PLAYBOY MEETS PLAYGIRL

2K 42 5
                                    

Playboy meets Playgirl

Written by: issa_gokou

----------------

Prologue

JAN CEDRICK'S POV

First day ng pagiging Senior High School student ko bukas. Yeah, you've read it right, ang batch namin ang kauna-unanahang tinapatan ng K+12 Curriculum, kaya hindi pa rin ako makakaalis sa pagiging high school.

Haay., tapos na ang summer break, pasukan na naman, limitado na naman ang pagha-happy-happy ko. Tssss. Bilis ng araw, kainis!!.

Napatingin ako sa babaeng katabi ko ng maramdaman ko ang labi nya sa leeg ko. Napangiti naman ako.

"You like that huh?" malanding sabi ni Dianne.

Isang mainit na halik ang isinagot ko sa kanya. Gumanti naman sya ng mas mainit na halik sa'kin. Mas hinapit nya pa ang batok ko sa kanya telling me to deepen more the kiss. Pinagbigyan ko naman sya.

She was about to unzip my pants when my phone rang. Itinigil ko ang paghalik sa kanya at kinuha ang cellphone ko. It was dad who's calling.

"Dianne excuse muna, I need to answer this call," sabi ko at mabilis ng umalis doon.

Nagpunta ako malapit sa c.r para hindi masyadong maingay.

"Hello dad,"

"Anong oras na ah, may pasok ka pa bukas, anong oras mo gustong umuwi ha Jace?!!" galit nyang tanong sakin.

Arrrgghhh!!! Kainis naman oh, tinignan ko ang orasan ko. Napaka-aga pa para pauwiin na nya agad ako.

"Dad, 9:30 pa lang, mamaya na ko uu-"

"Hinayaan kitang umuwi na kahit anong oras nitong summer break Jan Cedrick, pero tapos na ang pagsasaya mo, may pasok ka na bukas kaya umuwi ka na!!!" asik nito.

Haaay,. Wala na, tinawag na ko ni daddy sa buong pangalan ko, galit na talaga sya.

"ok dad, uuwi na ko," sagot ko at napabuntong-hininga na lang.

"good," aniya at in-end na ang call.

Arrgghh!! Kaya ayokong matapos ang summer break eh, strict na naman si daddy. Mabait naman talaga yun, nagiging strict lang talaga when it comes to academics. Buti pa si ate Joanne eh, hindi na sya masyadong pinaghihigpitan ni dad, palibhasa college student na sya at nakatira na sa condo na niregalo sa kanya ni dad nung graduation nya nung high school.

"Hey Cedrick," bati sakin ng isang babaeng lumapit sakin.

"Do I know you?" tanong ko sa kanya. She looks familiar pero di ko alam kung saan ko sya nakita.

Bigla syang sumimangot. "Hindi mo na ba ko natatandaan? We met sa party ni Ben,"

Party ni Ben??? Patay hindi ko sya talaga maalala. Bahala na nga.

"Oh! Yeah, I remember na, Charice, right?"

Kita sa kanya ang matinding pagkainis. Patay, mali ata ako. Oh well, hindi ko kasi talaga sya maalala eh, pero sigurado akong natikman na nya ang pinakamasarap na halik sa buong mundo, haha.. hindi yata ako nagpapalagpas ng babaeng lumalapit na mismo sakin.

"I'm not Charice, I'm Stephanie!" inis nyang sabi.

Hahaha.. hindi ko talaga sya maalala. Sorry naman. Stephanie? Hmm, familiar nga. Medyo nagulat pa ko ng bigla na namang tumunog ang cp ko. Baka si dad na naman 'to. Haaay..

"Oh, oo nga, Stephanie pala, sige ha, I really need to go," sabi ko at binigyan sya ng isang mabilis na halik sa labi para hindi na sya sumatsat pa.

Effective naman dahil ngumiti na sya. Umalis na lang din ako don.

Tumutunog pa din ang cp ko kaya kailangan ko na talagang umalis, mahirap na kapag napuno ko si dad, katakot pa naman yun pag nagalit.

Since kailangan ko na talagang umalis, bawat babaeng tumatawag at lumalapit sakin ay binibigyan ko ng goodbye kiss. Gustuhin ko man silang i-entertain pero hindi na talaga pwede, malilintikan ako kay dad kapag mas nagtagal pa ko.

Pagdating ko sa kotse ay agad kong tinignan ang cp ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng si ate lang pala ang tumatawag.

"Hello sis, why?" I asked at pinaandar na ang kotse.

"Jace may balita na ko sa kanya"

Alam ko na ang ibig sabihin nya. Tsss, hanggang ngayon pa rin pala pinipilit pa rin nyang maki-balita sa walang kwentang taong yon. Ewan ko ba kung bakit pa sya nag-aaksaya ng oras para don. Kainis!! Nababadtrip talaga ko kapag nalalaman kong my balita tungkol sa taong yon.

"I don't care sis, sige na, bye!" bwisit kong sabi at in-end na yung call. Wala na kong pakialam kung may balita na sya sa taong yon, matagal ko na syang kinalimutan.

----------------------

Enjoy reading ^______^

Pasensya na kung medyo may mga pagka-SPG to hehehe, pero sobrang konti lang nung mga yon. Kailangan ko lang kasing ipakita yung pagiging playboy nya hehe. Sa mga sensitive, pasensya na po.. :)

issa_gokou

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon