KABANATA 7

157 58 13
                                    

Dyamante

"Ano iyon, J?" tanong ni Red.

"Nothing, I just wanna check her," paalis na rin sana si J ngunit nagsalita na naman si Red.

"Pasok ka muna?"

Hindi. Wag muna. Sana! Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Mamaya ka sa akin, Red!

"Wait, tanong ko muna pala sa pinsan ko. Baka nahihiya siya na may ibang tao, e," nakakalokong tinignan ako ni Red. Sinasabi ko talaga sa iyo, Red!

Baka mapahiya ako kay J nito.

"Okay lang naman. Hindi naman akin itong silid, e.." mahina kong sabi at tinuloy ang pagkain.

Hindi na pumasok si J kaya sinarado na ni Red ang pinto. Agad akong kumuha ng unan para maibato sa kaniya.

"Bakit?! Hindi naman niya alam na nahihiya ka sa kaniya, e," umupo na muli siya sa tabi ko.

"Nahihiya ako magtanong, hindi kung ano man ang nasa isip mo."

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Nag-kwentuhan na rin kami. Nabanggit niya sa akin na marami akong kailangan malaman tungkol sa pamilya namin. Noong una ay hindi ko siya gets pero sabihan ko daw sila kapag handa na ako.

Iniisip ko kung may mga naiwan akong mga responsibilidad. Kung nag-aaral pa ba ako, hindi kasi binanggit ni Red iyon kanina. Kung nag-aaral ako, ano kaya course na kinuha ko? Iniisip ko pa lang ay natutuwa na ang puso ko. Nabanggit lang ni Red ang mga iilang nangyari sa amin noong mga bata pa lang kami. Mukha naman'g normal na bata lang kami. Maayos na napalaki ng mga magulang namin. Isa rin sa nagpapabagabag ng isipin ko ngayon ay ang nasabi ni Red na i-handa ko ang sarili ko sa pagbalik namin doon. Nagtanong rin siya ng mga tungkol doon sa librong pinakita ni J habang nasa eroplano kami.

Kibit balikat ko na lang iyon sinantabi para isipin. Nag-ayos na ako dahil pinasabi ni J na mag-ayos na ako at may kikitain daw kami sa restaurant malapit rito.

Matapos kong maligo ay sinuot ko ang roba na nakalagay doon. Isa-isa kong nilabas ang mga damit sa binigay ni J na paper bag.

Laman nito ang anim na damit.

"Sana sinabi man lang niya sa akin kung sino ang kikitain namin para maibagay ko kung ano ang susuotin ko."

Sa huli ay pinili ko ang black square pants, puting halter na may zipper sa likod. Nang tignan ko ang sarili sa malaking salamin na narito sa kwarto ay napansin ko ang pamu-mutla ng labi ko. Natural na iyon sa akin mula noon.

Habang naglalakad pababa ng hagdan ay nagsusuklay na rin ako. Narinig ko ang ilang katok.

"Hi, Ri! Are you done?" tanong ni Harold.

"Oo, kaunting suklay na lang. Pasok ka muna."

Pumunta si Harold sa sala at umupo. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-plain black round neck shirt, maong pants at boots lang ang kasuotan niya.

"Sino pala ang makikita natin doon? Hindi binanggit ni J, e."

Hindi niya iyon nasagot dahil may kumatok muli. Nag-presinta si Harold na siya na ang magbukas. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy ako sa pagsusuklay.

"Is she done?" boses iyon ni J kaya sumilip ako. Nakita kong naka-pula siyang coat, itim na panloob at slock pants na nakatupi ang mga dulo. Naka-casual boat shoes din siya na itim.

"Heto na, tapos na," nilapag ko na ang suklay. Tumingin ako sa paa ko dahil wala pa akong suot na sapatos.

Lumabas si J at maya-maya ay nakasunod na si Red sa kaniya bitbit ang tatlong box.

TestigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon