• Seventeen

18.6K 335 31
                                    


Gaya nga sinabi ko kay Dax, ako ang mag babantay kay Jamie sa hospital. Hiniling ko na sa kanya yung weekend as my day off. As if namang katulong ang role ko sa buhay niya at kailangan ko ng day off. Kung tutuusin, sobrang sobra yung kabayaran niya sa gagawin ko. 

Sino bang mag ooffer sakin ng condo unit at brand new car para lang makuha yung puso ng babaeng gusto niya? Wala... wala ng ganon.

Kung tutuusin, pwede niyang ilure si Lorraine using his money. He could've just showered her flowers, fatten her out with lots of chocolates and even tour her around the world.

I sighed when I saw Jamie sleeping. Siya na lang naman yung nag papalakas ng loob ko. Siya yung dahilan kung bakit ko tinanggap yung offer ni Dax. I'm thinking about her health... and welfare. Well, if He will permit Jamie to stay longer, meron siyang maayos na matitirahan.

"Jamie... please don't leave ate, okay?" I combed my fingers in her thin hair and kissed her hand.

Naaawa ako pag nakikita ko yung pisngi niya na lubog na. Yung balat niya na nag cocolor violet at yung labi niya na maputla.

Kinuha ko yung cellphone ko na nasa loob ng bag dahil nag riring. I saw Dax's name on the screen kaya sinagot ko.

"How are you?" He asked.

"Not okay..."

"Not feeling well?"

"I am Dax... but seeing Jamie in this situation..." I bite my lower lip because my voice is shaking.

"Leave everything to God, Jil."

Guess what Dax... that's what I did long time ago, and this is what exactly happened.

"I have to hang up now, Dax."

"Okay... ikamusta mo ko kay Jamie ah." Papatayin ko na sana yung tawag pero nakainig ako ng paulit ulit na busina. "Wait, nag dadrive ka?"

"Ah huh."

"Bakit hindi ka pa nakakauwi? Hapon na oh. Kaninang umaga mo pa ko naihatid dito." My lips twitched when I realize I sound like a worried girlfriend.

"I'm on my way to a hotel."

"Hotel? Why?"

"Mag checheck in."

"Check in? Why?"

"Stop asking, Jil. Wala naman akong ichecheck in na ibang babae. Don't worry."

"Lul, Dax! I'm just concerned about my unit. Sinong tatao dun?"

"Hindi naman tatakbo yun."

"Dax!! Seriously! Pano kung looban yun?"

"Walang gagawa nun. Isa pa, maraming cctv yung hallway. Leave it to the management."

"Siguraduhin mo lang ah!!"

"Hey! There's nothing to worry about. Mag checheck in na ko. Bye for now. I will call you later." May sasabihin pa sana ko sa kanyan pero inend na niya yung call.

Naku Dax! Naku talaga!!

"Ate..." ibinalik ko yung phone sa bag ko at hinarap si Jamie.

"Yes? Do you want anything? Are you hungry?

"Busog pa ko... sigurado ka ba ate na nandito ka lang ngayong weekend?"

"Umm. Gusto kitang alagaan."

Bayarang Babae (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon