Chapter Twenty-one

523 15 2
                                    

CHAPTER 21: HIS REASON BEHIND BEING A PLAYBOY

CHLOE’S POV

Haaay, hinihintay ko ngayon si Jace, may practice game kasi sila, kalaban nila yung basketball team ng Tertiary Level ng University.

Wala sila France ngayon kasi may tatapusin pa silang project, pati sila Rizza hindi rin makakanood kasi may kailangan daw gawin, kaya ako lang mag-isa ang nanonood, e hindi ko naman maintindihan ang rules ng basketball kaya naglaro na lang ako ng Floppy Bird sa cellphone ko.

Sa sobrang bilis ng mga araw, akalain nyo ba namang 2nd month na ngayon ng dare namin ni Jace? hahaha.  Bilis noh? Niyaya ako ni Jace na kumain mamaya sa Padcel’s Café kaya hinihintay ko sya. Yun yung place kung saan nya naisip yung dare namin. ^__^

“Ano ba yan, hindi ka naman nanood eh,” upset nyang sabi.

Napatingin ako sa kanya. “Tapos na ba?”

Umupo sya sa tabi ko. “Oo,”

“Sinong panalo?” tanong ko at kinuha ang bimpo nya saka pinunasan ang pawis nya.

“Sila, 2 points ang lamang,” may pagtatampo nyang sabi.

“Ok lang yan, gwapo ka naman eh,”

Napangiti na sya. “Sige na, ligo na muna ako ha,”

Tumango ako.

Agad syang pumunta sa shower room.

Napatingin ako sa cellphone nya nung tumunog iyon.

Ringtone: Moonlight over Paris

Du ru rum du ru rum du du

You say you've been overseas

I say over where

You say just a holiday

My Alsatian heir

I say I've been working late, working overtime

Haven't seen that sun since sixty-nine

Does the moonlight shine on Paris

After the sun goes down

If the London Bridge is falling

Would anybody hear a sound

If you follow that sunset will it ever end

Oh Does the moonlight shine on Paris

Oooh du ru

Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

*Princess Jhernie calling*

“Princess Jhernie? Isa siguro sa mga babae nya,” ibinalik ko na lang ang cp nya sa bag.

10 or 15 minutes na yatang tumutunog ang cp nya kaya nainis na ko at kinuha uli iyon para sagutin.

“Chloe,” tawag ni Jace at agad lumapit sakin. Tumutunog pa rin ang cp nya.

Pagkatingin nya sa kung sino ang tumatawag sa kanya, nakita kong halos durugin nya ang cellphone na yon. Nanginginig ang kamay nya dahil sa marahas na paghawak dito.

Hinawakan ko ang kamay nya. Tumingin sya sakin.

Nagulat ako sa nakikita ko, galit na galit ang mata nya, pero… pero nagsisimula ng mapuno ng tubig ang mga mata nya. Bakit? Bakit ganito ang reaksyon nya?

JACE’S POV

Bakit pa sya tumatawag? Apat na taon na syang hindi nagpaparamdam sakin,… bakit pa sya tumatawag ngayon?

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon