KABANATA 5

187 70 20
                                    

Germany.

"Sorry, I have to wake you up. Natulog ka kasi bigla kanina nang hindi kumakain. It's been seven hours, tuloy tuloy ang tulog mo."

Kinusot ko mata ko. Grabe. Antok na antok pa rin ako. Matapos kasi yung narinig kong usapan nila J at Harold, natulog na rin ako. Naguguluhan ako sa sinabi nilang yun.

Napatingin lang ako sa pagkain'g nasa harap ko. Napatitig ako sa juice kasi gumagalaw.

"Malapit na rin tayo mag-landing kaya medyo magalaw ang mga gamit. Sige, kain kana."

Umalis na si Harold sa gilid ko, bumalik doon sa harapan.

Tumingin ako sa bintana, gabi pa din.

Kinuha ko ang kutsara para simulang kumain. Nagutom ako. Pitong oras din ang tulog ko. Eto lang ata ang tulog na pinakamaaga ko.

Simula nung nagtrabaho, halos magha-hating gabi na kung umuwi at matulog. Kapag papasok naman, kailangan ng maaga rin... kaya siguro kulang na kulang din ako sa tulog. Idagdag mo pa yung napapaniginipan ko kaya nahihirapan ako matulog ng tuloy-tuloy.

Naubos ko ang pagkain na binigay nila. Napatingin ulit ako sa bintana. Hindi ko na alam kung saan kami papunta. Ang alam ko lang, may tiwala ako sa mga kasama ko na parang matagal ko na sila kakilala.

Habang nakatingin ako roon ay nabalutan din ako ng takot.

Handa na nga ba ako para harapin ang nakita ko?

Lumalakas ang pintig ng puso ko ngayon. Napahawak tuloy ako.

"Kalma, Ariden. Kalma."

Hinawakan ko ang kwintas ko.

Maayos pa kaya ang buhay ko ngayon? Kung iisipin parang hindi madali mabuhay sa tatlong taon na wala man lang ako naaalala ni-isa sa nakaraan ko.

Mula noon nagtataka na ako kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng maii-stock sa memorya ko, iyong hindi pa katanggap tanggap.

Inisip ko noon, ganoon siguro ka-krimen ang mga buhay. Hindi mo kontrolado ang isip at gawain ng isang tao. Hindi natin hawak ang kanilang buhay, kung nanaisin man nila na gumawa sila ng mabuti o masama. Hindi natin sila pwedeng hatakin dahil lang sa sariling pananaw.

Marami akong trabaho kasi gusto kong magpatingin. Akala ko nga nababaliw na ako. Naisip ko na rin noon na baka hindi maniwala ang mga pagsasabihan ko kaya walang nakakaalam sa mga nangyayari sa akin tuwing gabi.

Si Ate Lusing na may ari ng tinutuluyan kong apartment, kahit ilang beses niya akong tanungin kung ano nga ba ang pinag iipunan ko ay hindi ko naman talaga masabi. Matanda na siya, baka hindi niya kayanin ang mga sasabihin ko at lalo na baka atakihin sa puso iyon! Baka palayasin pa 'ko sa apartment ng wala sa oras.

Ang kaibigan ko naman'g si Chesca, hindi ko rin masabihan dahil sa saglit na pagkakakilala ko sa kaniya... alam ko na na hindi siya maniniwala doon. Baka umiwas siya sa akin at baka kumalat sa buong baranggay. Ako pa ang dehado kapag nagkaganoon.

Isinantabi ko ang pinagkainan ko. Nakita ko naman iyong box na nilagyanan ni J ng mga librong pinakita niya sa akin kanina.

Ang mga ganung klase ng libro ay nasa imagination lang ng isang author. Mula noon, hindi ako naniniwala na may mga ganyang bagay.

Sa baranggay nga namin ay may kumalat na aswang tuwing gabi raw. Target daw nun ay ang mga buntis. Kung hindi aswang, tiktik ang mga sinasabi nila. Hindi naman ako naniniwala dahil hindi pa ako nakakakita ng ganoon.

Marami nang kumalat sa baranggay namin pero ang lahat naman'g iyon ay chismis lang. Walang patunay. May mga rumonda na rin kasi na mga tanod sa amin tuwing gabi at wala naman silang nakita miski anino.

TestigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon