___ Unozero's PoV ___
---- HIDEOUT ( GARDEN ) ----
♪ DOOR OPEN ♪
" May chickas akong nakita kanina Orb, grabe ang ganda talaga super as in panalo hmm. " .. Sabay kagat-labi pagkasabi ni Crew.
#Gangsyonaryo : Orb - means Bro baliktarin mo lang ito.
" Eto nanaman po si Mr. Handsome " .. Habang kumakain ng favorite nyang butong pakwan si Ayee ( Handsama ng ugali pagdating sa babae. ) .. Sabi sa isip nya, ito kasing si Crew ay babaero talaga maraming babae ang madalas magpapansin sakanya at kapag na tipoan nya ginagawa nyang girlfriend at pag nagsawa na sya ay iniiwanan na lang nya ito ng walang sabi-sabi.
" May bago ka nanaman na lolokohin, Pang-ilan na nga yan Orb? " .. Tanong naman ni Shin habang nagtetext.
" Hindi ko na mabilang Orb sa dami eh, alam mo naman ako buenas lagi. Hindi ko nga alam kong anung nagugustuhan nila sakin eh, pero kasalanan kong bang magandang lalake ako " .. Sabay pogi poise at sabay humangin ng malakas.
" Orb lakas ng hangin noh. " .. Bara naman ni Ayee.
" Oo nga Orb lakas nga ng hangin at medyo malamig pa, bakit kaya? Ay alam ko na Orbs uulan kasi. " .. Nagtingin si Ayee at Shin at nagkaintindihan sila at nilagay pa ni Shin ang naka L sign na kamay sa noo at sumunod naman si Ayee na linagay ang naka G sign na kamay sa noo nito at sabay nagpigil ng tawa, natatawa sila dahil ito kasing si Crew ay LG ( laking gubat jokelang low gets ) hindi nya nagets na binabara na pala sya ni Ayee.
" Orb pinagtri-tripan ka nanaman ng dalawa oh. " .. Eto naman po ang tagapagtanggol ni Crew ang may-ari ng tambayan nila na si Nine hindi naman sya pangsyam sa magkakapatid kaya sya tinawag na Nine kasi dalawa lang sila ng ate nya at hindi rin sya ung may IX sa dulo ng apelyido nya, anu sya parang anak ng hari malalaman nyo rin kong bakit Nine ang pangalan nya. Si Nine naman ang bestfriend ni Crew simula pa nung bata sila kung si Crew ay babaero ito naman na si Nine ay walang kahilig-hilig sa babae pero hindi sya bakla sige subukan nyo sabihan syang bakla at sigurado akong yun na ang huling sasabihin mo, hehe nakakatakot noh? talagang nakakatakot yan si Nine walang inaatras yan.
" Anu ibig mo sabihin Orb na pinagtri-tripan nanaman ako nitong dalawa.? " .. Sabay turo sa dalawa, oo dalawang kamay ang ginamit nya tig-isang turo si Ayee at Shin. Magsasalita na sana si Nine ng mapansin nya na may dumating pala ito yung nagbukas ng pinto kanina.
" Hoy bat nandito ka, hindi ka nanaman ba pumasok.? " .. Ang pinapagilatan ni Nine ay ang bunso sa grupo nila, Mga gangster kasi ang mga ito at may grupo sila pero lima lang sila sa grupo, pero kahit lima lang sila ay maraming natatakot sakanila pati mga ibang gangster at lalo na sa barangay nila mga pasaway at laging nasasabay sa gulo ang pangalan pala ng grupo nila ay The Coins Clan kinuha nila ito sa pangalan ng barangay nila na Barriada ( Baryada ). Sila ay sina Ayee ang leader ng grupo, Shin ang sabihin na natin na pinaka mabait at matalino minsan comedyante din pareho sila ni Ayee kaya nga madalas ito ang nagkakaintindihan lagi, kaso itong si Shin ay ubod ng torpe malalaman nyo kung bakit. Si Crew naman ang Cassanova ng grupo hindi naman sya ganon katalino pero hindi naman sya bobo, lagi lang syang na-iisahan ay nadadamihan na pala daming beses kasi, halos sa araw-araw na magkikita sila ay na-iisahan sya. Si Nine naman ang pinakamatanda sa grupo at may-ari ng hideout nila na tinatawag nilang " TRIP-HOUSE " kaya ito ang tawag nila kasi dito sila tumatambay at may kanya-kanya sila ng trip dito , at ang bunso ng grupo si Bogs ang makulit at alam ata nito lahat ng sugal, sya naman Starter ng grupo.
#Gangsyonaryo : Starter - ang laging nagsisimula ng riot kung baga sya ang laging nauunang sumugod.
Hindi makareklamo ang mga tao sa barangay nila, Malaki kasi ang kapit ng grupo nila una dahil kay Ayee, anak kasi sya ng leader ng sikat na gangster sa buong Pilipinas. si Shin naman ay isang mayor at governor ang mga tito nito, si Crew naman ay anak ng isa sa mga pinaka mayaman sa lugar nila at may ninong din syang general wow mga bigatin noh, pero hindi silang tatlo yung tipong mayabang at tagalang basagulero, ang basagulero sakanila ay si Nine at si Bogs talagang mahilig ang dalawang ito sa riot, si Nine wala ng magulang yan kaya walang sumasaway si Bogs naman meron pero hiwalay ang nanay at tatay nya at sa nanay nya sa nakatira, pero may iba na itong asawa at hindi nya ito kasundo kaya minsan hindi sya umuuwi sakanila at dito natutulog sa TRIP-HOUSE.
BINABASA MO ANG
They Are Gangsters In Love [On-Going]
HumorThis is another gangster slash love slash comedy story, may kunting drama din pero sa mga huling parte na yun ng storya. Ang storya ay tungkol sa kung paano sila binago ng pag-ibig at kung paano nila aayosin ang lahat ng maling ginawa nila. Sino ba...