Chapter 15:

523 44 9
                                    

Third Person's POV:

(The day when Edward and Kisses was having lunch in the rooftop)

"What are you saying?"

Tanong ni Edward kay Heaven sa kabilang linya.

[Why are you making me say it twice? I might change my mind]

Sagot naman ni Heaven kay Edward, kahit masakit man sa puso ni Heaven ay napag desisyonan nya ng bitawan si Edward.

Mahigit tatlong taon na s'yang parang aso na sunod ng sunod sa amo sa likod ni Edward, mahal nya ang binata pero gusto n'yang matutunang mas mahalin ang sarili niya.

"What's with this sudden break up? What's your plan?"

[Ayaw mo ba? The plan is that I should love myself more, nagmumukha na'kong tanga Edward. Masakit na ]

Napatahimik ang binata sa kabilang linya, matagal nya ng gustong si Heaven mismo ang makipaghiwalay sa kanya.

"Why are you saying this to me on the phone?, we can talk personally about this"

Napalingon si Edward sa likod nya kung saan nandoon ang pinto papuntang rooftop,

[At ano? Ipakita sayong nasasaktan ako? Na umiiyak ako? 'Wag na.]

Napasuklay si Edward sa buhok niya gamit ang kanyang kamay, 'di niya alam kung ano bang dapat n'yang gawin.

"Sa'n ka? Pupuntahan kita, we need to talk th----"

[Edward...listen, i'm really setting you free. We don't need to meet, I wan't you to find your own happiness as I find mine. Sa pinangagawa natin, we're both hurting each other.  So, let's stop this, i'm serious. Bye. ]

'Di na nakasagot si Edward dahil binabaan na s'ya ng telepono ni Heaven. Napasandal siya sa pader na kaharap n'ya lang kanina.

Napahinga siya ng malalim.
Plano n'ya na sanang bumalik sa taas ng rooftop nang biglang nag-vibrate ang phone niya.

Nakatanggap sya ng mensahe galing sa numerong hindi naman naka-save sa phonebook niya.

Binuksan n'ya ang text message ,

-----------------
From: 09*********

Surprise!

-----------------

Ipinagtaka niya naman ang natanggap na mensahe,

"Surprise?"

Salitang lumabas sa bibig niya nang basahin niya ulit yung mensahe, napaisip siya kung anong surprise nang biglang nag-vibrate ulit ang phone niya.

Another message from the same number, binuksan niya ito at ganun na lang ang panglalaki ng mga mata niya nang makita ang mga litratong senend sakanya galing sa number na iyon.

"W-who the hell is this? W-what the f*ck does this mean? Where did this person got this pictures?"

Parang mabibitawan niya ang cellphone na hawak hawak niya sa kamay, agad siyang napatingin sa pinto ng rooftop at akmang babalik na doon, patakbo na siya pabalik doon nang makatanggap ulit siya ng mensahe.

------------------
From: 09*********

Don't even try or else...

------------------

Nanginginig si Edward habang binabasa ang text message, nilibot niya nang tingin ang buong paligid, pero wala namang ibang tao.

Chasing A Stranger Back (Beautiful Stranger Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon