Classmate Verse 2

27 1 0
                                    

____ Bogs's PoV _____


---- CLASSROOM ----


Pagkatapos ng breaktime, agad akong bumalik sa classroom upang matulog, habang si Kiko naman ay may ibang pupuntahan at sinabing mauna na ako. Pagdating ko sa silid, napansin kong halos lahat ay nandoon na, ngunit wala pa rin si Lyn, ang aking crush. Diretso ako sa aking upuan na katabi ng sa kanya, at pagkaupo, mabilis kong inilapag ang aking mga kamay sa armchair, saka ko ipinatong ang ulo ko at ipinikit ang aking mga mata.


Papikit


Pinipikit


Pumipikit


Pikit


.

.

.

"what the . . ."... Bigla na lang may kung anong bumangga sa upuan ko, kaya ito'y nagalaw at naging dahilan para ako'y muling mamulat, kahit kakapikit ko pa lang.


" Sorry! "


"Sino kaya itong lokong ito! Lagot siya sa akin," bulong ko sa sarili ko habang pilit kong pinapakalma ang nag-aalab kong ulo, at... 


"Love, este Lyn pala, okay lang!" Bigla na lang nawala ang init ng ulo ko nang makita ko ang aking crush na nasa harapan ko, ang mukha niyang kasing-cute ng pusa na parang gusto kong alagaan. "Ako dapat ang mag-sorry dahil nakaharang pala ang upuan ko sa daanan mo," sabi ko na may ngiti. At bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti ng napakatamis para sa akin.


Tatayo


Tumatayo


Patayo


" Alright Class Please sit down. " .. Bigla akong naupo nang makita ko si Ms. Tenor, na kilala bilang Ms. Terror, siya ang pinaka kinakatakotran pero sya din ang, pinaka-cool, maganda, at kaakit-akit na guro dito. 


Mabait siya sa mga mabait, huwag mo lang siyang galitin. Bukod doon, siya ang pinakabatang nagtuturo dito. Oo, natatakot ako sa kanya, alam mo ba kung bakit? Kasi Tita ko siya, at higit pa doon, nililigawan siya ni Mr. Ravena.

Siya ang aming guro sa pisika at kilala bilang istriktong guro, kaya naman agad siyang nagturo at nag-announce na magkakaroon ng recitation pagkatapos ng kanyang lektura. Hindi ako agad ninerbyos dahil nasanay na ako at inaasahan ko na ito, lalo na't tatlong taon ko na siyang guro.

.

.

.

.

" What is Physics ? " .. Naku naman si Ma'am bat ako pa ang tinanong ala naman akong alam sa mga ganyan.


"Hmm," ang hirap, wala akong maisip. Teka, tingin sa taas, baka makita ko ang sagot, ngunit walang nakasulat. "Physics is..." Tingin sa baba, wala rin, "is..." Tingin sa kanan, wala pa rin. "Hmm," tingin sa kaliwa, ayun, may sagot. "Physics is the natural science that involves the study of matter and its motion through space and time."

They Are Gangsters In Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon