Bintana

25 1 0
                                    

____ Nine's PoV ____


"Ang ganda niya," sabi ko habang tinititigan ko si Tail na papalapit sa akin. Bigla niya akong inakbayan, at nakaramdam ako ng isang pakiramdam na matagal ko nang hindi nararanasan.


" "Ang gwapo mo naman," sabi niya habang ginugulo niya ang buhok ko. Niyakap ko siya at naramdaman ko ang labis na kaligayahan at kasiyahan. Lalo pa akong sumaya nang gantihan niya ang yakap ko.


Bigla siyang tumayo, at sa likod niya'y may kumislap na maliwanag na ilaw, aninag ang kanyang anyo na tila isang anghel sa sandaling iyon. Ilang segundo lamang ang lumipas, at ang liwanag na iyon ay naglaho, napansin ko na lamang na ang kanyang dating puting kasuotan ay unti-unting nagkulay pula, puno ng dugo na umaagos mula sa kanyang bibig. Tinangka ko siyang lapitan, ngunit habang papalapit ako, siya naman ay papalayo. Hanggang sa tuluyan siyang naglaho, muling nagliwanag nang matindi, at nang humupa ang nakasisilaw na liwanag, isang di-kilalang babae ang aking nasilayan. , may hawak tong baril at Nang sinubukan kong alamin kung kanino ito nakatuon, nagulat ako sa aking natuklasan, at biglang pumutok ang baril...


"TAIL... panaginip lang pala," bulong ko sa aking sarili nang ako'y magising mula sa isang bangungot.


Umupo ako sa aking kama at naalala ko ang araw na binigyan ako ni Boss Cheerry ng isang sobre. Pagkatapos ay tumayo ako at naligo.



Hi po pala sainyo ako po ulit hehe, gusto nyo malaman kong anung klaseng trabaho meron ako? Isa lang naman akong hired killer. At ang tinatawag kong boss na si Cherry, kinuha niya ako para magtrabaho sa kanya dahil kay Dan.

 Nakapasok ako dito dahil isang araw, nakita ko si Dan sa isang eskinita, tumatakbo siya papalapit sa akin, at bigla na lang may narinig akong putok ng baril. Doon ko napansin na may humahabol pala sa kanya.

 Lahat ng tao ay nag-alisan, at itinulak ako ni Dan para makapagtago habang patuloy ang pagbaril ng tatlong lalaking humahabol sa kanya, na parang mga traydor sa isang pelikula. Napansin kong may dala ring baril si Dan at gumanti siya ng putok. May napansin akong lalaking lumapit sa akin, kaya kinuha ko ang baril na nasa tagiliran ni Dan at pinaputukan ko ang lalaking iyon. Marunong ako humawak at gumamit ng baril dahil dati ay nag-target shooting kami ni Ayee sa kanilang bahay-bakasyunan.

 Hindi ko naman ito napurohan nadaplisan ko lang ito sa balikat at dahil dun ay umatras na ang mga ito. Pagkatapos, ikinuwento sa akin ni Dan ang tungkol sa kanyang trabaho at inanyayahan niya akong sumama sa kanya. Sa una, nag-atubili akong sumama ngunit nang sabihin niyang malaki ang perang kikitain, agad akong pumayag.

Marami na din akong nabaril pero wala pa naman ako napapatay. Alam ko yun kasi puro sa paa at minsan sa balikat o kaya sa kamay ko sila pinatatamaan, Hindi ako nahuhuli dahil malinis ang aking pagtatrabaho; wala akong iniwang ebidensya at walang nakakakita sa akin.

Ngayon, may panibago na naman akong layunin; ito na ang ikatlong misyon ko mula noong ako'y sumapi sa kanilang hanay, at ang aking target ay si Tail, ang babaeng aking nabangga noong nakaraang araw. At mula noon, hindi ko na siya maiwaksi sa aking isipan.

.

.

---- TRIP-HOUSE ( KUSINA ) ----

Pagdating ko sa hide-out, nakita ko sina Ayee at Bogs na abala sa paglalaro ng XBOX, habang si Shin naman ay nagtatangkang agawin ang controller kay Bogs. Nagtungo ako diretso sa kusina dala ang mga pinamili ko kanina at tinawag ko si Bogs upang tulungan ako sa paghahanda ng hapunan, at maya-maya ay sumunod naman si Ayee.

They Are Gangsters In Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon