Chapter Thirty-three

485 14 0
                                    

CHAPTER 33: NIGHTMARES

JACE'S POV

Nasa kotse na kami at pauwi na kila Chloe ng bigla syang magsisigaw.

"Ilabas nyo ko dito! Pakawalan nyo ko!"

"Chloe, Chloe.." pilit syang pinipigilan ni kuya Lance dahil kinakalampag nya yung bintana ng kotse.

"Ilabas nyo ko dito!" umiiyak na nyang sigaw habang patuloy sa pagkalampag ng bintana.

Inihinto ko yung kotse. "Kuya Lance, palit muna tayo," sabi ko at lumabas sa kotse. Ganon din ang ginawa ni kuya.

"Chloe, Chloe," hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. "Chloe, huminahon ka lang.. tignan mo ko,"

Tinignan nya ko.

"Jace," umiiyak nyang sabi at yumakap sakin.

"Shh.. may naaalala ka na naman ba?"

"Jace saan nila tayo dadalhin?" takot nyang tanong. "ayokong gawin, ayoko,.. nakiusap ako sa kanya pero hindi nya ko pinakinggan, huhuhu,"

"Chloe, nakakulong na sila, hindi ka na nila magugulo," niyakap ko sya ng mahigpit.

Unti-unti naman syang kumalma.

"Iho, pwede ba kong humingi ng favor sayo?" nakatingin si tita samin mula sa passenger seat.

"Sige po, ano po yon?" tanong ko habang hinahagod ang likod ni Chloe para ma-relax sya.

"Pwede bang samin ka muna tumira?"

"Po?"

"Chloe needs you right now, ikaw lang ang nakakapagpakalma sa kanya, iho. Baka magwala sya uli kapag hindi ka nya nakita,"

Tinignan ko si Chloe, umiiyak pa rin sya.

"Sige po tita, kakausapin ko na lang po si daddy,"

"Salamat,"


Dinala ko sya sa kwarto nya ng makauwi kami.

"Pahinga ka na muna huh, babantayan kita," sabi ko at inihiga sya.

"Jace, aminin mo sakin ang totoo, nababaliw na ba ko?" lumuluha nyang tanong. "Bakit ko uli sila nakikita kung nasa kulungan na sila? Bakit ko biglang naaalala yung mga nangyari? Nababaliw na ba ko?" tanong nya pa at umupo.

Hinawakan ko ang pisngi nya. "Of course not. Sobrang trauma ang naranasan mo kaya ka nagkaka-ganyan, hindi ka baliw ok?, saka walang baliw na nagtatanong kung baliw sya diba?" napatawa sya ng mahina sa sinabi ko.

"Sabagay, Jace, wag mo kong iiwan kahit ganito ko huh,"

"Hinding-hindi na talaga kita iiwan, sasamahan kita sa sakit mong yan. Magkasama tayong magtutulungan para gumaling ka," sabi ko at hinalikan ang noo nya.

Ngumiti sya. "Susundin ko lahat ng ipagagawa nyo, para gumaling ako agad,"

Tumango ako at hinawakan ang kamay nya. "Buburahin natin ang bangungot na naranasan natin sa kanila. Gagawa tayo ng maraming masasayang memories," pumiyok ako sa huling sinabi ko, hindi ko na kasi mapigilan ang hindi maging emosyonal. Hinalikan ko ang kamay nya.

"Jace,"

"Sorry, sorry kung... wala akong nagawa para pigilan sila. Sorry kung hindi kita natulungan,"

Niyakap nya ko. "Jace, hindi mo dapat iniisip yan, wala kang magawa non dahil nakatali ka." sabi nya at tinignan ako. "Nasasaktan ako lalo kapag nakikita kang nasasaktan at umiiyak." sabi nya at pinunasan ang luha ko.

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon