CHAPTER SIX: ANG ARAW NG PAGTATAPOS

289 38 17
                                    

March 27, 2004.

                Graduation day na! Yess! Isa na naman to sa mga ipagpapasalamat ko sa LORD, after  9 years ko sa High School eh makakagraduate na ako.. Joke lang 4 years lang syempre but anyways excited na akong magmarcha. Alam na rin pala nila tatay at nanay na nagsisimba ako sa church nila Andrea at ang masaya dun ay hindi sila nagalit at medyo nagtampo pa nga sila kasi daw hindi ko sinabi sa kanila na umaatend pala ako dun, sabi nga nila ngayong linggo ay sasama sila sa aking magsimba. Totoo nga yung sabi ni Andrea sa akin na – when you have faith in Jesus you  and your household will be saved. Sabi niya kasi hindi daw hahayaan ng Lord na hindi maligtas yung mga magulang ko, at totoo nga pero naalala ko din na sinabi niya na dapat daw ay hayaan kong mag-ningning ang aking ilaw, matthew 5:16 daw yun, na pagnakita nang ibang tao ang kabutihang nagagawa ko ay pupurihin nila ang Panginoong sinasamba ko. Wow! Nakagawa na ako ng mabuti sa iba mapapapurihan pa ang Diyos! Hitting 2 birds with 1 stone ika nga ng mga tambay. Kung gusto ko raw maaya sila nanay, tatay at ang aking mga kaibaigan papalapit kay God ay dapat daw ipakita ko ang bunga ng isang tunay na Kristiyano matatagpuan daw ang lahat ng yon sa Galatians 5:22-23.

                Nang gabi ng aking pagtatapos, nandun ang mga importanteng tao sa buhay ko, si nanay, si tatay, Pastor Reuben at si Andrea, pero sila nanay, tatay at pastor lang ang nakita ko? Nasan kaya si Andrea?

April 03, 2004.

                Sabado, panata ko nang samahan si Andrea na magpaphotocopy nang materials para sa Sunday School ng mga bata… naghintay ako sa tapat ng kanilang bahay, kumatok ako ngunit walang sumasagot, naghintay pa ako. at kumatok muli. Bumukas ang pinto. Masaya akong bumati kay Andrea, “Magandang Umaga!”

                Ngunit tumambad sa akin ang maputla niyang mukha at mga labi, mga malulam na mata at matamlay na tinig, nakita ko siya pinilit niya pa ring ngumiti sa kabila ng tila kapaguran niya sa hindi mawaring bagay.

                “Ayos ka lang ba? Mukhang kailangan mong magpahinga?” ang tanong kong may pag-aalala.

                “Ayos lamang ako, tara… sasamahan mo ba ako ulit na magpaphotocopy?” ang tanong niya sa akin.

                “Oo naman, hindi ba’t panata ko nang samahan kang magpaphotocopy.” ang banat kong paulit-ulit kada sabado.

                Hindi na sumagot pa si Andrea, ngumiti na lamang siya at tumungin sa aking mga mata na wari’y nangungusap at nagpapahiwatig ng pasasalamat.

                Naglakad na kami papunta sa Xerox-san… Tahimik, walang nagsasalita sa amin. Ngunit walang bakas ng lungkot akong nadarama.

                “Salamat Andrea.” Ang sabi ko sa kanya sa gitna ng katahimikan.

                “Para saan?” ang tanong niya.

                “kung hindi dahil sayo, hindi ko makikilala ng lubusan si Jesus… baka magulo na ang buhay ko ngayon. Noong araw na sinabi mo sa akin na hayaan kong kumilos siGod sa buhay ko, ginawa ko at natutuwa ako na nagawa ko kasi ang laki ng pgbabago. Salamat talaga ng marami sayo.” Ang paliwanag ko sa kanya.

                “walang anuman, para sa Lord ang lahat… lahat-lahat.. ganun talaga ang duty natin, every soul is precious and important, so sana sa mga susunod na lingo, buwan at taon ay ikaw naman ang makapg-share sa iba ng pag-ibig na naranasan mo sa Kanya.” Ang bilin sa akin ni Andrea.

                “Oo naman, piangdarasal ko nga ngayon na magkaroon na kami ng bible study malapit sa atin para ung mga youth at mga bata dun ay makakilala din, noong una sa totoo lang akala ko korni, hindi pala… sobrang blessed ako sayo at sa mga itinulong mo upang mas mapalapit pa ako kay Lord. Salamat ulit haaa..” ang sagot ko sa kanya.

                “ohh sige na tama na ang drama… manong magkano po.” Ang tanong ni Andrea kay manong.

                “Bente lang po.” Ika naman ni manong.

                “Bente??” ang tanong ko na may kasabay na ngiti. “Sige ako na bahala. Eto po manong ung bente pesos.”

                Naglakad na kami pauwi ni Andrea, habang nasa aming daan pauwi naalala naming ang lugar kung saan kami unang nagkita. Nagkatinginan kami at natawa na lamang.

                “Ang bilis ng panahon.” Ang maluha-luhang banggit ni andrea.

                Pagkatapos niyang sabihin ay bigla niyang nabitawan ang papel na hawak niya, hindi ko na siya pinagpulot, pinaghintay ko na lamang siya sa ilalim ng puno kung saan malilim.

                Matapos kong mapulot ang lahat ay dali-dali na akong bumalik, ngunit sa aking pagbabalik hindi ito ang mga inaasahan kong pangyayari. Nakita ko na lamang na wala nang malay si Andrea… dali-dali ko siyang sinugod sa malapit na pagamutan… ang bilis ng tibok ng puso ko… hindi ko alam ang aking gagawin… nang makarating na kami sa pagamutan ay tinawagan ko ang tita niya… naupo ako sa isang tabi. At naghintay… Patuloy akong naghintay sa kinauupuan ko, nakarating na rin sila Ka Bebe kasama ang aking nanay. Umupo sa tabi ko si nanay, si Ka Bebe naman ay kausap ang doctor. Matapos kausapin ni Ka Bebe ang doctor nilapitan ko siya, “Kamusta na raw po si Andrea?” tanong ko kay Ka Bebe.

                Ngunit hindi ko nakuha ang sagot niya, umupo siya sa tabi nang aking ina at doon nakita kong tumulo ang kanyang mga luha… hindi ko maintindihan… napaano na ba si Andrea..

                Makalipas ang ilang oras ay nagkamalay na rin si Andrea, pumasok kaming tatlo at kinamusta ang kanyang pakiramdam. Ngumiti lamang si Andrea… ngumiti din ako, parang nagkaintindihan kami sa aming mga ginawa. Sa kabila nang kanyang mga ngiti ay bakas pa rin ang sakit na iniinda niya.

                “Magpahinga ka muna, Andrea. Kailangan mong mag-ipon ng lakas.” Ang sabi ni Ka Bebe.

                Sa pangalawang pagkakataon ay sinubuka ko muling tanungin si Ka Bebe sa kalagayan ni Andrea. “kamusta na po ang lagay ni Andrea?”

                Maluha-luhang sumagot si Ka Bebe, “ 2 years ago nadiagnose si Andrea ng colon cancer, madalas kasing sumakit ang sikmura niya noon. Pinacheck-up ko siya at un ang naging findings, nag-undergo kami ng chemotherapy para maisalba siya at sa awa naman ng Panginoon within 6 months ay nakarecover siya. Kaya lang, pagkatapos muli ng ilang buwan bumalik ang pananakit ng tiyan ni Andrea binalik ko siya sa doctor, September 2003 un at nakita na bumalik ulit ang mga cancer cell. Kailangan niya ulit bumalik ng chemo para gumaling siya pero tumanggi na siya, sabi niya -- pangalawang bese na ito tita, alam kong may purpose ang God at kung anu man yon handa akong harapin. Gumaling man ako o hindi bibigay ko pa rin sa Kanya ang aking buhay. Ayaw niyang magpa-chemo dahil hihina na naman siya at maiiwanan niya ng mga bata sa church. At ngayon eto na siya, hinang-hina… sana hindi na lang ako nakinig sa kanya at tinuloy naming ang chemo niya.”

                “May plano nga po siguro ang Diyos though it feels like chaos I know that God is doing something inside her and the people around her. Wag po tayong mawalan ng pag-asa. Let’s continue praying.” Ang sabi ko kay Ka Bebe.

Si Eros, ang Bente Pesos at si Hesus.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon