• Thirty Five

4.9K 109 51
                                    

Abala ako sa paglilinis ng unit dahil lilipat na kami sa bahay ni mama sa susunod na araw. Kokonti lang naman yung mga gamit ko kaya inuna kong gawin yun. Nakaready na rin yung mga gamit ni Dax dahil tinulungan ko siya kagabi sa paglalagay sa bag.

Iniisip kong parentahan tong unit since wala pa namang titira. Para magkaroon din ako ng monthly income. Nakakahiya din kasing umasa kay mama at kay Dax. Tutal sakin naman na tong unit. Nakapangalan na sakin.

Itinabi ko na muna yung vacuum sa gilid dahil may nag doorbell. Pupunta na sana ko sa pinto pero nag ring din bigla yung phone ko kaya yun muna ang dinampot ko. Pangalan ni Arx yung nag faflash sa screen kaya sinagot ko na muna.

"Hi Jellyace! Good morning!"

"Umm Arx. Napatawag ka?"

"Can you open the door for me please? Medyo mabigat yung dala ko."

"Oh! Ikaw yung nag dudoorbell?" Nagmadali ako sa pagpunta sa pinto para buksan yun.

"Yeah." Tumango tango si Arx sa harapan ko habang may sumisilay na ngiti sa labi niya.

Niluwagan ko yung pagbukas ko sa pinto para makapasok siya. May bitbit siyang pizza at sa ibabaw nun ay may maliit na bilao, sa kabila naman ay meron siyang hawak na clear na plastic na icecream ang nakalagay.

"Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin kaya nag order ako ng pizza at palabok and icecream for dessert."

"Ang dami nito Arx. Hindi ka na sana nag abala pa. And dapat nagsabi ka na pupunta ka para nakapag luto ako." Sinarado ko na yung pinto at kinuha ko sa kanya yung bilao ng palabok. Nakasunod siya sakin sa dining.

"Maaabala ka pa..."

Pagkalapag namin ng mga pagkain sa mesa, nagulat ako dahil bigla akong hinila ni Arx palapit sa kanya at niyakap ako.

Dahil sa gulat ay hindi ko na nagawang yakapin din siya pabalik.

"I hope you're okay now."

"I am, Arx... I feel better now."

Niluwagan niya yung pagkakayakap sakin at hinawakan niya ko sa magkabilang siko ko. Para kong malalagutan ng hininga nung unti unting lumapit yung mukha niya sa mukha ko.

I certainly know this move... pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Nang malapit na yung labi niya sa labi ko, napapikit ako ng madiin.

I don't want this to happen. I don't want him to kiss me pero hindi ako makagalaw. Para kong naparalyzed sa kinatatayuan ko.

Napamulat ako ng mariin siyang suminghap. Nakabaling yung ulo niya sa ibang direksyon habang nakapikit.

Nang lingunin niya ko, matamlay niya kong nginitian at hinalikan sa noo.

Inayos ko na yung mga pagkaing dala niya. Inilagay ko na muna sa freezer yung icecream.

"Arx kung gusto mo, sa sala na lang natin kainin tong pizza." Tinanguan lang niya ko kaya Iniabot ko na sa kanya yung isang plate at tinidor. Kumuha siya ng konting palabok at binitbit niya na palabas ng kitchen yung pizza.

Dun lang ako nakahinga ng maayos nung mag isa na lang ako sa kitchen. Parang bigla kasing sumikip to para saming dalawa.

Lumabas ako ng kitchen bitbit ang isang tray na may lamang juice at baso. Naabutan ko si Arx na nanunuod ng tv.

"Pasensya ka na, binuksan ko na yung tv."

"Okay lang." inilapag ko sa harapan niya yung juice kaya napatingin siya sakin at nginitian ako. "Lilipat na pala kami ni Dax..."

Napakunot siya ng noo at ininom yung juice na binigay ko.

"Saan? Bakit kayo lilipat?"

"Sa bahay ni mama. Pinakiusapan niya ko na dun na daw kami tumira. Tumatanda na rin siya kaya pinagbigyan ko na."

"Siguro naman makakadalaw pa rin ako dun diba?"

"H-ha? Oo naman! Welcome ka dun." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang hindi komportable yung pakiramdam ko kay Arx. Parang bigla akong naintimidate sa presence niya.

"Mas mabuti yung ganon. Atleast may mga kasama na kayo sa bahay. Hindi yung ganito... dalawa lang kayo ni Dax."

Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa mga sinabi ni Arx. Sht! Bakit niya sasabihin yung ganong bagay?

"M-magkahiwalay naman kami ng room kahit magkasama kami sa iisang unit." Bakit ba ko nag e-explain? Hindi ko naman kailangang mag explain eh!

"Kahit na..." nilingon niya lang ako sandali at binaling na ulit niya yung atensyon niya sa tv.

Kumain na lang din ako ng pizza para hindi niya mahalata na bigla akong naawkward sa presence niya.

"What's your plan?"

"Huh? Saan?"

"Are you going to study or work?

"Gusto kong tapusin yung pag aaral ko. As a matter of fact, sasamahan ako ni Dax na mag asikaso sa school ko dati."

"That's good. Ilang years na lang ba dapat mong bunuin?"

"Two years... plano ko din ngang mag working student. Ayokong umasa lang kay mama o kaya kay Dax."

Tumingin siya sakin at nilagay niya yung kamay niya sa leeg niya at diretso akong tinitigan sa mga mata. Nakita ko na nag galawan yung ugat sa braso niya.

Sht! Bakit ko nararamdaman to!!

"Working student? I can do something about that."

"N-nakakahiya Arx! Wag na.."

"Ngayon ka pa ba mahihiya sakin? Parang wala tayong pinagsamahan ah."

"Umm plano pa lang naman yun. Wala pang kasiguraduhan."

"Well, kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ngang mag aral ka na lang. Para hindi mahati yung focus mo."

"I'll take note of that."

"Wait... you have something on your chin."

Agad kong hinawakan ang baba ko at pinunasan yun. Nakakahiya kasi. Baka katawatawa na pala yung itsura ko.

"Let me..." naramdaman ko na lang yung mga daliri niya sa panga ko at yung thumb finger niya ay humahaplos na sa gilid ng labi ko.

"W-wala na ba?"

Umiiling siya habang nakangiti.

Tahimik na lang akong kumain habang nanunuod ng tv. Napapansin ko na panay ang lingon niya sakin. Pero binalewala ko na lang yun dahil parang merong kung anong naghahabulan sa dibdib ko.

Bakit ganito? Bakit ganito yung pakiramdam ko ngayon pag kasama ko si Arx? Anong nagyari!

Naputol ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ni Arx. Agad niyang kinuha yun para sagutin.

"Excuse me..." tumayo siya at naglakad palayo sa kinauupuan. Hininaan ko na lang yung volume ng tv para mas marinig niya yung kausap niya. "I'll be there Raine... yes... I'm on my way. Bye."

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot dahil paalis na si Arx. Siguro si Lorraine yung kausap niya. Kung tama nga yung hinala ko, ewan ko kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng inggit sa kanya.

"Jellyace... sorry, I have to go for now. Please call me and text me your new address, alright?"

Tumayo ako para ihatid siya sa pintuan. Tahimik ko siyang nilagpasan at binuksan ko ang pinto.

"Okay lang, Arx... thank you sa pagbisita."

Naglakad siya palapit sakin at hinila niya ko para yakapin. Kinilabutan ako nung bumulong siya...

"I still love you Jel... I've never stopped loving you..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon