Chapter Eleven

472 13 3
                                    

Chapter 11: HER REASON

CHLOE'S POV

Naaawa ako sa kuya ko. Ang dami nyang natamong sugat mula sa aksidente kahapon. Puro sugat at pasa ang katawan nya. TT__TT

Napatingin ako sa pinto nang magbukas iyon. Iniluwa non si ate Jojo, ang bestfriend ni kuya. Mukhang kagagaling lang nya sa school.

"Hindi pa rin ba sya gumigising?" tanong nya.

Umiling ako. Napapaluha na naman ako, naaalala ko pa rin kung gaano sya ka-kritikal kagabi.

*FLASHBACK*

Nag-aayos ako ng sususutin ko para sa date namin bukas ni Jace nang biglang tumunog ang cp ko. Sinagot ko naman dahil si kuya ang tumatawag.

"Hello kuya!," excited kong sabi.

(Hello, si Louise ba to?) tanong nung nasa kabilang linya. Nagtaka ko dahil babae yung nabosesan ko.

"Yes. Bakit nasayo ang cellphone ng kuya ko?" takang tanong ko sa kanya.

(Si Jojo to, bestfriend ako ng kuya mo.. Louise pumunta ka dito, naaksidente ang kuya mo)

Sa boses pa lang nya alam kong nasa hindi magandang kalagayan ang kuya ko.

"Nasan si kuya? Nasan kayo?!!," histerikal kong tanong. Bigla akong natakot nung nalaman kong naaksidente sya.

(Nandito kami sa ******* Medical Hospital.. pumun...)

Hindi ko na sya pinatapos at pinatay na ang cp. Agad na kinuha ang bag ko at pumunta sa sinabi nyang hospital. Kinailangan ko pang bumyahe ng Makati kahit gabi na pero ayos lang, kailangan kong makita ang kuya ko.

*END OF FLASHBACK*

Napatingin ako kay kuya nung marinig kong umuungol sya.

"Kuya!, kuya," alala kong tawag sa kanya.

He opened his eyes at tumingin sakin.

"L-Louise anong... ginagawa mo... dito?" medyo hirap nyang tanong.

Agad ko syang niyakap at hindi napigilang mapaiyak. Natakot talaga kong mawala sya samin ni mommy. "Kuya *sob* anong nangyare *sob* sayo? huhuhu," TT__TT

"Louise... wag ka ng umiyak dyan.. papangit ka.. sige ka," mahina nyang sabi at pinunasan ang luha ko.

"Ano ba kasing nangyari kuya?" tanong ko at umupo sa kama nya.

"Si Mary Jhoi ba ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan?," may bahid ng galit na tanong ni ate Jojo.

"Jojo talaga, hindi noh,.. hindi dahil sa kanya," -kuya.

"Sino si Mary Jhoi kuya?" tanong ko. Wala naman kasi syang nababanggit sakin kapag tumatawag sya, pati nga si ate Jojo ngayon ko lang nakilala, madalang kasi syang tumawag sakin eh.

"Bruhang girlfriend ng kuya mo," sagot ni ate Jojo.

Girlfriend?? Kelan pa sya nagkaron ng girlfriend?

"Jojo!," saway ni kuya.

"O bakit? bruha naman talaga yang girlfriend mo ah, ewan ko nga sayo kung bakit patuloy kang nagpapaka-tanga sa babaeng yun eh," inis nyang sabi.

 "Enough! Wa-wala na kami... o ano? masaya ka na ha?" inis na ding sabi ni kuya.

Saglit na natigilan si ate Jojo, pero ilang segundo lang.. "Buti naman," sabi nya.

"Akala ko ba bestfriend kita? Bakit ganyan ka?"

"Yun na nga yun eh, bestfriend mo ko kaya ako ganito... ilang beses ko ng sinabi sayong hindi makakabuti sayo ang pakikipagrelasyon sa B*TCH na yun, pero hindi ka nakinig sakin! o ayan tignan mo ang nangyare sayo ngayon!," panenermon nito.

PLAYBOY MEETS PLAYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon