Chapter 14:

568 49 11
                                    

Kisses' POV:

Nasa harap na kami ni Joao sa hotel na pinagtutuluyan ko,
Nasa loob parin kami ng kotse na sumundo sa kanya.

"Dito ka na nakatira muna?"

Tanong nya habang nakatingin sa labas,

"Oo, bisita ka minsan"

"Sige ba, "

Natutuwa nyang sabi,

"Salamat sa paghatid sakin, masaya talaga kong nakabalik ka na"

Ngumiti sya sakin,

"Masaya rin akong nakita kita ulit."

Ngumiti ako, binuksan ko na yung pinto ng kotse at lumabas.

"Bye"

Pamamaalam ko, isasara ko na sana ang pinto nung kotse ng bigla nyang inabot sakin ang mga bulaklak na binili nya kanina.

Nagtataka akong nakatingin sakanya,

"Para sayo"

Para sakin?

"Haha ano ka ba, baka magalit pagbibigyan mo nyan kasi binibigay mo sakin"

"Para sayo talaga yan"

Tinignan ko yung mga bulaklak tas kay Joao,

"Si-sigurado ka?"

Tumango sya at ngumiti, nagdadalawang isip kong kinuha yung bulaklak kay Joao,

"Salamat dito, "

Inamoy ko yung rosas at napakabango nito,

Sumagi bigla sa isip ko baka pwede ayain ko si Joao sa loob ng room ko pero bigla ko ring naisip na baka pagod sya at kailangan nga muna magpahinga.

"Gaya ng sabi ko, bisita ka, marunong nako magluto, ipagluluto kita ng masarap"

"Aasahan ko yan, baka araw araw pa nga ko bumisita"

Natatawa nyang sabi,

"Hahaha welcome ka anytime"

Pagkatapos nun ay nagkatitigan kami, bat parang biglaang awkward?

Nagkatinginan kami mata sa mata,

"Ah? Sige, una na ko."

Itinaas ko ang kanang kamay ko,

"Sige, bye."

Ngumiti sya sakin at sya na ang nagsara ng pinto, binuksan nya yung window shield ng kotse at nag wave sya sakin.

I waved back at him,

Tinitignan ko paalis yung kotse, napahawak ako ng mahigpit sa hawakan nung bulaklak,

I just felt weird after that woman said na nanggaling na ako sa flower shop na yun.

Pumasok nako sa hotel at sumakay ng elevator pataas sa floor ng room ko.

Habang palabas ako sa elevator papunta sa room ko ay nakangiti akong nakatingin sa mga bulaklak.

Napahawak ako sa dibdib ko, i feel weird.

Pag angat ko ng aking tingin ay mayroong nakasandal doon sa gilid ng pintoan ng room ko.

"Sino yan?"

Tanong ko sa aking sarili, dahan dahan akong naglakad papunta sa room ko, mukhang napansin ako nung nakasandal kay umayos sya ng tayo, at doon ko sya nakilala.

"Edward?"

Kaya pala ang balot na balot nya.

Parang bigla akong sumaya nung nakita ko sya, pumunta ako sa harap nya,

Chasing A Stranger Back (Beautiful Stranger Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon