KABANATA 10

68 28 5
                                    

Dejavu.

Halos kanina pa kami sa byahe. Ang kabog ng dibdib ko ay ganun pa rin. Nasa loob kami ng sasakyan ni J. Siya ang nagma-maneho, nasa harap rin si Cassius at katabi ko naman si Amber.

Walang kumikibo sa'min kanina pa.

Panay ang lingon sa'kin ni J at Cassius.

Okay naman ako, ang kinakaba ko lang ay ang nangyayari. Wala kasi akong alam matapos kong matanggap 'yung box. Parang may kung ano ang nakapag-trigger kay J ang magalit at mag-desisyon na aalis na kami sa hotel.

"Ri, I'm sorry we need to leave the hotel immediately, ha?" Biglang sabi ni Amber.

Binigyan ko siya ng matamis nga ngiti. Bakas sa kaniya ang pagaalala kaya siniguraro ko lang na ayos lang ako.

"Saan nga ulit tayo pupunta?"

"To your mansion."

Tumango na lang ako. Hindi na muna siguro ako magtatanong. Hinayaan ko na lang ang nakakabinginh katahimikan sa kotseng ito. Kung magtatanong ako ay baka hindi ko rin kasi maintindihan.

"Tulog ka muna," suhestiyon ni Amber.

Ilang oras na nga kami buma-biyahe, siguro ay malayo layo pa kaya naisipan ko na lang na matulog gaya nang sabi ni Amber.

Naramdaman ko ang lamig dahil sa aircon siguro. Niyakap ko ang sarili upang sana ay maibsan ang lamig pero nakita kong inabot ni Cassius ang jacket niya. Ngumiti ako at kinuha iyon pero ganun na lang ang gulat ko nang magtama ang balat niya sa balat ko.

Sobrang lamig.

Alam kong naramdaman ko na ang lamig ng balat kina J, Harold at Dawn. Pati rin pala sa kanila ay mararamdaman ko 'to?

Napakunot ng noo si Cassius nang hindi ko pa kinuha ang jacket niya. Umiling na lang ako at kinuha ang jacket.

"Salamat."

Ang mga malalamig nilang balat ay ang naging dahilan ko para matulala ngayon. Ang panlalamig ng kanilang balat ay kinababahala ko. Hindi ba dapat kapag buhay ka ay may kaunting init sa'yong katawan? Nasa labas ang tingin ko habang iniisip ang mga katanungan na bumabagabag sa'kin.

Napalunok na lang ako at hinayaan na tangayin ng antok.

"Ri, saan kana naman pupunta mamaya?" Tanong ni Red habang nasa taas kami ng bundok.

"Pupunta na naman siya sa club!" Sigaw ni Dawn at tumawa. "Sama mo naman kasi kami, Ri! You're so selfish ha!"

Umupo ako sa malaking bato. "No."

"Bakit hindi? Sabihin mo na kasi sa'min para hindi ka namin kinukulit," si Amber.

Humiga ako sa bato at nakatingin sa langit. Gabi na nga. Ang mga ulap at bituin ay naggagandahan ngayon. Pati ang half moon ay kumakaway sa kinang.

"Don't force her to say where she headed to, pwede naman natin siyang sundan," si Cassius. Agad kong binaling ang tingin sa kaniya. "Just kidding, Ate! We won't do that!"

Tumawa silang tatlo.

"How's Tito Vlad pala, Ri? Narinig kong hindi sang-ayon ang Council?" Tanong ni Amber.

Nagkibit balikat lang ako. Si Red ang nagsalita.

"Mas mataas pa rin naman si Tito Vlad. Councils won't exist because of the Royal Vamps," he smirked.

Nag-usap pa sila tungkol doon. Hindi na 'ko umimik dahil akupado ang isipan ko sa mga oras na 'to.

"Ambs, where's Harold?"

TestigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon