Chapter Twenty

454 22 1
                                    

CHAPTER 20: CUTE LANG YON, AKO GWAPO

JACE’S POV

Ahh.. ang tagal naman ata ni Chloe na bumili ng maiinom. Sinabi ko na kasing iba na lang ang pabilihin eh. Pasaway talaga yung babeng yon.

“Team, break muna tayo!,”

“Ok Captain!”

Agad kong nilapitan sila Rovi sa bleachers.

“Wala pa ba si Chloe?” tanong ko at nagpunas ng pawis.

“Wala pa eh,” sagot ni Rovi.

“Masyado ka namang nag-aalala sa girlfriend mo, hindi mawawala yon ^___^ “ -Anjanet.

“Tsk, wait lang,hahanapin ko lang sya, nanlalalaki na naman ata,” sabi ko at lumakad na.

Natawa sila sa sinabi ko. “Paranoid!” sigaw nila.

Hindi pa ko nakakalayo sa gym ng makita ko sya. May mga Junior High syang kasama.

Medyo lumapit ako sa kanila. Gilid lang nila ang nakikita ko.

Hindi nila ko napansin. Si Chloe naman nakangiti lang, habang nagsasalita yung mga bata.

“Sige na Chloe, let’s have a date tomorrow,” sabi nung nasa gitna na sa tantiya ko e nasa grade 8 pa lang.

Hmm… may itsura sya kahit naka-eye glasses sya. Hindi sya mukhang nerd, mas nakadagdag pa nga sa appeal nya yung salamin na yun.

Teka nga, kelan pa ko nagkaroon ng pakiaalam sa itsura ng iba? Tsss… basta mukha pa rin syang totoy, Hindi sya bagay kay Chloe.

“Sige na Chloe,” pilit din nung mga kasama nung naka-eye glasses.

Natawa naman si Chloe sa kanila.

“Pst, mga bata,” sabi ko at tuluyan ng lumapit sa kanila. “Paano kayo nakapasok dito ha?”

Medyo malayo kasi ang Junior High sa Senior High. Siguro 10-15 minutes away kung lalakarin. Malaki ang University namin kaya kayang-kayang paghiwa-hiwalayin ang Junior High, Senior High at Tertiary Level. Sa bawat Level na yon may malalaking gate ang nakaharang at may mga guards na nakabantay doon kaya paanong nakapasok dito ang mga Junior high students?

“Dumaan kami sa field, hindi naman mahigpit ang mga bantay doon eh,”

“Saka isa pa hindi na kami mga bata noh, grade 8 na kami kuya,”

“Bata pa rin kayo kung ikukumpara samin ni Chloe,”

“Yabang,” sabi nung tirik ang buhok.

“Aba’t-,”

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon