explains why."

"Sorry dude. Bigla kasing naglaho yan si Jelly nung highschool kami, kaya hindi ako makapaniwala na dito lang pala kami magkikita."

Tumango lang si Dax at humarap siya sakin. Pinunasan niya pa ulit yung luha sa pisngi ko gamit yung thumb finger niya.

"Ang mabuti pa, sa dining na natin ituloy yung kwentuhan natin." Ngumiti si Lorraine kahit na kita sa mga mata niya yung selos. Tumalikod siya at naunang mag lakad. Tahimik lang kaming sumunod sa kanya.

Tanging tunog lang ng mga kubyertos yung maririnig habang kumakain kami. Medyo naging awkward yung ambiance dahil sa scene na ginawa namin ni Arx kanina.

"Babe try this chicken cordon." Naglagay ng maliit na chicken meat si Dax sa plato ko.

"Thank you." Nakita ko na tinidor at ginagamit niya sa pagtanggal ng balat ng shrimp. "Let me do it for you." Kinuha ko yung shrimp sa plato niya using spoon. Tinanggal yung balat ng shrimp at inipon yung meat sa gilid ng plato ko. Kumuha ako ng isa gamit yung kamay ko at itinapat yun kay Dax, kinain niya agad tapos sumenyas siya na isa pa. Kaya kumuha ulit ako ng hipon at itinapat yun sa bibig niya, nung isusubo na niya, bigla kong nilayo at kinain ko.

"Awww. Ang sarap niyong tignan na dalawa. Ang sweet sweet niyo." Komento ni Lorraine. Nginitian ko na lang siya. Napatingin ako kay Arx na seryosong nakatingin saming dalawa ni Dax kaya nailang nanaman ako.

"Kwento niyo naman kung saan kayo nagkakilala, Dax, Jelly."

"Nagkakilala kami sa isang party. I saw him first in a dark spot, with a girl. They're making out."

"Ay Dax... ang panget ng first impression. Ikaw naman kasi, sinasabihan na kita noon na itigil mo na yang fling fling na yan. Dahil baka pag nakita ka ng girl na meant for you eh nakikipag make out ka. Hindi nga ako nagkamali."

Tumawa lang si Dax sa sermon ni Lorraine sa kanya.

"Then, yung mutual friend namin, pinakilala kami sa isa't isa. Tapos hindi na niya ko nilubayan. Hanggang sa lumapit sa kanya yung ka make out niya. Niyayaya siya for round two. Then he immediately dump the girl and he never leave my side. That's month ago."

"Saglit pa lang pala kayo magkakilala. Mag iingat ka kay Dax, Jelly." Warning sakin ni Lorraine.

"Grabe. Hindi ko naman itutulad si Jelly sa ibang babaeng nagdaan sa kamay ko."

"Hindi ka diyan! Eh nakitira ka na nga sa condo niya eh."

"That's true. Pero walang nangyayari. Magkahiwala kami ng room. We never make out. Gusto kong patunayan sa kanya na iba siya sa mga nakakaflirt ko."

"Oops. Cupid really hits you hard, best."

"Indeed. I wanna see her everyday, every hour, every minute and every second. Kaya dun ako sa condo niya nag istay."

"Siya rin yung nagluluto at naglilinis."

"Because I want to serve you." Nakangiting tumingin sakin si Dax at kinindatan ako. Bigla namang kumalabog yung puso ko.

"Last night, may pinuntahan kaming party. Nabadtrip ako sa kanya, hindi rin kami nakakain dun. Kaya ang ginawa niya, nagpadeliver siya ng pizza at binilhan ako nung icecream."

"Yun yung pinost mo na mga pictures, best?"

"Exactly. I had to make an effort, dahil kung hindi, baka hanggang ngayon tigre to."

"Ang swerte swerte mo, Jelly. Hindi naging ganyan sakin si Dax eh. Kuripot yan."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Lorraine. Kaya pala... kaya pala. Ni hindi man lang ata naging sweet to. Hindi man lang nag pafall.

"Babe, magkwento naman kayo ni Aldrin ng tungkol sa inyo." Napalunok ako ng bigla akong isalang ni Dax sa ganitong sitwasyon. Parang hindi ko na ata kayang gawin yung trabaho... hindi ko ata kayang gamitin si Arx para lang masaktan si Lorraine at to the rescue naman ang bestfriend niya.

(c) Eilramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon