February 15, 2004.
Kakatapos lang nang valentines noon, pero wala akong date. Sinamahan ko kasi noon si Andrea na magpaphotocopy. At ngayong Sunday ay sumama uli akong magsimba sa kanya.
“Anung title nian?” ang bulong ko sa kanya habang nakapikit siya at nakataas ang kamay.
“Heart of Worship.. shhhh.. wag ka na ngang magulo.” Ang sagot naman niya.
“Ahhh Heart of Worship… im sorry Lord for the things I made, when it’s all about You, it’s all about You Jesus.” Ang pagpapatuloy ko sa pagkanta.
Natapos na ang praise and worship. Yesss! Ngayon ay alam ko na ang tawag dun, worship team pala at hindi banda… ang banda nagpeperform para sa mga tao pero ang worship team nagwoworship sa LORD, walang halong pagpapakitang tao o gilas kundi tamang puso at pagsamba lamang sa Diyos. Ang dami ko nang natutunan dahil kay Andrea.
“Sa tuwing binabasa ko ang bagong tipan isang bagay lang ang pumapasok sa aking isipan, bukod sa walang hanggang pagmamahal ni Hesus na pinakita Niya sa pagkamatay Niya sa krus, sinasabi Niya – Wala Akong paki-alam kung anuman ang kinahinatnan ng buhay mo, wala Akong paki-alam kung anuman ang naging kasalanan at pagkukulang mo. Ang gusto Ko lamang ay umuwi ka na sa piling Ko.” Ang bungad ni Pastor Reuben.
“For God so loved the world that He gave His one and only begotten Son that whosoever believes in Him will not perish but will have an everlasting life. John 3:16” dagdag pa niya.
“Ganun na lamang, ganun na lamang, upang maligtas ka sa kasalanang ikaw mismo ang gumawa ay nagpakapako Siya upang tubusin ang lahat ng iyon, lahat ng iyong kasalanan; past, present and future. Pero hindi dahil sa tinubos na Niya ang lahat ng iyong mga kasalanan ay may karapatan ka nang magkasala, dahil kung totoong naniniwala ka sa paglilgtas na dulot ni Hesus, dadalin ka nang mga balitang ito sa iyong tuhod, upang magdasal at umiyak dahil sa habag na binibibigay Niya sa atin. Sino ba ako? Sino ka ba para kanyang iligtas? Hindi bat isa lang tayong maduming basahan sa Kanyang paningin ngunit dahil sa pag-ibig, tayo’y naligtas.” Ang buong pusong paglalahad ni Pastor Reuben.
Saglit akong nawala sa aking pakiramdam, tila binuhusan ako nang malamig na tubig sa mga salitang narinig ko? Sino nga ba ako? Ano ang maipagmamalaki ko sa Kanyang harapan?
Tumingin si Andrea sa akin, “Ayos ka lang ba?”
“Grabe pala ang pagmamahal ni Jesus para sa atin, para sa akin?” ang maiyak-iyak kong sagot sa kanya.
“Hindi ko kayo tatawagin sa harapan upang patanggapin, walang nakalagay sa Bibliya na tinawag ni Hesus ang mga tao upang tanggapin Siya ng mga ito sa kani-kanilang mga puso, nang sinabi nang Bibliya na – accept Jesus, hindi iyon passive kundi active, to accept Jesus is to have faith in Him, to repent from all your transgressions and believe on what He did on the cross, His finish work, imbes na altar call, pauuwiin ko kayo ng maaga and if you really desire God you will go alone, you will go to your knees and cry out for His mercy and help. Let’s pray.” ang pagtatapos ni Pastor Reuben.
Ano ito? Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Tila walang laman ang aking katawan, magaan pero mabigat. Masaya pero may lungkot. May tuwa ngunit may luha. Dali-dali na rin akong nagpaalam kay Pastor at kay Andrea.
“It feels like chaos but God is doing something inside you na one day you will thank Him sa pagkakataong ito. Just let God move within you, don’t stop praying until He forgive and accept you as His son. God bless you Eros.” Ang paalala ni Andrea bago ako umalis.
Umuwi na ako sa bahay, hindi ko na napansin ang pagkain. Dali-dali akong pumunta nang kwarto at lumuhod. “Gusto Kita Panginoon.” Ang iyak ko sa Kanya. “Patawarin Mo ako O’ Diyos sa mga kasalanan ko, patawarin mo ako sa mga latay na idinagdag ng mga pagkakasala ko. Wala po akong maipagmamalaki sa Inyo, pero God wala na rin naman po akong ibang malalapitan, Kayo lamang ang may kakayahang iligtas ang isang tulad ko na makasalanan, inaamin ko po ang aking kahinaan. Kailangan ko po Kayo, kailangan Kita sa buhay ko…”
Nang araw na yun, hindi ako tumigil hanggang sa patawarin ako ni God. At alam ko noong araw din na iyon, iniabot Niya ang kanyang mga kamay upang sagipin ako sa pagkalunod sa aking mga kasalanan. Alam kong inilayo Niya ako sa sawang aking pinapataba na pagdating ng panahon ay lilingkisin ako at papatayin. Tama si Andrea, it feels like chaos but after all of it, everything will be as good as it can be. We don’t see how God moves in our life and around us, all we have to do is trust and believe; have faith.
BINABASA MO ANG
Si Eros, ang Bente Pesos at si Hesus.
Короткий рассказAlamin ang koneksyon ng Bente Pesos at ni Hesus sa buhay ni Eros at kung paano siya babaguhin ng mga ito. ----- PS. kung inyo pong nagustuhan ang SI EROS, ANG BENTE PESOS AT SI HESUS, paVOTE po and paSHARE na din sa iba. :) THANK YOU PO! YEY! GOD BL...