Chapter 6

324 7 7
                                    


Yul's POV

6:30 pm na wala pa din si Sica, san na kaya napunta yon. Ang sabi niya lang kasi sakin makikipagmeet lang siya sa kaibigan niya e, pero kanina pa siya umalis. Mga 12 palang umalis na siya.

"Bro, buksan mo to."sabi ni Taeng habang kumakatok sa pintuan.

Binuksan ko yung pintuan, pagkabukas ko bumungad sakin ang busangot na mukha ni Taeng.

"Problema mo bro? Para kang nalugi."tanong ko . Pustahan tayo, tungkol kay Tippani yan. Pupunta lang naman yan dito sa dorm namin pag may problema siya kay Ppani eh haha.

"Si Ppany kasi."Sabi niya sabay pout.
Sabi ko sa inyo eh tungkol kay Tippani yan hahahaha.

"Ano nanamang meron sa inyo ni Tipp? LQ nanaman ba bro?"

Pagkatanong ko niyon sinuntok niyako sa balikat.

"Abnormal ka bro? LQ ka jan, wala ngang kami eh."sabi niya at lalo pang bumusangot yung mukha niya.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang ligawan?"

"Bat ikaw? Bat ayaw mo pang ligawan si Sica?"ganting tanong niya sakin habang nakangiti ng nakakaloko habang tumataas baba pa yung kilay.

Minsan ito di ko alam kung may saltik o kalalabas lang ng mental eh. Kanina nakabusangot tas ngayon grabe makangiti.

"Nako Taeng, wag mong pinapasa sakin yung tanong ko. Sagutin mo muna yung tanong ko."pagkasabi ko niyan, bumusangot nanaman siya.

Sabi sa inyo eh, baliw na to hahaha.

"Eh kasi baka di pumayag si Ppany, baka wala siyang gusto sakin. Malay natin one sided love lang. Baka...."tinakpan ko yung bibig niya, ang ingay eh.

"Alam mo bro, di mo malalaman yan kung di mo susubukan, malay mo may gusto siya sayo hinihintay ka lang niyang gumawa ng move."napayuko naman siya sa sinabi ko.

I pat her back at iniwan muna siya sa kwarto para makapag-isip.Pag kalabas ko ng Salas napaisip ako kung tatawagan ko ba si Sica o hindi.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan siya. Nag-aalala na talaga ako eh. Hinanap ko yung pangalan niya sa contact ko at tinawagan siya .

*kringgggg.... kringgg..*

Pagtapos ng tatlong ring,nagsalita ako.

"Hello?"

"Hello?"boses ng lalaki.

Nabagsak ko yung phone ko galing sa tenga ko.. Fvck, Sino yon?

***********

Sorry po kung di nakakapag-update. Wala po kasing wifi e😁. Babawi nalang po ako this month😄.

(Taeny&Yulsic) Friends Turns Into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon