Thats My Tomboy

33 1 0
                                    

____ Ayee's PoV ____

---- TRIP-HOUSE ( SALA ) ----

" Basya? Hmm wala akong kilalang ganun Orb bakit? " .. Tinanong ko si Nine kung may kilala syang Basya kasi sa amin sya pinakamatanda dito sa lugar namin.

" Wala lang teka asan yung iba? " .. Kaming dalawa lang kasi nandito sa Trip-House.

" Si Bogs pumasok pero pauwi na yun, si Crew at Shin ewan ko dun may date ata pareho si Crew nagpapasama nga kanina, eh hindi ako pwede. "

" Bakit hindi ka pwede? "

" May lakad din kasi ako, paalis na nga ako eh. " .. Tumayo naman si Nine pagkatapos nya tumingin sa relo sa kanan kamay nya. " Sige Orb una na ako. "

" Sige ingat! " .. Lumabas na si Nine at naiwan akong mag-isa dito kaya naglaro na lang muna ako ng XBox, mamaya lang ay dumating na si Bogs at ngiting-ngiti ito. " Hoy mukhang masaya ka ah? "

" Syempre! "

" Bakit? "

" Secret " .. Sabay tumawa, nababaliw na ata itong kaibigan ko na ito madala nga sa mental.

" Ok! Tamang tama dating mo ikaw na muna bahala dito sa tambayan lalabas lang ako saglit. " .. Tumayo na ako at lumabas, habang sinasara ko yung pinto ay nasulyapan ko si Bogs na ngiting-ngiti parin kaya napailing na lang ako at sinara ko yung pinto at naglakad na ako papunta sa tindahan ni Miss Pam.

---- TINDAHAN NI ALING PAMELA ----

" Oh, Ayee may bibilhin ka ba? " .. Nakita agad ako ni Miss Pam pagdating ko sa tindahan.

" Butong pakwan meron kayo? "

" Syempre laging meron alam kung paborito mo ito eh. "

" Miss Pam! "

" Oh bakit? "

" Bumili ba dito yung babae na tinanong ko sayo nung isang araw? "

" Yung kapatid ba ni Lance? " .. Tumango ako sakanya. " Hmm hindi pa eh, bakit? "

" Ah wala po. "

" Crush mo siguro yun noh? Pero teka tomboy ata yun! "

" Oo tomboy nga ata yun, porma pa lang eh. "

" Oh eto na yung butong pakwan mo! " .. Kinuha ko naman ito at umupo sa may upuan sa labas ng tindahan.

Habang kumakain ako ng paborito kong butong pakwan ay nag-isip ako kung panu ko sya makikita, makakausap at makikilala. Bigla kung naisip na puntahan ko na lang kaya si Ninong Greg ang bestfriend ng papa ko at ninong ko din pala ito. Sabi kasi sa akin ni Miss Pam kababata ko daw yung kapatid nya si Lance. Hindi na ako nagpaalam kay Miss Pam kasi nakita kung busy ito kaya naglakad na ako at pumunta sa bahay nila Ninong Greg. Pagdating dun ay napansin ko na may palabas sa gate at si Basya yun laking tuwa ko ng makita sya ang sout nya ay three-fourth na maong at tshirt na malaki na parang kakainin na sya at nakasumbrero ulit, kung iisipin parang baduy pero pagdating sakanya isa lang masasabi ko " Astig! " at papunta sya sa gawi ko kaya tumalikod ako at nagkungware ako na may hinahanap. Akala ko papansinin nya ako pero linagpasan nya lang ako kaya sinundan ko kung saan sya pupunta napansin ko na may dala din sya na bag. Tumigil ito sa paglalakad kaya tumago ako para hindi nya ako makita, pagsilip ko ay pasakay na sya ng tricycle at umalis ito, buti na lang at may kasunod ito na isa pang tricycle at agad ko itong pinara.

" Boss, pakisundan po yun tricycle na yun. " .. Sabi ko sa manong driver pagkasakay ko at sabay turo sa tricycle na sinakyan ni Basya. Sinundan naman ito ni manong at tumigil ito sa isang computer shop at nakita ko si Basya na pumasok dun. Pagbayad ko kay manong ay pumasok din ako sa computer shop, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Basya na umupo sa isa sa mga computer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

They Are Gangsters In Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon