Chapter Two

938 27 3
                                    

Chapter 2: HER OTHER SIDE

JACE'S POV

Arrggghhh! Ang sakit ng ulo ko ngayon. Kainis na Michelle na yan mas ginusto pang sa bar kami mag-date. Napainom tuloy ako. Buti na lang talaga at kila Lyndon yung bar na pinuntahan namin kaya hinayaan lang nila kaming mag-inom kahit menor de edad pa lang kami.

Hmm.. Dalawang Linggo na rin ang nakaraan mula nung nagkaron kami ng deal ni Chloe. Haay, 14 different dates na ang natapos ko, meron pang 5 bago si Chloe. Hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag sa ganito eh, but I find it challenging.

Malapit na ko sa school ng bigla akong mapatigil sa pagda-drive. Hindi ko alam kung matatawa ako, maiiling o matu-turn-off sa nakikita ko. Nakita ko kasi si Chloe sa daan at kumakain ng streetfoods, mukhang masaya sya sa kinakain nya kasi ngiting-ngiti pa sya kay ateng nagbebenta habang kumakain.

Grabe, kahit saang anggulo mo pa man sya tignan, napakaganda pa rin talaga nya.

Nung matapos na syang kumain ay pumasok na uli sya sa kotse at umalis na.

Napagdesisyunan kong lumabas ng kotse at lumapit sa aleng nagtitinda nung street foods.

"Excuse me po," pukaw ko sa atensyon nya.

"Ay kay gwapong bata oh, ano iyon iho?" tanong ni ate na ngiting-ngiti.

"Itatanong ko lang po, lagi bang nandito yung babaeng kumakain kanina?"

"SinO si Louise? Ay oo iho, Nakakatuwa nga ang batang yun eh, naturingang anak mayaman pero mahilig sa street foods", tumatawa nyang sabi.

"Ahm.. nandito po ba kayo sa Sabado?",- mukhang matutuwa si Chloe kapag pinakain ko sya nito sa Sabado :)

"Naku iho wala eh, pahinga ko kasi yon, Lunes hanggang Biyernes lang ako nagtitinda."

"Ganon po ba?, sige po salamat," aniko at umalis na.

------------


Malapit na ko sa room ng makita ko si Chloe na may kausap na lalaki. Bumulong sa kanya yung lalaki dahilan para matawa sya.

Ano ba! iba't-ibang lalaki lagi ang kasa-kasama nya araw-araw. Hindi ba sya nagsasawang makipag-harutan sa kanila? Kainissss!!!!

Te-teka,.. Did I hear bitterness sa sinabi ko? F*ck!, ano ba to? e ano naman sakin ngayon kung makipag-flirt sya kahit kanino diba? Wala dapat akong pakialam, dahil ganon din naman ako. GRRRR.. Ano Ba?!! Bahala na sya. Tsssss.

Naglakad na ko ng mabilis, pagkalampas ko sa kanila narinig kong tinawag nya ko, napatigil tuloy ako.

"Mr. Santillan!"

Napaka-formal talaga ng tawag nitong babaeng to sakin. "Bakit?" tanong ko nung tumingin ako sa kanya.

"Papasok ka na? Pasabay ako,"

Napatingin ako sa lalaking kasama nya.

"Sige bye na," paaam ni Chloe sa lalaki at tumakbo na papunta sakin.

Habang naglalakad kami panay ang tunog ng cellphone nya.

"Hindi mo sasagutin? " iritable kong tanong, kainis kasi ang ingay.

Kinuha nya ang cp nya at pinatay iyon.

"Haaay, ang kulit talaga non," sambit nya. "Ikaw ba Mr. Santillan, nagkaron ba ng time na nabwisit ka sa mga umaaligid sayo?"

"Oo," tipid kong sagot

"Wow, di nga? talaga?"

"Yeah,"

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon