CHAPTER TWO: IKAW SI ANDREA AT AKO NAMAN SI EROS

413 73 54
                                    

November 04, 2003.

                Sembreyk! Ayos! Ngunit wala akong mapuntahan… taong bahay. Linis doon, linis dito. Ayoko rin namang lumabas dahil ayokong maki-minggol(mingle) sa mga kapitbahay namin. So natapos ang isang buong linggo ko sa loob ng bahay, lalabas lamang ako pag-may ini-utos sila nanay at tatay. Sa pagtatapos ng sembreyk, isang utos ang magpapabago ng buhay ko.

                “Eros, dalin mo nga itong ulam kila Ka Bebe.”  Ang utos ni nanay.

                “Sino yun nay?” ang aking nagtatakang tanong.

                “Si Ka Bebe ung nakatira dyan sa tabi natin, nakilala ko sila nung isang araw dahil nagbagsakan yung mga sinampay nila tinulungan ko sila na pulutin ang dami kasi parang isang taon silang hindi naglaba.”  Ang kwento ni nanay na may kasama pang panglalait.

                “Ahh ok sige po.”  Sagot ko, tinatamad akong kuni ang mangkok ng ulam, bukod kasi sa nakakantok ay napaka-init din sa labas, "Ayoko talaga ng ganitong panahon!" ang bulong ko sa sarili at  nagpunta ako sa bahay na tinutukoy ni nanay, ang bahay sa tabi ng aming bahay. Ang bahay pala na yun ay yung bahay kung saan ko nakita ung babaeng natapakan ko yung bente pesos.

                “Tao po?? Tao po ako??”  ang tawag ko, sabay katok ng 3 times sa kahoy na pinto.

                “Alam ko..”  sagot ng isang nakaktakot na boses ng babae.

                Sabay bukas ng pinto, bumungad sa aking harapan ang… isang 45 years old na ginang na hindi naman pala nakakatakot di tulad ng inaakala ko.

                “ikaw marahil ung anak ni Cora?”  tanong ni Ka Bebe.

                “Ay ako nga po. May pinabibigay po si nanay ko sa inyo.” Ang pakamot kong sagot.

                “Ay nag-abala pa siya, anu ba ito.. ay tinola.. masarap to.”  Ang bola ni Ka Bebe.

                “Ayy nilaga po yan, sa pagkakaalam ko po wala namang tinolang baboy.”  Ang pilyo kong sagot.

                “Meron haaa.. hayaan mo pagnagluto ako patitikimin kita.” Pambobola ni Ka Bebe.

                “Kala siguro nito mauuto niya ako..” bulong ko sa sarili ko.

                “Tara pasok ka, para maibalik ko din agad tong mangkok niyo. Wag ka nang mahiya.” Paanyaya ni Ka Bebe.

                Pumasok ako at nagmasidmasid sa bahay nila habang nakaupo sa sala, eat bulaga pa nga ang palabas sa TV nila noon. Tapos nakita ko ang isang picture, pamilyar ang mukha. “Ahhh si bente pesos.”  Ang bulong ko sa sarili ko.

                “Yan ba?? Yan si Andrea.” Ang pasulpot na sagot ni Ka Bebe.

                “Ahh andrea pala ang pangalan niya.”  Ang mahina kong banggit.

                “Bakit nagkakilala na ba kayo?” ang follow up question ni Ka Bebe.

                “Ayy hindi pa po, ngayon ko lang po siya nakita. Anak niyo po ba siya?” ang curious kong tanong.

                “Hindi, pamangkin ko siya. Wala kasi akong pamilya at ulila naman siyang lubos kaya un kinupkop ko na lang siya 5 taon na rin kasing patay ang kapatid ko at ang asawa niya, namatay sila sa plane crash, tagal ding na-depress nang pamangkin ko, hindi makausap, hindi makakain, hindi natutulog. Kala ko nga hindi niya kakayanin ee pero isang araw biglang nagbago ang lahat, bumalik ang dating siya, ung masayahin at masigla.” Ang salaysay ni Ka Bebe.

                “Malungkot po pala ang kwento ng buhay niya.”  Ang malungkot ko rin sagot, na tila na hawa sa lungkot ng pagkakakwento ni Ka Bebe, “Sige po Ka Bebe mauna na po ako.” pahabol ko.

                Habang palabas ako ng bahay nila Ka Bebe, nasalubong ko naman itong si Andrea.

                “Tita nandito na po ako.!” sigaw ni andrea.

                “Ay hello?!” pahabol na bati niya sa akin.

                “Hi.”  Ang nagmamagwapo kong sagot sa kanya. Dali-dali na rin akong umalis para hindi niya na ako makilala pa.

                “Yun si Eros, yung kapitbahay natin na bagong lipat.” Sagot ni  Ka Bebe kay Andrea.

                “Ahhh ganun po ba?” sagot ni andrea.

                Sa pagtatapos ng sembryek hindi man ako nakapag-gala sa lugar na iyon ngunit hindi rin naman naging sayang ang mga araw ko dahil sa wakas nalaman ko na rin ang pangalan ni bente pesos..

Si Eros, ang Bente Pesos at si Hesus.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon