Chapter Seventeen

522 17 1
                                    

Chapter 17: THEIR SECRETS

JACE'S POV

Sabado ngayon, mahigit dalawang linggo na mula nung umpisahan namin ni Chloe yung dare. Sa bawat araw na magkakasama kami mas nagiging close pa kami kahit madalas nya kong barahin at sungitan, hahaha. Ganon naman talaga yung babaeng yun eh... Pero kahit meron kaming dare, hindi pa rin namin pinagbabawalan ang isa't-isa sa bagay na nakasanayan na namin... yun ay ang magkaron ng mga flings at makipag-date,.. mas na-cha-challlenge nga kami dahil kahit papano nada-divert yung attention namin sa ibang tao, mas mahihirapan kaming paibigin ang isa't-isa.

Right now, I'm with Lenlen dito sa bar nila Lyndon, mag-isa syang umiinom kanina so I decided to accompany her. We're here now at the bar counter, talking about things we like and other stuffs.

"Kuya, isa ngang tequila," order sa bartender ng isang familiar na boses mula sa kaliwa ko. Napatingin ako sa kanya.

"Chloe?" paniniguro ko.

Tumingin sya sakin.

"Oh, hi Jace," bati nya at napatingin sa katabi ko. "Hmm,.. looks-like you're with someone huh," panunukso nya.

"Oh, yeah... Chloe, this is Lenlen.... Lenlen, this is Chloe," pagpapakilala ko sa kanila.

"HI," nakangiting bati ni Chloe.

"Hello," nakangiti ring bati ni Lenlen.

"Hey Chloe, nandito ka lang pala, nag-alala ko, akala ko iniwan mo na ko," nakangiting sabi nung lumapit na guy kay Chloe.

Tumingin si Chloe sa orasan nya. "May 10 minutes ka pa namang natitira kaya hindi pa ko aalis... saka gusto ko rin namang uminom ngayon eh," she said in a sweet but seductive voice, looking in his eyes habang pinaglalaruan yung glass ng tequila nya .

Woah, nakakabilib talaga ang babaeng to, ang galing gumamit ng boses nya... kung ako yung kasama nya, malamang... alam nyo na hahahaha.

"Date mo Chloe?" tanong ko.

Tumingin sya sakin. "Yeah, Ahm,.. Sebastian, this is Jace and Lenlen,.. guys, this is Sebastian, my date ^_^ "

"Hi, nice to meet you ^__^ "- Sebastian.

"Same here," bati rin ni Lenlen.

"Wait,.. di ba ikaw yung anak ng may-ari ng Santillan University?" -Seb kay Jace.

"Yup, bakit? dun ka nag-aaral?" pormal na tanong ni Jace.

"Oo, Sa Engineering Department ako,"

"Engineer ka?" na-excite na tanong ni Lenlen.

"Yeah, Civil Engineering student,"

"Wow, so magaling ka sa math?" -Lenlen.

"Hmm, medyo," humble na sabi nito.

"I'm an architecture student,.." nakangiting sabi ni Lenlen.

"Really?, anong year mo na?"

"2nd year, how 'bout you?"

"3rd year," -Seb.

Tinignan ko si Chloe. Tumango sya at pasimple kaming umalis doon,mukha namang magkasundo na yung dalawa eh.

Bumili na lang kami ng beer in can at chichiria bago kami pumunta ng park. Katulad nung dati, sa hood ng sasakyan ko kami nag-inuman. Binigay ko ang jacket ko sa kanya kasi masyadong sexy ang suot nya. Nakakainis lang kapag tinitignan sya nung mga lalaki na para syang hinuhubaran sa mga isip nila. tsss

"Chloe, sanay kang makipag-date sa bar?"

"Hmm... oo, dun naman kasi madalas gusto ng mga boys na mag hang-out eh,"sagot nya at tinungga ang beer na iniinom nya.

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon