KABANATA 4

203 79 34
                                    

Books.

Nandito ulit kami sa isang kainan. Sina Captain Harold at J naman naguusap doon sa labas.

Naramdaman ko ang gutom nung nakababa na kami galing eroplano ni Captain Harold. Sabi ni J nandito pa din daw kami sa pilipinas. May kakausapin lang daw sila para sa gagamitin namin sa mahaba-habang biyahe.

Napatingin na naman ako sa mga paligid, hindi katulad doon sa kinainan namin ni J kanina, mas simple dito. Nakikita ko na rin ito sa mga TV commercials.

Pinagtataka ko lang, bakit ayaw nila kumain pareho. Ni-hindi ko nga nakita na kumain si J kahit biscuit simula nung umalis kami sa mansiyon.

Ewan, basta ako.. hangga't libre itong pinapakain nila sa akin? Kakain ako. Minsan lang naman ako makakain ng ganitong pagkain atsaka tinanong ko naman si J kung kailangan ko bang bayaran ito, tinawanan lang ako. Pero para sa akin, hindi ang sagot niyang iyon.

"Ang sarap ng pagkain, grabe."

Papalapit sina Captain Harold at J kaya nagpunas agad ako ng bibig at umayos ng upo.

"Tapos kana ba?" tanong ni J at um-oo naman ako. Kaso binalik ko ang tingin sa plato. May pagkain pang natitira. Sayang. Ubusin ko muna kaya?

Napaubo si Captain Harold sa tabi namin at umupo na sila sa tabi ko.

"Sige na, ubusin mo muna." sabi ni J. Ngumiti naman ako sa kaniya at kumain muli. Nakita ko ang pag-ngiti ni Captain Harold sa gilid ni J. Nagulat yata siya na napatingin ako sa kaniya kaya nag-sorry siya bigla.

"Ha? Ba't ka nagso-sorry, tinignan lang naman kita?"

Siniko naman siya ni J sa dibdib. "Ano kasi.. Yung dating ikaw? Ayaw mong tinitignan ka habang kumakain tsaka hindi mo inuubos ang pagkain mo."

Kumot noo naman ang noo ko sa sinabi ni Captain Harold tsaka natawa na rin ako sa dati kong sarili. Maarte ba 'ko dati? Grabe.

"Talaga? Ang dami kayang hindi nakakakain na mga tao sa ngayon. Hindi pwedeng magutuman! Yung ibang tao nga, isang beses lang sila kumain sa isang araw." nakangiting sabi ko sa kaniya. Totoo naman. Sa tatlong taon kong nabuhay mag-isa, nakita ko ang mga sakripisyo ng ibang tao may maipakain lang sa mga kani-kanilang pamilya.

Napaubo si Captain Harold. "What? Tao?"

"Oo, bakit? Tao. Tao tayo, di ba." kinain ko ang huling parte ng pagkain ko at uminom ng tubig.

Nagtinginan sina J at Captain Harold.

Kaunti na lang talaga, iisipin ko na may tinatago 'tong dalawang lalaki na 'to.

"Okay na? Let's go back to the airport. Mahaba-haba pa ang biyahe natin." tumayo na si J at sumunod naman kami ni Captain Harold. Hindi naman kalayuan yung airport na pinag-landingan namin kaya ilang minuto lang ay nakabalik rin kami agad.

Bago dumiretso sa loob ay may lumapit na mga flight stewardees sa amin- joke, kina J at Captain Harold lang pala lumapit.

Nasa likuran lang ako habang pinapakita nila ang laman ng paper bag na hawak nung apat na babae kina J.

"Das sind die Kleider, Sir. Wir wählen den künstlerischen Designer persönlich aus und stellen ihn ein. Der Stoff wurde ebenfalls überwacht und sichergestellt, dass die Transaktion bei Ihrer Bestellung reibungslos verlief." sabi nung babae. Napatingin ako sa kaniya nang matapos siyang mag-salita.

TestigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon