Chapter Twelve

423 12 0
                                    

Chapter 12: A GLIMPSE OF HIS PAST

JACE'S POV

*SA BAHAY*

Sa wakas tumigil na din ang pagtunog ng cellphone ko.

"O Cedrick, bakit ngayon ka lang? Naku, ikaw na bata ka oh, malalagot ka na naman nyan sa daddy mo," alalang salubong sakin ni yaya Meding.

"Kanina pa ba nakauwi si daddy?"

"Kauuwi ko lang din... lasing ka na naman ah, halika, sa sala tayo mag-usap," mahinahon pero ma-awtoridad na sabi ni dad na kabababa lang ng hagdan. "Yaya Meding pahandaan kami ng kape sa sala,"

"Ok po sir," -aniya at agad ng pumunta sa kusina.

"Sumunod ka sakin," utos nya at naglakad na.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Tahimik lang kami ni dad kahit naihatid na samin ni yaya Meding ang kape namin.

"Mas gusto kong pagalitan mo ko kesa ganyang tahimik ka dad,"

"Why are you doing it again Jace?" mahinahon nyang tanong.

"What do you mean dad?" pagmamaang-maangan ko.

"Bumabalik ka na naman sa dati, uuwi ng lasing na lasing na gamit pa ang motorbike mo,.. alam mo namang mas prone ka sa disgrasya kapag motorbike ang ginagamit mo di ba?" inis niyang sabi.

"Hindi naman ako nadisgrasya ah," sabi ko at humigop ng kape.

"SO HIHINTAYIN MO PA ULING MADISGRASYA KA BAGO MO TIGILAN YANG KATARANTADUHANG GINAGAWA MO HA???," sigaw nya. I can see in his eyes na galit na galit talaga sya. "Ano na naman bang nangyayare sayo ha? Kahapon lang ng umaga excited ka pa sa date mo... ano bang nangyare at nagkakaganyan ka na naman? dahil na naman ba sa kanya?" makahulugan nyang tanong. "Don't tell me nakita mo na uli si PJ?"

BOOOOOM!! I was caught off-guard ng marinig ang huling sinabi nya. Napatayo ako, feeling pumunta sa ulo ko ang lahat ng dugo ko.

"Stop that dad!, Wala syang kinalaman dito! And don't you dare to say her name again!," galit kong sabi. "Good night dad!," paalam ko at agad ng umakyat sa kwarto ko.

Padabog kong sinara ang pinto ng kwarto ko, at inihagis ang lahat ng mahahawakan ko.

"Don't tell me nakita mo na uli si PJ?"

Nakita mo na uli si PJ

PJ

PJ

"ARRGGHHH!!! D*MN IT! D*MN IT!," sigaw ko at inihagis ang laptop ko sa pinto.

Sound proof ang kwarto ko kaya hindi nila maririnig ang pagwawala ko. Kinuha ko ang gitara kong naka-sabit sa pinto ng kwarto ko at inihampas yon sa sahig.

20 minutes lang ang nakalipas pero parang binagyo na ang buong kwarto ko, lahat ng mga gamit ko basag at sira-sira na. Napaupo ako nang kahit papano ay ok na ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dingding at ipinikit ang mga mata ko.

*FLASHBACK*

"Jace, mali naman yang ginagawa mo eh, hindi ganyan ang tamang paghalo," sabi ni PJ at kinuha sakin ang hawak kong panghalo. "Dapat dahan-dahan lang para hindi maging makayat, at para maging maganda yung quality nung cake," hinalo nya yung cake na parang expert na expert na sa paggawa non.

Tinignan ko syang maigi. Npakaganda talaga nya at napakabait. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Princess Jhernie, kasi para talaga syang prinsesa. Kahit sinong lalaki mai-inlove sa kanya. At the age of 14 kung titignan mo sya para na syang dalaga. She's my girl bestfriend, and my first love. Mas matanda sya sakin ng isang taon, pero walang kaso sakin yon dahil noon pa man mahal ko na talaga sya.

"May bayad ang pagtitig sakin," nakangiti nyang sabi.

"Hindi pa ba sapat na kabayaran ang pagpapatulong mo saking gumawa ng cake?" nakangiti kong tanong. "Sa gwapo kong to painagba-bake mo ko," dagdag ko pa.

"Ang kapal ha," sabi nya at pinahiran ako ng cream sa mukha.

"PJ!,"

"Ahahahaha... bagay sayo, hahahaha,"

"bagay pala ha,..." aniko at kumuha rin ng maraming cream.

"Jace, wag mong gagawin yan," sabi nya at lumayo sakin.

"Lagot ka sakin Princess Jhernie," sabi ko habang lumalapit sa kanya.

"Waaah!!! Monster Jace!! ahahaha." tili nya at tumakbo papuntang sala.

"Hyaaaaah!!!! Patay ka kay Monster Jace!!," sabi ko at hinabol sya.

*END OF FLASHBACK*

Naramdaman ko ang walang humpay na pagtulo ng mga luha ko nang maalala ko ang nakaraang iyon.

Nakaraang matagal ko ng ring pilit ibinabaon na lang sa limot.

Nakaraang tila naging bangungot na sa pagkatao ko.

----------------

Senti ni Jace >.

Sana po nagustuhan nyo yung chapter na to kahit maigsi lang hehe. Salamat po sa pagbabasa ^___^

issa_gokou

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon