Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa glassdoor sa may terrace. Napabalikwas ako ng bangon dahil naalala ko si Jamie.Pasado alas nuwebe na din kaya nag madali na kong mag ayos. Tinignan ko yung cellphone ko at merong ilang text galing kay Arx. Inaupdate niya lang ako sa mga check ups na ginagawa kay Jamie.
Naglagay din ako ng mga gamit ko sa bag. Dinamihan ko na dahil ako na ang magbabantay sa kapatid ko. At hindi ko muna siya papalabasin dun kahit na sabihin ng doktor na pwede na.
Paglabas ko ng kwarto, hinanap kagad ng mata ko si Dax. Pero hindi ko naramdaman yung presence niya kaya nagpunta na lang ako sa dining, at meron nga siyang note na iniwan.
Nagluto na rin siya ng breakfast para sakin. Yun nga lang, maghapon daw siyang wala kaya magpahinga na muna ko dito at kukuha siya ng private nurse para kay Jamie. At dadaanan na niya ko mamayang alas kwatro dito papuntang hospital.
Tatawagan ko sana siya para sabihing wag na, pero baka nasa importanteng meeting siya at makaistorbo lang ako.
Kumain na lang ako ng breakfast at nag ayos na para umalis. Hindi ko na mahihintay na mag alas kwatro. Masyado na ring nakakahiya kay Arx.
Past 12 na ng makarating ako sa hospital. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba. Sinusubukan kong tawagan yung number ni Arx, pero hindi siya sumasagot at wala din siyang text.
Kinakabahan ako pero alam ko, walang nangyaring masama. Basta iba lang yung kaba ko.
Huminga muna ko ng malalim bago ko buksan ang pinto ng room ni Jamie... at nabigla ako sa nakita ko.
Si Arx, nakatayo sa may tabing bintana. Nakaupo sa tabi niya si Lorraine. Si Dax naman ay nasa kabilang gilid. Hawak hawak niya ang magkabilang braso ng isang babae na humihikbi.
Nilakasan ko ng konti ang pagsarado sa pinto para malaman nila na nandito ako. At lahat sila napalingon sakin, pero sa isang tao lang ako tumingin. Hinihintay kong makita kung sino siya.
"J-jelly..." hindi ko pinansin ang pagtawag sakin ni Dax.
"Lalabas na muna kami Dax... Tara Arx."
Pagkadaan ni Lorraine, hinawakan ako sa kamay ni Arx at pinisil niya. Pero hindi ko sila inintindi. Hinayaan ko lang sila hanggang makalabas sila ng kwarto.
Tumayo yung babaeng hawak hawak ni Dax sa braso at dahan dahan siyang humarap sakin at dun... dun nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko ng makita ko kung sino siya. Nanginig yung mga tuhod ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong sumigaw.
"Jelly, anak..." lumapit siya sakin pero umatras ako.
"Anak? Anong karapatan mong tawagin akong anak? Inabanduna mo kami oh! Tapos bigla ka na lang susulpot! Para ano pa??"
"Jillian, magpapaliwanag a--"
"Bakit ngayon pa?! Mababago ba niyang paliwanag mo yung kamiserablehang nangyari sa buhay namin nung mga panahong wala ka?"
"Hindi mo naiintindihan anak..."
"Hindi ko naiintindihan kasi hindi mo ipinaintindi! Bigla ka na lang nawala. Hindi ka man lang nagpaalam. Sana hindi ka na lang bumalik! Kasi alam mo? Para sakin, patay ka na! Sana nga namatay ka na lang! Sana ikaw na lang! Sana hindi si papa!!"
"Jelly! Wag mo namang pagsalitaan ng ganyan si mom-- si Tita Jena!"
Inisip ko kung saan ko narinig yung pangalan na yun. Tita Jena...