January 10, 2004.
Naitago ko kay nanay at tatay yung pagpunta ko sa church, mula nung December 07 at hanggang noong January 03, at bukas aarangkada na naman ako. Pero sa ngayon sasamahan ko muna si Andrea na magpa-photocopy para sa Sunday school ng mga bata. So eto na ako, sinundo ko siya sa bahay nila.
“Andrea... Andrea… “ ang tawag ko sa kanya. Bumukas ang pinto at lumabas si andrea.
“Kamusta?” ang tanong ko sa kanya.
“Eto ayos naman. Ikaw? Sasamahan mo ba akong magpa-photocopy?” sagot at tanong niya.
“Oo naman, hindi ba’t panata ko nang samahan kang magpa-photocopy.” Ang banat ko.
Sinamahan ko siyang maglakad… papunta sa Xerox-san. Tahimik, parang walang gustong magsalita sa aming dalawa. Wala akong maitanong, tila naubos ang mga banat at pambobola ko.
“Mukhang tahimik ka ngayon haa?” tanong ni Andrea.
“Wala kasi akong maitanong o masabi ee.” Ang sagot ko.
“Oh sige ako na lang ang magtatanong.” Ang pagbo-volunteer ni Andrea.
“kamusta ang prayer life mo?” ang una niyang tanong sa akin.
“Prayer life? Ahhhh… ehhhh… pagdadasal yun diba? Ahmm… ok naman.” Ang di ko mawaring sagot.
“Importante ang pagdadarasal sa buhay ng tao, tandaan mo yan Eros. Yan kasi ang magkokonekta sa atin sa Lord. Parang cellphone yan, hindi mo matatawagan ang isang tao na nasa malayong lugar kung hindi ka gagamit ng cellphone. Di ba?” ang paliwanag ni Andrea.
“Saan ilalagay ng Lord ang mga biyayang hinanda niya para sayo at para sa pamilya mo kung hindi ka tatawag sa kanya. Those who never ask have no right to receive. Wag ka nang mahiyang tumawag sa Kanya, wala ka naman ding ibang malalapitan kundi Siya eh.” Dagdag pa niya.
“Ganun ba? Hmmm.. sa totoo lang andrea hindi ako marunong magdasal eh, pwede bang turuan mo ako?” ang sinabi ko sa kanya.
“ Ganito, pagmagdadasala ka lagi mong tandaan ung A.C.T.S.” ang pagmamalaki niya.
“ACTS?” ang curious kong tanong.
“A stands for Adoration; papuri, worship or praise mo sa Lord, C stands for Confession; ang paghingi mo ng tawad sa mga kasalanan mo, T for thanks giving; ang pasasalamat mo naman sa lahat ng mga natanggap mo, and S for supplication; eto na ang main event, eto na ung hingian portion sa Lord na tiyak kong gustong-gusto mo.” ang paliwanag pa ni Andrea. “Gets mo ba?” pahabol ni andrea.
“Oo naman nagets ko syempre, salamat, ganun pala magdasal… purihin mo si God, magkumpisal ka sa Kanya, magpasalamat sa mga biyaya Niya at humingi ng pangangailangan mo. ACTS. Tatandaan ko yan andrea, salamat haaa..” ang conclusion ko sa mga sinabi niya na may kasamang paghanga.
“Tandaan mo haaa at siya nga pala pagkatapos mong magdasal wag mong kakalimutan sabihin sa huli yung – sa pangalan ni Jesus. Amen. Kailangan kasi sigurado yung patutunguhan ng dasal mo.” paalala niya. “ohh ayan na pala ung mga pinaphotocopy natin eh. Magkano po manong?”tanong ni Andrea kay manong.
“Bente pesos lang po lahat-lahat” ika ni manong.
“Bente??” napangiti ako sa pagbanggit ko nito. “Ako na amgbabayad. Eto po ohh”
Sa pag-uwi ko nang bahay ay patuloy ko pa rin iniisip ang mga sinabi sa akin ni Andrea na importante nag pagdadarasal, na sinong tatanggap ng mga biyayang nakalaan para sa akin kung hindi ako hihingi? Kaya nung gabing iyon… nakoornihan man ako, pero sinubukan kong magdasal.
“Lord, kayo nga po ay isang malaking Diyos, tulad ng sabi ni Andrea wala po kayong katulad. Patawarin Niyo po ako sa kasalanan kong nagawa ko, sa mga bagay na alam kong hindi Niyo po gusto na nagawa ko, sorry po. Nagpapasalamat po ako sa biyayang binigay Niyo sa aming pamilya, sa aking nanay na pinagluluto at pinaglalaba ako at sa tatay ko na nagtratrabaho para maitaguyod ang pamilya namin. Lord ang hiling ko lang po ay maging masaya ang pamilya ko araw-araw at magkaroon kami nang masaganang buhay. Ito lamang po ang dasal ko sa pangalan ni Papa Jesus. Amen”
![](https://img.wattpad.com/cover/3544624-288-k143648.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Eros, ang Bente Pesos at si Hesus.
Historia CortaAlamin ang koneksyon ng Bente Pesos at ni Hesus sa buhay ni Eros at kung paano siya babaguhin ng mga ito. ----- PS. kung inyo pong nagustuhan ang SI EROS, ANG BENTE PESOS AT SI HESUS, paVOTE po and paSHARE na din sa iba. :) THANK YOU PO! YEY! GOD BL...