Chapter 2

714 41 7
                                    

Ryan's POV:

"Kuya, hindi mo ba talaga kami ihahatid kahit sa airport lang?"

Tanong sakin ni Danielle, nginitian ko sya at ginulo ng konti amg buhok nya.

"Matatanda na kayo. Kaya nyo na yan, atsaka gaya ng sabi ko, may mga bagay pa kong tatapusin. Busy ang kuya mo Danielle."

May halong pabiro kong sabi, nakita kong sumimangot sya ngunit ngumiti rin.

"Bisitahin mo kami sa pinas, or bibisitahin kita"

Nakangiti nyang sabi sakin, napatingin ako kay Marco na nasa likuran nya lang, napatingin rin sya sakin.

"Tara na Kirsten."

Tinignan ko ulit si Danielle at napatingin naman sya kay Marco na tumawag sa kanya,

"Eto na"

Bago sumakay sa sasakyan ay niyakap ako ni Danielle sabay sabing

"Mag iingat ka, mamimiss kita. Bisitahin mo talaga ako ah? Bye kuya."

Bago sya sumakay sa sasakyan ay tinignan nya ko saking mga mata at nginitian.

Sana lang kaya kong mapanatili ang ngiti na yun sa mga labi niya, wala na naman akong nagawa.

Unti unting nawawala saking paningin ang papalayong kotse, ang magagawa ko na lang ay ang ipagdasal na wag matulad sakin si Danielle.

Pumasok na ako sa bahay at dumeretso sa aking kwarto, umupo ako sa aking kama at napatingin sa litratong nakalagay sa isang mesa.

"Maria"

(Take note, si Maria po ay hindi si Maria doon sa PBB na sumali sa pageant. Paalala lang hahaha)

Bigla kong naalala kung paano ko sya unang nakilala. Buhat ng isang misyon, ako ay napunta sa mundo  ng mga mortal, kailangan ko matutunan kong pano sila nabubuhay o pano sila namumuhay.

Hubo't hubad akong napadpad sa lugar na hindi ko alam at sinuot ang damit na hindi ko kilala kung kanino.

Flashback----------

"Nasaan ba ako? Higit na kakaiba eto sa mundong pinanggalingan ko"

Suot suot ang damit na nakita ko lang sa isang espasyo ay nilibot ko ang maliit na kwarto kung saan napadpad ako.

"Pano ba makalabas dito?"

Gulong-gulo ang utak ko, ng biglang magbukas ang isang pinto sa gilid at pumasok ang isang babaeng napakaganda. Tao rin ba sya?

Naglakad sya papalapit sakin at tinignan ako, napatingin sya sa bandang kaliwang dibdib ako at napangiti.

Ang pinakamagandang ngiti na nakita ko.

"So ikaw yung bagong waiter? Kanina pa kita hinahanap, marami pa tayong gagawin."

Bagong waiter? Anong ibig nyang sabihin?

"Magbubukas na tayo maya maya lang, nahihiya ka bang lumabas? Wag kang mag alala mababait ang mga kasamahan mo"

Nakangiti pa rin sya sakin.

Napataas ang kilay ko, at mas nalilito ako. Anong pinagsasabi ng babaeng ito?

"Ay oo nga pala, nalilito ka ba? Di mo ko kilala? Ako si Mandy Ree Barber, Maria for short, yun ang kadalasang tinatawag sakin. Ako ang manager ng Resto Bar nato. At ikaw si Ryan Delavin di ba? Nakalagay sa name plate mo"

Chasing A Stranger Back (Beautiful Stranger Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon