Sooyoung's POV
3 araw na simula nung umalis si Yuri ng dorm nila, 3 araw na din siyang absent sa school, at 3 araw na ding naguguilty si Jessica sa nasabi niya kay Kwon.
Eto kami ngayon, kumakain ng tahimik. Simula nung umalis si Kwon, at di pumapasok, lagi kaming ganto katahimik tuwing break. Walang nagsasalita at walang nagiimitate nang usapan na konektado sa pag-alis ni Kwon, kasi alam nilang may isang iiyak sa amin.
"Guys naman.. di ako sanay na tahimik kayo."sabi ni Sunny.
Kasi kahit yung pinakamaingay sa grupo, which is si Hyo,Taeng,Yoong at Ako ay di talaga nagsasalita.
Tumingin ako kay Taeyeon at para siyang gulat na gulat.
"Taeng bat para kang nakakita ng multo jan?"sabi ni Hyo.
Tumuro siya ng dahan dahan sa likod namin at nakita namin si Kwon, at parang hindi na siya yung Kwon na mahinahon at masayahin na nakilala namin.
"Kwon!"tawag ko sa kanya. Lumingon naman 'to at lumapit sa amin.
"Hi Soo,Tae,Tiff,Sunny,Seo,Yoong at Hyo."pagbati niya samin except kay Sica.
"Bat di ka na umuuwi ng dorm unnie. Isusumbong kita kay mommy!"sabi ni Yoong. Nag glare si Kwon kay Yoong.
"Magsumbong ka wala namang magagawa yang sumbong mo."sabi niya at umalis.
"Guys, Sino yon? Si Kwon paba yon?"tanong ko sa kanila.
Natahimik kaming lahat ng biglang tumayo si Sica.
"Guys, uwi muna ako."sabi niya habang naluluha at dali daling umalis. Tumayo si Yoong para habulin yung eomma niya pero pinigilan ito ni Taeng.
"Hayaan mo muna siya Yoong. She needs space. Kausapin nalang natin siya mamaya pag-uwi."napatango nalang si Yoong sa sinabi ni Tae at lahat kami ay napagdesisyunan nang bumalik sa klase.
Yul's POV
Tatlong araw na simula nung naglayas ako, tatlong araw na simula nung nag-away kami,tatlong araw na ang hindi ko pag pasok,at tatlong araw akong napariwara.Tatlong araw akong babad sa bar, babd sa alak at babad sa malakas na tugtog galing dito. Hanggang ngayon ang sakit padin, ang sakit padin na nagsikreto siya, at yung mga sinabi niya sa akin, hanggang ngayon hindi parin ito nawawala sa utak ko.
Sa tatlong araw ko sa bar, nakakilala ako ng babae, di ko pa alam kung anong pangalan nito pero araw araw niya kong kinakausap sa bar, nagkwekwento at sakanya ko nalabas lahat ng galit ko. Di ko alam pero feeling ko mapagkakatiwalaan ko siya eh,kaso sa sobrang kalasingan ko, everytime na sasabihin niya na yung pangalan niya bigla akong nakakatulog.
Since medjo gumaan na yung pakiramdam ko, naisipan kong pumasok ng school, but not as Kwon Yuri that they've known for years, they will see a new Kwon Yuri now. Di ko alam pero kilangan kong gawin to eh. Gusto ko munang malayo sa kanilang lahat lalo na kay Sica...
BINABASA MO ANG
(Taeny&Yulsic) Friends Turns Into Lovers
FanfictionThis story is for Locksmith and Royal Shippers na Filipino only.