Chapter Sixteen

511 19 2
                                    

Chapter 16: IN A RELATIONSHIP?

JACE'S POV

"Good morning mahal," bati ko kay Chloe pagka-upo ko sa tabi nya.

"Mahal ka dyan, kadiri ka," natatawa nyang sabi. "Bakit ka nga pala nandyan ha?"

"O, na-date ko na ang mga kaklase natin pati na rin ikaw, kaya dito na ko uupo," nakangiti kong sabi. "Tsaka ayaw mo ba non magkatabi na tayo mahal," biro ko.

"Kaderder ka Jace," natatawa pa rin nyang sabi.

"Ayaw mo ba ng mahal? Sweetie kya? Buhay ko? o kaya Irog ko?," pangungulit ko.

"Eeeeww... tumigil ka nga!" diring-diri nyang sabi.

Natawa ko. Sarap talagang pagtripan ni Chloe.

"O buti naman bati na kayo," sani nila Lyndon.

"Bakit? nag-away ba kayo??" tanong nila Rovi.

"Hindi noh, bakit naman kami mag-aaway ni mahal diba?" tanong ko at tumingin kay Chloe.

"Tantanan mo nga yan!,"

"Mahal???? Kayo na ba??" gulat nilang tanong.

"NO/YES," sabay naming sabi.

-______- --> sya.

^______^ --> ako.

Napakunot ang noo nila.

"Eto naman kasi ang arte pa eh." sabi ko at inakbayan sya.

CHLOE'S POV

Nakakainis to si Jace, ano bang nakain nito at pinagti-tripan ako?

"Eto naman kasi ang arte pa eh." sabi nya at inakbayan ako.

Haaaaay...

"Sinusubukan mo ba ko ha?" I asked with a seductive voice at tinignan sya.

"Oo," sabi nya at inilapit ang mukha nya sakin.

"Ayiieehhh..." narinig kong tukso ng mga kakalase namin.

He smirked and planted a soft kiss on my right cheek bago nya tinanggal ang pagkaka-akbay sakin.

"Confirmed!!!," tili nila Rizza na kilig na kilig.

Napa-iling na lang ako at napatingin kay Jace.

He winked at me.

Tsss.... Abnormal talaga toh.. haay.

-----------------

"KYAAAAAHH!!! I LOVE YOU CEDRICK!!,"

"ANG GWAPO MO TALAGA CEDRICK!,"

Argh! Nasa labas pa kami ng school gym pero dinig na dinig ko na ang tili ng mga nanonood ng practice game nila Jace. Ayoko naman sanang pumunta dun eh, kaso ang kulit nila Rizza, dapat daw suportahan ko man lang ang boyfriend ko sa practice game nila. E kanina ko pa nga sinasabi na hindi kami ni Jace pero ayaw talaga nilang maniwala, tsk tsk.

Halos mabingi na kami ng makapasok sa loob.

"Grabe, ang daming nanonood ah," sabi ni Rovi.

"Ang ga-gwapo naman kasi nung mga players eh, lalo na si Cedrick! waaah,.. three points shot! ang galing talaga!!," tili ni Anjanet.

"Hoy bruha, nandito ang girlfriernd oh, mahiya ka naman," saway ni Rizza at tumingin sakin. "Naku Chloe wag mong pinapapa-pansin tong si Anjanet ha,"

"Ok lang," walang pakialam kong sabi.

"Palibhasa kasi si Louie lang naman ang pinunta mo dito eh, ayiieeh," tukso ni Anjanet.

"Che!," irap nya kay Anjanet.

Haaaay... parang may commotion dito sa loob ah, ang ingay-ingay nila. Nakaisip ako ng paraan para mapatahimik sila. Actually first time ko tong gagawin pero sana gumana. Nakakabingi na kasi sila eh.

I removed my ponytail in a very seductive/sexy way para makuha ang atensyon ng mga estudyanteng makakakita sakin at lumakad na.

I give my sweetest smile to them nung tumahimik sila, pati yung mga naglalaro napatigil din.

"Mahal naman eh, masyado namang sexy ang entrance mo eh," nagkakamot ang ulong sabi ni Jace at lumapit sakin.

Haaay naku pawisan na naman 'tong lalaking to.

Napatingin ako sa mga tao sa bleachers. Aba! ang sasama ng tingin nila sakin, parang gusto na kong patayin sa mga tingin nila, hahahaha. Masaya din pala minsan yung ganito *evil smirk*. Kinuha ko ang panyo ko.

"Naku namn mahal, tignan mo nga oh, pawis na pawis ka na, baka magkasakit ka nyan," sweet kong sabi habang pinupunasan ang pawis nya.

~ "Girlfriend sya ni Cedrick?"

" Pano nangyare yon?,"

"She's really a slut, pati ba naman si Cedrick inakit na nya,"

"No wonder kung bakit sya pinatulan ni Cedrck, maganda naman talaga si Chloe eh,"

"Shut up! Don't say bad words noh,"

"Girls, wag nga kayong mag-alburoto dyan. Laruan lang yan ni Cedrick noh, 1 week lang ang itatagal nyan for sure,"

"Yeah right,.. pang-play time lang sya ni Cedrick," ~

Ah ah tong mga to ah, kailangan talagang iparinig sakin yung mga pag-uusap nila? o well, iingitin ko muna tong mga to ngayon, bwahahaha..

"Mahal, pwede naman akong manood ng practice game nyo diba?" tanong ko at hinawakan ang pisngi nya.

"Syempre naman mahal,.. 'lika doon na kayo sa bench namin umupo," nakangiti nyang sabi.

"Owww... ang sweet talaga ng mahal ko," sabi ko at niyakap sya.

Akala ko nakakatuwa to, nakakasuya pala..tsk tsk. Siguro nga nanggagalaiti na yung fans club nito sa sobrang inggit, pero alam kong nag-eenjoy tong kumag na to sa mga pinapakita ko.

"Pasalamat ka gusto kong patayin sa inggit ang mga babaeng nahuhumaling sayo, kundi iba ang lalandiin ko dito,.. ang dami pa namang mas yummy sayo," bulong ko sa kanya.

Bigla syang natawa, abnormal to, ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Ahahaha, ganon ba? Edi salamat sa kanila, hahaha," bulong din nya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Manyak talaga nitong kumag na to -____-

"Captain tara na! masyado nilalanggam na kayo dyan eh!," sigaw ni Alden.

Tinanggal ko na ang pagkakayakap sa kanya.

"Ang sweet nyong mag-boyfriend ah, kunwari ka pang ayaw mong pumunta dito ha, ayieeh," tukso ni Anjanet nung makaupo na kami sa bench.

Hindi ko na lang sya sinagot. Haaaay, for sure bukas kalat na agad ang nangyareng to sa buong University, tsk tsk.

-------------------------

Pasensya po sa tagal bago mag-update hehehe... Pasensya na rin po kung maikli lang yung mga last update ko hehe, bawi na lang po ako sa nxt chapter, promise ^___^. Sana po patuloy pa kayo magbasa ^_^

Maraming salamat po sa pagbabasa ^___^

issa-gokou <3

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon