• Four

31.5K 390 4
                                    

"Hindi ka kaya mangati sa mga damit na to?" Nakangiwing tanong sakin ni Dax.

"Hindi. Nilalabhan ko namamng mabuti. Isang gamitan ko lang naman. After non, hindi ko na ulit isinusuot. Oh ano? Alin ang mas okay? Etong royal blue or etong black?"

"Paano ko malalaman? Eh hindi mo naman sinusukat?"

"K. Fine. Diyan ka lang ah?"

"Oo na. Hihintayin kita."

Kinindatan ko siya nung sinabi niyang hihintayin daw niya ko.

Pumasok na ko sa loob ng fitting room at isinoot yung royal blue na dress, flowing lang yung tela niya, hanggang kalahati lang ng legs ko yung haba. Ganon din kahaba yung black, ang difference lang, mukhang fit na fit sakin yun.

Tinali ko lang yung buhok ko at lumabas na kong fitting room.

"Ano okay ba to?" Naabutan kong naka crossed arms si Dax, mukhang inip na inip na.

Tinignan niya ko at pinagmasdan, sumenyas siya sakin na umikot kaya, umikot ako. Kaso napalakas ata yung pag ikot ko sa sarili ko... naramdaman ko na nakahawak na sa magkabilang legs ko si Dax.

"Pwede ka naman sigurong umikot ng dahan dahan. Nakikitaan ka sa ginagawa mo."

Kinilabutan ako sa pag sasalita niya sa tapat ng tenga ko, kanina naaamoy ko na yung pabango niya, kaso kakaiba pala yung amoy niya pag sobrang lapit... mas mabango, mas manly. No doubt, he can lure any girls he want.

Gumapang yung dalawa niyang kamay papunta sa braso ko, lahat ng mga balahibong nadadaanan niya, parang natutumba lahat dahil sa init ng palad niya.

"Magpalit ka na..." yung boses niya, masyadong husky, parang bagong gising, ang sarap pakinggan "...hindi bagay sa'yo yan." Marahan niya kong itinulak papasok sa malaiit na fitting room. Natauhan lang ako nung isara na niya ang pinto.

Para kong kandila na unti unting natutunaw. Shit! Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng fitting room, okay naman yung damit!! Bagay naman sakin! Damuhong yun!!

Hinubad ko na yung royal blue na dress at sinuot yung black. Saktong sakto yung fit sakin, parang pinatahi ko, parang pasadya. Plain black lang yung dress at may pink sa sa may tiyan at merong pink na ribbon sa likod.

Yung royal blue na lang siguro yung susuotin ko, pero bibilhin ko na lang din to..

Binayaran ko na yung dalawang dress at naghanap na lang ako ng shoes na babagay sa royal blue dress.

Pagkatapos nun, umalis na din kami. Kanina pa walang imik si Dax, at nakakapanibago yun. Kasi madaldal siya at matanong. Gaya nung unang beses kaming nagkita, na black mail niya ko kaagad, wala pa ring alam si Jeremy na nadagdagan yung taong nakakaalam ng totoo niyang pagkatao.

"We're here." Bumaba na ko ng kotse nung sinabi niya yun. "Let's go." Nasa carpark kami at kinailangan pa naming mag elevator, nasa 8th floor ng building na to yung unit niya.

Nung iniopen niya yung unit niya, na-amaze ako. Ang ganda kasi eh... isang unit pa lang kasi yung napupuntahan ko, yung kay Jer. Pero iba to. Mas maganda at mas malaki to. Earth tone ang kulay ng buong living room, feeling ko pati kitchen at buong bahay, iisa lang ang kulay. Fully furnished na yung bahay, at organized.

"This will be your new home."

Hindi ko pinansin yung sinabi niya, busy kasi ako sa pag wa-wander. May mezzanine din yung unit, kaya nag mukhang maluwag.

"Kailan mo gustong lumipat dito? Gusto mamaya kunin na natin yung gamit mo, para makalipat ka na agad. Hindi ka bagay sa ganung lugar, believe me."

"Akin na!" Naglahad ako sa kanya ng kamay at nakatingin lang siya sakin. "Huy! Akin na nga sabi."

"Alin? Etong key? Yung duplicate ang ibib--"

"Hindi yun..."

"Eh ano?"

"My Gosh Dax! Makikipag deal ka ng wala kang kontrata?"

"Kailangan pa ba yun?"

"Of course! Unit, allowance, at kotse mo ang nakataya dito!"

"Mukha namang hindi ka sisira sa usapan..." nagpunta siya sa sofa at nahiga. "Isa pa, almost 7 years na kayong mag kaibigan ni Jeremy... sapat na yun."

"Pero ikaw... nung isang linggo lang tayo nagkakilala... second time pa lang ngayon nating pag mi-meet. Mamaya bipolar ka pala, tapus ipaharang mo ko sa guard at hindi na ko makapasok sa unit na to!"

"You're overthinking things."

"Ah basta! I need a contract a right now!"

"Fine. Pero wag ngayon... ipapaayos ko pa sa lawyer ko."

"Okay..." naupo din ako sa kabilang sofa. "Ano pa lang trabaho ko?"

Tinitigan ako ni Dax at umayos siya ng upo.

"I'm in love with this girl since forever... but she can't reciprocate that, she love someone else who doesn't love her back, though. And I want you to ruin someone's life."

(c) Eilramisu

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon