Mhine

21 0 0
                                    

____ Jewel's PoV ____

Hi may PoV din ako dito, ako nga pala si Jewel Garcia isang babae na laging naloloko ng mga lalake, madali kasi akong ma-inlove at mabilis din ako magtiwala sa mga lalake, ewan ko ba pero kunting pakilig lang ok na sa akin. Sinasagot ko lahat ng nanliligaw sa akin pero hindi po ako two-timer ng tulad ng iba dyan. ( Ehem ) hehe bato bato sa langit ang matamaan wag magalit. Actually may crush akong lalake kaso babaero sya at alam kong kilala nyo kung sino tinutukoy ko, pero kahit ganun pumayag pa rin akong mag paligaw sakanya kasi nga crush ko sya at grabe sya kung magpakilig sa akin. Ilan araw ko pa lang sya nakikilala ay talagang nahulog na ako sakanya. Bukod sa gwapo sya ay gwapo sya hehe sorry po hindi ko pa sya kilala eh, di ko alam ugali nya. Hindi ako magaling kumilatis ng ugali ng tao pero ang alam ko lang sakanya ay iba sya sa mga babaerong kilala ko, ewan basta ok lang sa akin kahit anu pa sya basta crush ko talaga sya. Kaya ang saya ko nung araw na sabihin nya na gusto nya rin ako at ito yung araw na yun.

---- Apartment nila Jewel ----

" Hoy! Jewel ikaw na lang sumama kay Crew mamaya di kasi ako pwede eh. " .. Si Carmen daw hehe, kaibigan ko yan since highschool hanggang ngayon at pareho kami ng pinapasokan na work.

" Bakit? "

" Alam mo na yun! "

" Alam ko na? " .. Tapos tumalikod sya. " Haha Ah ok. " .. Alam nyo na? Kung hindi nyo magets ask nyo si Crew hehe.

Niyaya kasi kami ni Crew na mamasyal, pumayag naman kami total day-off naman namin pareho ngayon. Kaso ako lang makakasama, eto kasing si Carmen laging wrong timing.

" Papayag kaya yun na hindi ka kasama? " .. Sya nililigawan eh.

" Hmm oo sigurado ako dun. "

♪ BEEF BEEF ♪

MyNote: Hindi po yan karne ng baka ha, busina po yan ng TCC VAN hehe.

" Oh andyan na si Crew. "

" Sige na, ingat na lang kayo ah. " .. Sabi ni Carmen at luumabas na ako at paglabas ko ng gate ay nakita ko si Crew na bumaba ng sasakyan. Grabe ang gwapo nya sa itsura at porma nya kaka-inlove.

" Hello. " .. Bati ko sakanya.

" Si Carmen ? " .. Syempre si Carmen hahanapin nya.

" Hindi daw sasama eh. "

" Bakit daw? " .. Alangan naman sabihin ko sakanya ng deretcho ang dahilan kung bakit hindi makakasama si Carmen.

" May anu kasi, " .. Help nyo nga ako pano ko ba sasabihin sakanya hehe. " ahh anu may Tuldok kasi sya. "

" Tuldok? Anu yun? "

" Basta, hindi sya makakasama. Teka san ba tayo pupunta? Tsaka ok lang ba na kung ako lang ang kasama mo? " .. Change topic.

" Ah suprise na lang muna, Kung hindi sya pwede di tayong dalawa kung ok lang sayo? "

" Oo naman may tiwala naman ako sayo, kasi minsan mo na ako linigtas. " .. Binigyan ko sya ng napakatamis kung ngiti tapos ngumiti din sya sa akin.

" Sabi mo eh, so tara na? " .. Sumakay na ako sa TCC Van, yan tawag nila eh. " Ok lang ba kung gagabihin tayo ng uwi? " .. Tanong nya sa akin pagkasakay ko ng sasakyan.

" Ok lang naman siguro. " .. May pasok pa ako bukas eh, sana hindi mashadong gabi at tsaka ala kasama si Carmen eh.

" Dont worry hindi tayo papagabi mashado. Tsaka si Carmen ala kasama di ba? "

' Nababasa ba nya isip ko? ' .. Tapos pinaandar na nya yung TCC Van at umalis na kami.

____ Crew's PoV ____

They Are Gangsters In Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon