April 04, 2004.
Nasa ospital pa rin si Andrea, hindi na siya pinalabas ng doctor dahil sa mga obserbasyon na kailangang gawin sa kanya. Tulog siya ng pumasok ako sa kwarto niya tinitigan ko siya… ngumiti.. at nagdasal sa tabi niya.
“ui.. anung ginagawa mo?” ang mahinang bulong sa akin ni andrea.
“Nagdadasal ako.” ang sagot ko sa kanya, sabay ngiti.
Ngumiti lamang siya, nagbuntong hininga… “naalala mo eros nang una tayong magkta?”
“Oo bakit?” tugon ko sa kanya.
“Noong araw na yon naghahanap ako ng taong mapaglalaan ko ng panahon upang share-ran ng love ng Lord huling 3 buwan ko na kasi yun, nagdadasal ako na sana may makilala ako. Hindi Niya ako binigo, nakilala kita. Pagkatapos noon humiling ako sa Kanya na dagdagan pa ako ng mga araw o buwan, sabi ko sa Kanya –Lord hangga’t hindi pa po nababago itong tao na ito please Lord dagdag niu pa po ang lakas ko. Hindi pa rin Niya ako binigo, patuloy Niyang dinagdagan ang lakas ko hanggang sa makita kita na lumalago, namumunga. Masaya ako Eros na kung mawala man ako ay nakita kitang malakas at malago na.” ang kwento ni Andrea.
“Ito naman bakit ka nagsasalita ng ganyan, sana pala hindi mo na ako nakilala, sana ibang tao na lang, sana hindi na lang ako… para hindi kita nakikitang nagkakaganyan, ang hirap, na yung taong tumulong sa akin para mapalapit sa Kanya ay makikita kong kinakain ng sakit, nanghihina na imbis na ipinahinga mo na lang ung mga araw ng paglalakad natin ay mas pinili mo pang mapagod maligtas lamang tong kaluluwa kong makasalanan… sorry Andrea, hindi ko alam.. sorry.”
Marami pa sana akong gustong sabihin ngunit hindi ko na mabanggit ang mga salita dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ayaw tumigil ng pagpatak ng luha ko. Kahit ilang beses kong punasan ang mga mata ko ay ayaw paring magpaawat ng mga ito.
Hinawakan ni Andrea ang mga kamay ko, “Naniniwala ka bang may langit?”
“Oo naman hindi ba dun pupunta ang mga taong sumusunod sa Lord.” Tugon ko.
“Mamatay man ang pisikal kong katawan ngunit hindi mawawasak ang aking kaluluwa, I will be with the One I love and with unveiled face I will see Him, and there my soul will be satisfied.. ikaw din darating ang tamang panahon nang iyong pagpunta doon, at sabay-sabay tayong haharap sa Kanya. Kaya wag kang matakot na mawawala na ako habang buhay, dahil pagkatapos nang buhay an ito dun pa lang magsisimula ang pang habang buhay.” Ang sabi ni Andrea sa akin.
Walang akong masabi, ngunit bahagyang nabawasan ang bigat ng aking nadarama nang ipaalala niya sa akin ang totoong buhay nadapat kong mapaghandaan.. things that are seen don’t last forever but those things that cannot be seen is forever. So keep your eyes focus on heavenly things. Things that would benefit us from eternity.
“Be strong in the Lord, never give up hope because you will do great things. God got His hand on you so never live in fear, forgive and forget but don’t forget why you are here. Always take your time and pray, thank Him for each new day. God’s love will find you a way. This all the things I want you to remember Eros. ALWAYS SMILE… ALWAYS SMILE…” pahabol na bilin ni Andrea.
“Ahhh basta wala munang maghabilin, gagaling ka pa no, marami pa tayong ipapaxerox na papel para sa Sunday school ng mga bata okey, sige sandal lang ikukuha kita nang makakakain.” Ang paalam ko sa kanya.
Habang naglalakad papuntang canteen, napaisip ako sa mga sinabi niya. Nauwi ako sa kongklusyon na ito, hindi mapapatayan ng kahit anung sakit ang kaligayahan at comfort na binibigay ng Lord. Walang problemang malaki, walang sakit na hindi gagaling, walang buhay ang hindi mababago. Lahat nangyayari ng may dahilan, hindi man para sa atin o sa mga taong malalapit sa atin ang dahilang iyon hindi babalik ang dahilan ng Lord ng hindi natatapos. Iba Ka talaga Lord.
Bumalik na ako sa kwarto dala-dala ang isang mansanas at orange juice, positibo akong makakarecover ang aking kaibigan, ngunit ito ang humantong sa akin…
Sarado ang pinto. Labas pasok ang mga doctor at nurse sa loob, umiiyak si Ka Bebe. “Anu naman ba ang nagyayari?” tanong ko sa aking sarili. Lumabas ang doctor, tinawag para pumasok sila nanay at Ka Bebe. Habang nasa loob sila may narinig ako... may narinig ako… isang mahabang tunog na masakit pakinggan, isang mahabang tunog an tila ayaw nang tumigil, lumakas ang iyak ni Ka Bebe, lumabas ng kwarto si nanay at niyakap niya ako, niyakap ako ni nanay ng mahigpit… nakikita kong bumubuka ang kanyang mga bibig at unti unting binibigkas ang mga salitang ayokong marinig… ngunit wala akong nagawa hindi ko napigilan si nanay ng sabihin niyang, “ Wala na si Andrea…”
Lalong humigpit ang yakap ko kay nanay para akong binuhusan ng napaklamig na tubig, at habang tumatagal unti-unti akong nawawalan ng lakas… unti-unti akong nawawalan ng saya… wala na… wala na si Andrea…
Makalipas ang isang linggo.
“wag kang matakot na mawawala na ako habang buhay, dahil pagkatapos nang buhay an ito dun pa lang magsisimula ang pang habang buhay. Always Smile. Always Smile.”
Paikot-ikot lang sa isipan ko ang mga salitang ito hanggang sa mailibing na naming si Andrea. Malungkot man pero kailangan kong tanggapin na hanggang dit na lang, hindi naging madaya ang Diyos ng ipahiram Niya sa akin si Andrea, hindi rin naman kulang ang mga araw na pinagkaloob Niya sa amin.
Tumigil na rin ang ulan, ang lahat ay unti-unti nang natutuyo at bumabalik sa dati, naamoy ko na ang alimoom na unti-unti ring nagpapairita sa aking mga ilong. Natuyo man ang lahat ngunit hindi ang aking mga mata, hindi ang luha na bumukal sa aking puso, hindi ako… hindi dahil sa hindi ko pa rin matanggap ang mga pangyayari ngunit dahil sa kasiyahang dulot ng pag-ibig ng Panginoon sa akin at kay Andrea. Sa kabutihang ipinakita Niya sa isang tulad kong makasalanan.
Mahal ko Siya higit sa aking buhay, higit sa mga bagay na pinahahalagahan ko… salamat kay Andrea kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikila si Hesus na tunay na nagmamahal sa akin.
Ngunit may mga pangyayari talagang hindi natin mapipigilan… dahil sa pagkawala ni Andrea, nagvolunteer ako upang magturo sa mga bata ng Sunday School, gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan na ni Andrea at nagdadasal din ako na makatagpo ng kaluluwang mapaglalaanan ko ng buo kong lakas makilala lang niya ang nag-iisa at buhay na Diyos, si Kristo Hesus.
Ako si Eros at ito ang aking kwento.
BINABASA MO ANG
Si Eros, ang Bente Pesos at si Hesus.
ContoAlamin ang koneksyon ng Bente Pesos at ni Hesus sa buhay ni Eros at kung paano siya babaguhin ng mga ito. ----- PS. kung inyo pong nagustuhan ang SI EROS, ANG BENTE PESOS AT SI HESUS, paVOTE po and paSHARE na din sa iba. :) THANK YOU PO! YEY! GOD BL...