KABANATA 3

211 81 36
                                    

Heights.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ba't ba ang weird ng buhay ko?

"Saan ba kasi 'yun? Alam mo ang weird weird na ng buhay ko mas lalo pang wi-weird ng dahil sayo." sabi ko sa kaniya ang medyo lumayo at nagpunas ng pawis.

"Dati ng weird ang buhay natin, Ariden. What's wrong with weird? It's cool." presko niyang sabi at nagpunas rin ng pawis.

Bumilis ang tibok ng puso ko! Oh my god! nag-angat kasi siya ng kamay, yung mga veins na naman niya ang nakikita ko. Isama mo pa yung buhok niyang nakabagsak ngayon dahil sa basa sa pawis. Hindi ko naman sinasabi na gwapo siya sa lagay na yun pero wala pa kasing nagpapabilis ng tibok ko ng ganito, ano ba naman, Ariden!

"Ano... Kailan tayo aalis dito? Kasi nakikita mo naman na pinagpapawisan na tayo rito, oh." kunware galit na ko sa tono ko. Napatayo naman siya at tumingin muli sa butas. May pinasukan kasi kaming maliit na bahay matapos naming makalabas doon sa ilalim ng mansion.

"Ngayon na. Aalis na tayo ngayon na mismo." sabi niya at humarap sa bato na kaninang hinawakan niya. Nagpagpag ako ng damit ko at medyo lumapit sakaniya. Very very light lang yung paglapit ko. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niyang pakikipag-usap dun sa... dun sa bato.

"J naman, ano bang nangyayari sa iyo? Pati ba naman bato kakausapin mo? Kung ako na lang yung kinakausap mo, nakatulong kapa sa akin. Ang alam ko ako ang weird dito dahil wala akong maalala pero..." sabi ko sakaniya at tumalikod na naman. Kung di lang madilim dito kanina pa ko bumalik at pumunta sa bahay ko pabalik.

"Ariden, wag kang lumayo. Lumapit ka ulit sa akin. Pag ikaw nakuha nila, hindi ko na alam ang gagawin ko." narinig ko yung una niyang sinabi pero yung huli hindi na. "Kumapit ka lang sa akin. 'Wag na makulit, Ariden. Please."

Napatahimik na lang ako. Hinawakan niya muli ang kamay ko kasi inalis ko yung kapit niya kanina.

Tsansing rin tong isang to, ano? Patuloy niya pa rin kinakausap yung bato. Di ko na alam kung sino yung may kulang kulang sa sarili eh, kung ako pa ba o siya.

Naramdamn ko naman na nagugutom na 'ko, hindi kasi ko nakakain kanina kaya siguro ganito. Ano ba yan, wrong timing naman.

"J, nagugutom na ko. Matagal pa ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya pero hindi ko pa rin siya ginagawang tignan.

"Just five more minutes, Ariden. Okay?" sabi niya. Tumango na lang ako, siguro naman nakita niya ang pag-tango ko.

Maya-maya pa sa katahimikan ng paligid namin ni J, may narinig ako pero pumikit na lang ako. Nakakatakot kasing tunog yun. Matinis. Masakit sa tainga. Ano ba to!?

Unti-unting nangibabaw ang tunog na yun sa utak ko. Nakapikit ako ngayon at hawak ko ang noo ko. M-may mga pumapasok na naman na alaala sakin!

Ikaw ang nag-iisang sa pamilya natin na bukod tangi, Ariden. Wag kang magaalala sayong kinabukasan dahil panatag ang aming kalooban na hindi ka papabayaan ng ating pamilya. Ng ating henerasyon.

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Iyong mga narinig ko, dati ko na 'yun naririnig. Paulit ulit! Nakakasakit ng ulo! Piniglas ko ang hawak ni J sa akin.

"Bitiwan mo na 'ko! Gusto ko na bumalik sa bahay ko! Ayoko na!" at hindi ko alam pero may tumulong luha sa mga mata ko. Naging dahilan yun para siguro ay bitawan na rin ako ni J.

"Please, Ariden. Nahihirapan din ako kapag nahihirapan ka. Kaya nga kinuha na kita, di ba? Para mapanatag na ang loob namin na safe ka." sabi niya ng mahinahon. Pero hindi ko pa rin matigil ang pag-iyak ko.

"Bakit ba ako? Bakit ba ako yung nandito sa sitwasyon na 'to? Pwede bang wag na bumalik yung alaala ko? Ayoko ng ganito." sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang yakap niya. Hinagod niya ang likod ko pero sa ginawa niya mas lalo lang akong umiiyak.

TestigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon