Hallucinate
Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko, tumama agad sa'kin ang sinag ng araw. Kakagising ko lang at maghahanda na para pumasok.
Basa na naman pala ang sahig, umulan na naman siguro kagabi nang hindi ko namalayan dahil sa sobrang pagod kahapon. May butas kasi itong inuupahan kong apartment. Kinuha ko ang tuyong basahan sa ilalim ng lababo at pinunasan ang sahig nang may kumatok.
"Sino ho 'yan?" At binuksan ko ang pinto. "Ah, ikaw pala Ate Lusing. Idadaan ko na sana mamaya 'yong bayad ko bago ako pumasok. Tara pasok po muna kayo."
"Ikaw talagang bata ka. Pumunta na rin ako rito para idaan sa'yo ang mga gulay na nabili ko. Galing kasi akong palengke," dumiretso naman si Ate Lusing sa lamesa. Siya ang may ari ng tinutuluyan ko ngayon.
"Gusto niyo po ng kape, Ate Lusing? Magtitimpla po ako," sabi ko.
"Ano ka ba, h'wag na. At saka, nangangayayat ka Hija. Babad na babad ka na naman siguro sa trabaho, ano? Ikaw talagang bata ka," wika ni Ate Lusing sa'kin at lumapit para tignan ako ng mabuti."Pati 'yang mga mata mo, ang laki na ng eyebags. Sabi ko naman sa'yo, huwag mong ipilit na maalala ang mga iyon hindi ba? Masyado mong ini-istress ang sarili mo."
"Si Ate Lusing talaga. Hindi ko naman po pinipilit," ngiti ko. "May mga naalala po ako pag nanaginip ako pero hindi po malinaw." Sana pwede ko rin pong sabihin sa inyo ang pangyayaring hinahabol ako hanggang sa panaginip.
"Sige na, mag-asikaso kana. Mauuna na ako. Kainin mo 'yang mga gulay na 'yan. Walang bayad ang mga gulay," at umalis na si Ate Lusing pero hinabol ko siya.
"Ate Lusing, heto po 'yung bayad ko sa renta ngayong buwan at sa susunod," inabot ko kay Ate Lusing ang bayad pero binalik niya rin sa'kin.
"'Wag kana magbayad para sa buwan na ito, Hija. Gamitin mo na lang 'yan. Ang akin na lang ay ingatan mo ang sarili mo," niyakap ako ni Ate Lusing at umalis na.
Si Ate Lusing talaga ay hulog ng langit! Hayyy, salamat. Napangiti na lang ako pero napawi rin ito ng makita ko na nag-iisa na lang ulit ako. Wala na 'kong magulang. Wala akong kapatid, o kung may kapatid nga ba talaga 'ko.
Wala kasi akong maalala. Tatlong taon nang nakakalipas mula noong wala na akong maalala. Pero isa lang ang naaalala ko ng malinaw pero parang bangungot sa'kin. Isang bangungot na sa loob ng tatlong taon ay hinahabol ako.
"Ariden! Nasa'n kana? Ano ba 'yan ang bagal mo talagang babae ka. Papasok na ko, ah!" Narinig kong sabi ni Chesca.
"Nasa cr ako, Ches. Naliligo na 'ko. Maaga ka lang talaga, 'wag ka nga," sabi ko at tumawa.
"Blah Blah, whatever. Pa-charge ako, Ari. Na-istress talaga ako sa thesis namin, mabuti na lang tapos na," at patuloy ang kaniyang pagsasalita, ako naman ay tumatawa lang sa tugon.
Makalipas ang trenta minutos ay lumabas na ko na naka-bihis na, magsusuklay na lang.
"Ari, ang haba ng buhok mo. Hindi ka ba magpapagupit? Mula noong nakilala kita 2 years ago, hindi man lang kita nakitang umikli ang buhok mo," sabi ni Chesca. Humarap naman ako sa salamin at nagsuklay. Nakaupo naman sa sofa si Chesca.
"E, ayoko rin. Kahit sobrang init, ma-imagine ko lang na maikli 'yong buhok ko parang may weird na feeling, e," sabi ko at pinagpatuloy ang pag-suklay sa mahaba kong buhok.
"Weird feeling? Akala ko ikaw lang ang weird pati pala 'yong feelings mo," at tinawanan niya ako. Ang lakas talaga nito mang-alaska. "Tara na, sa daan kana lang mag-suklay baka ma-late pa tayo. Pagalitan pa tayo ni Manager."
BINABASA MO ANG
Testigo
Fantasy"It is surreal to think how cruel the world for us and in able to live, you need to accept the fact that you're not alone in this world." (Hiatus)